Inside Nueva Ecija

  • Home
  • Inside Nueva Ecija

Inside Nueva Ecija Sharing stories and anything Inside Nueva Ecija! Advisory|History|Places|People|Events|Promotion|Life

SI SEN. BATO ANG HULING SAKAY!Kinumpirma ni Sen. Bato Dela Rosa na siya ang huling pasahero ng helicopter na piniloto ng...
03/02/2025

SI SEN. BATO ANG HULING SAKAY!

Kinumpirma ni Sen. Bato Dela Rosa na siya ang huling pasahero ng helicopter na piniloto ng lady pilot na si Julia Flori Monzon Po bago ang trahedya. Inihatid umano siya nito sa Baguio City.

Sabado, Pebrero 1, nang bumagsak ang naturang helicopter sa isang palayan sa Guimba, Nueva Ecija, na nagresulta sa pagkasawi ni Po.

Personal na bumisita si Dela Rosa sa burol ng piloto kasama sina Sen. B**g Go at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Heritage Memorial Park sa Taguig.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

๐Ÿ”ฅ Mas lalong pasabog! ๐Ÿ”ฅHindi lang Parokya ni Edgar, andito rin si Gloc-9 para sa isang matinding ARAW NG MALAYANG CABANA...
03/02/2025

๐Ÿ”ฅ Mas lalong pasabog! ๐Ÿ”ฅ

Hindi lang Parokya ni Edgar, andito rin si Gloc-9 para sa isang matinding ARAW NG MALAYANG CABANATUAN! ๐ŸŽค๐ŸŽถ

Huwag palampasin ang epic na gabing puno ng musika at saya! Kita-kits mamaya, February 3, Lunes, 6PM sa Freedom Park, Cabanatuan City!

Hatid sa atin nina Mayor Doc Anthony Umali at Congresswoman Cherry Domingo-Umali. โค๏ธ๐Ÿ’™

[Developing Story] Lasing na lalaki, umanoโ€™y nalunod sa irrigation sa Gapan ๐Ÿšจ๐Ÿ’งIsang lalaki ang naiulat na nalunod matapo...
02/02/2025

[Developing Story] Lasing na lalaki, umanoโ€™y nalunod sa irrigation sa Gapan ๐Ÿšจ๐Ÿ’ง

Isang lalaki ang naiulat na nalunod matapos mahulog sa patubig malapit sa Walter Mart, Gapan. Ayon sa saksi, lasing umano ang biktima at nahulog habang umiihi sa gilid ng irrigation. Hindi pa ito beripikado at patuloy pang inaalam ang buong detalye ng insidente.

Mag-ingat at laging maging responsable sa pag-inom. ๐Ÿปโš ๏ธ

๐Ÿ“ธ Gavs Cabrera II and Ced die

Sunod-sunod ang aksidente at mga pangyayari dito sa ating lalawigan. Isa na rito ang isang kolong-kolong na may kargang ...
02/02/2025

Sunod-sunod ang aksidente at mga pangyayari dito sa ating lalawigan. Isa na rito ang isang kolong-kolong na may kargang itlog na tumaob sa Santa Rosario, Santa Rosa, Nueva Ecija.

Ayon sa mga nakasaksi, nag-overtake umano ang kolong-kolong habang kasalubong ang isang mini van. Dahil dito, posibleng nawalan ng kontrol ang driver, dahilan upang tumaob ang sasakyan at magkalat ang mga itlog sa kalsada. Paalala po na mag-ingat po tayo palagi sa pagbiyahe!

Ang mga larawang ito ay kuha mula sa live video ni Aaron Putungan Orial.

Isang sasakyan ang naaksidente sa San Leonardo, Nueva Ecija ngayong araw.Agad namang rumesponde ang mga concerned citize...
02/02/2025

Isang sasakyan ang naaksidente sa San Leonardo, Nueva Ecija ngayong araw.

Agad namang rumesponde ang mga concerned citizens at awtoridad upang tumulong sa sitwasyon, kasalukuyan naman tayong kumakalap pa ng karagdagang impormasyon.

Paalala sa lahat na mag-ingat sa daan at laging sumunod sa speed limit at traffic rules. Stay safe, Novo Ecijanos!

BABAE PATAY MATAPOS BUMAGSAK ANG HELIKOPTERO SA SAPA SA GUIMBAGUIMBA, Nueva Ecija โ€“ Isang helicopter na may body number ...
01/02/2025

BABAE PATAY MATAPOS BUMAGSAK ANG HELIKOPTERO SA SAPA SA GUIMBA

GUIMBA, Nueva Ecija โ€“ Isang helicopter na may body number RP-C3424 ang bumagsak sa isang sapa sa Sitio Arimung-mong, Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, bandang alas-5:00 ng hapon ngayong Pebrero 1, 2025.

Batay sa ulat ni LTCOL George C. Calauad Jr., hepe ng Guimba Police, sa PNP Regional Director, narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang bangkay ng isang babae na kinilalang si Julia Flori Monzon Po, 25 taong gulang, residente ng Marina Bay Homes, Asia World, Paraรฑaque City.

Sa kasalukuyan, patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter at kung may iba pang sakay sa sasakyang panghimpapawid. Nagsasagawa rin ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga posibleng dahilan ng trahedya.

Magbibigay ng karagdagang impormasyon ang mga kinauukulan sa lalong madaling panahon.

๐Ÿ“ท Radyo Natin Guimba

๐Ÿ”ฅ Kabog at pasabog na selebrasyon! ๐Ÿ”ฅTara na at ipagdiwang ang ARAW NG MALAYANG CABANATUAN! ๐ŸŽ‰ Magsama-sama tayo sa Februa...
01/02/2025

๐Ÿ”ฅ Kabog at pasabog na selebrasyon! ๐Ÿ”ฅ

Tara na at ipagdiwang ang ARAW NG MALAYANG CABANATUAN! ๐ŸŽ‰ Magsama-sama tayo sa February 3, Lunes, 6PM sa Freedom Park, Cabanatuan City!

Hatid sa atin nina Mayor Doc Anthony Umali at Congresswoman Cherry Domingo-Umali. โค๏ธ๐Ÿ’™

Huwag palampasin ang makasaysayang gabi ng saya at pagdiriwang! Kita-kits! ๐Ÿ™Œ

๐Ÿšจ BREAKING NEWS: NEGOSYANTE, TINAMBANGAN SA JAEN, NUEVA ECIJA! ๐Ÿšจโš  BABALA: SENSITIBONG BALITA!Isang negosyante ang tinamb...
01/02/2025

๐Ÿšจ BREAKING NEWS: NEGOSYANTE, TINAMBANGAN SA JAEN, NUEVA ECIJA! ๐Ÿšจ

โš  BABALA: SENSITIBONG BALITA!

Isang negosyante ang tinambangan ng riding-in-tandem bandang 10:00 AM ngayong Pebrero 1, 2025, sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija.

Ayon sa mga saksi, habang binabaybay ng kulay gray na sasakyan ang tulay sa Brgy. San Anton, pinaulanan ito ng bala ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo. Sa lakas ng tama, bumangga ang sasakyan sa box culvert at mga poste ng kuryente sa Brgy. Imelda (Apo Esquivel).

Agad namang rumesponde ang mga pulis at tinugis ang mga suspek, na kalaunaโ€™y nakorner sa Kalye Onseโ€”isang dead-end na lugar.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidenteng ito. Manatiling nakatutok para sa karagdagang detalye.

๐Ÿ“ธ Photos courtesy of F. Vasquez & KapreskoTV

01/02/2025

Shoutout sa mga kabataan diyan,

Maโ€˜ ano ulam?
Maglaba ka daw!

๐—”๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, โ€˜๐˜†๐˜‚๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ayon sa isang witnessIsang saksi sa naganap na barilan sa ta...
31/01/2025

๐—”๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, โ€˜๐˜†๐˜‚๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฎ๐˜† ๐—ต๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ayon sa isang witness

Isang saksi sa naganap na barilan sa tapat ng NEUST Sumacab ang nagbahagi ng kanyang nakakatakot na karanasan. Ayon sa kanya, inakala nilang simpleng aksidente lamang ang naganap nang bumangga ang isang sasakyan sa isang bakal malapit sa 7/11. Ngunit laking gulat nila nang malaman na may isa pang sasakyan na humahabol dito, dahilan kung bakit nagmamadali itong tumakas.

โ€œNagkagulo kami sa loob ng jeep, akala namin bubungguin na kami. Naghiwayan kaming lahat, tapos biglang may mga putok ng baril mula sa mga pulis. Doon namin naintindihan na may malubhang nangyayari,โ€ ani pa ng saksi.

Sa kasawiang-palad, maraming nadamay sa insidente, kabilang ang ilang sasakyan at isang panaderya. โ€œKung hindi lang sana siya tumakas, baka hindi na lumala pa ang sitwasyon,โ€ dagdag pa ng saksi, na labis ang panghihinayang para sa mga biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. Maghintay ng karagdagang updates!

โ€œ๐ŸŒฟโœจ แด›แดœแด‹สŸแด€๊œฑษชษด แด€ษดษข ษดแด€แด‹แด€แด›แด€ษขแดษดษข แด˜แด€ส€แด€ษช๊œฑแด ๊œฑแด€ ๊œฑแด€ษด แดŠแด๊œฑแด‡ แด„ษชแด›ส, ษดแดœแด‡แด แด€ แด‡แด„ษชแดŠแด€! โœจ๐ŸŒฟSa gitna ng luntiang kalikasan, matatagpuan ang Lak...
30/01/2025

โ€œ๐ŸŒฟโœจ แด›แดœแด‹สŸแด€๊œฑษชษด แด€ษดษข ษดแด€แด‹แด€แด›แด€ษขแดษดษข แด˜แด€ส€แด€ษช๊œฑแด ๊œฑแด€ ๊œฑแด€ษด แดŠแด๊œฑแด‡ แด„ษชแด›ส, ษดแดœแด‡แด แด€ แด‡แด„ษชแดŠแด€! โœจ๐ŸŒฟ

Sa gitna ng luntiang kalikasan, matatagpuan ang Lake Isabelโ€”isang payapang lugar kung saan maaari kang mag-relax, mag-explore, at muling kumonekta sa kalikasan. ๐ŸŒŠ๐ŸŒพ

Iwanan muna ang ingay ng lungsod at hayaang dalhin ka ng sariwang hangin at mala-paraisong tanawin sa isang hindi malilimutang getaway! ๐ŸŒž๐Ÿ•๏ธ

๐Ÿ“ Lake Isabel, San Jose City, Nueva Ecija
๐Ÿ“ฉ DM us: (FB & IG)
๐Ÿ“ž Call us: 09171006544

โ€

Napagkaklameg! ๐Ÿฅถโ„๏ธTanaw ang fog sa Carranglan, Nueva Ecijaโ€”sinisipon na ba ang lahat? Pahirapan na naman maligo nyan! ๐Ÿคฃ๐Ÿ“ธ...
29/01/2025

Napagkaklameg! ๐Ÿฅถโ„๏ธ

Tanaw ang fog sa Carranglan, Nueva Ecijaโ€”sinisipon na ba ang lahat? Pahirapan na naman maligo nyan! ๐Ÿคฃ

๐Ÿ“ธ Courtesy: tuppoladventure

LOOK: Farm Villaronte is now open! ๐ŸŒธ๐ŸŒป๐ŸŒบNorthern Blossoms ng Nueva Ecija, ngayon pwede mo nang bisitahin! ๐Ÿ’โœจ๐Ÿ“ Ilang-Ilang ...
29/01/2025

LOOK: Farm Villaronte is now open! ๐ŸŒธ๐ŸŒป๐ŸŒบ

Northern Blossoms ng Nueva Ecija, ngayon pwede mo nang bisitahin! ๐Ÿ’โœจ

๐Ÿ“ Ilang-Ilang St., San Francisco, San Antonio, Nueva Ecija
๐Ÿ•ฐ Operating Hours: 6:30 AM - 6:00 PM
๐ŸŽŸ Entrance Fee: P50

Mas magandang bumisita mula 4 PM onwards para hindi masyadong mainit. โ˜€๏ธ

Itag na si jowa o tropa, at mag-pictorial sa gitna ng makukulay na bulaklak! ๐ŸŒท๐Ÿ“ธ



๐Ÿ“ท Farm Villaronte Flower Farm Villaronte๐Ÿ’

NUEVA ECIJA, HANDA NA BA KAYO? ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽ‰Isang espesyal na homecoming ang magaganap ngayong Pebrero 9, 2025 (Linggo) sa NFA Grou...
29/01/2025

NUEVA ECIJA, HANDA NA BA KAYO? ๐Ÿ”ฅ๐ŸŽ‰

Isang espesyal na homecoming ang magaganap ngayong Pebrero 9, 2025 (Linggo) sa NFA Grounds, Cabanatuan City!

Magsasama-sama sina #55-Willie Revillame, Atty. JP Padiernos, at Cong. GP Padiernos ng 132-GP (Galing sa Puso) Partylist para sa isang di malilimutang pagtitipon!

Huwag palampasin ang LIVE na pagsasama-sama! Kita-kits, mga Novo Ecijano! ๐Ÿ”ด๐Ÿ”ตโšช

28/01/2025

Ginising pa rin ng body clock. Ang galing!

Kong Hei Fat Choi!

Opisyal na Holiday Alert!Idineklara ng Malacaรฑang na isang special non-working holiday ang Pebrero 3, 2025 (Lunes) sa Lu...
28/01/2025

Opisyal na Holiday Alert!

Idineklara ng Malacaรฑang na isang special non-working holiday ang Pebrero 3, 2025 (Lunes) sa Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija bilang pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag nito!

Mga Cabanatueรฑo, tamasahin ang inyong espesyal na araw!

๐ŸŒพ๐Ÿš ๐™๐™ข๐™ช๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ก๐™–๐™ซ๐™š๐™ง๐™–! ๐ŸŒง๏ธ๐ŸŽ‰Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ค...
28/01/2025

๐ŸŒพ๐Ÿš ๐™๐™ข๐™ช๐™ช๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™จ ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™๐™–๐™ก๐™–๐™ซ๐™š๐™ง๐™–! ๐ŸŒง๏ธ๐ŸŽ‰

Maraming salamat po sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ค๐™ง ๐˜ผ๐™ช๐™ง๐™š๐™ก๐™ž๐™ค "๐™Š๐™ฎ๐™ž๐™š" ๐™ˆ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™–๐™จ ๐™๐™ข๐™–๐™ก๐™ž at ๐™‘๐™ž๐™˜๐™š ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ค๐™ง ๐™€๐™ข๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ช๐™š๐™ก ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ฃ๐™ž๐™ค "๐˜ฟ๐™ค๐™˜ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ฉ๐™๐™ค๐™ฃ๐™ฎ" ๐™ˆ. ๐™๐™ข๐™–๐™ก๐™ž, kasama si๐™†๐™ช๐™ฎ๐™– "๐™‡๐™š๐™ข๐™ค๐™ฃ" ๐™๐™ข๐™–๐™ก๐™ž ๐™…๐™ง., sa pagbibigay ng sako-sakong bigas para sa mga kababayan natin sa Barangays Burnay, Campos, Calipahan, at San Pascual! ๐Ÿง‘๐Ÿปโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐ŸŒพ

Ramdam na ramdam ang pagmamahal at malasakit sa bawat pamilyang Talaveraรฑo! โค๏ธ Kasama sina ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™‰๐™š๐™ง๐™ž๐™ซ๐™ž ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™จ-๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™š๐™ฏ at ๐™ˆ๐™–๐™ฎ๐™ค๐™ง ๐™…๐™ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™จ, at ang buong , sigurado ang tuloy-tuloy na progreso at kasaganaan sa ating lalawigan! ๐Ÿฉท๐Ÿงก๐Ÿ’š

Hintayin po ang schedule sa inyong mga barangay. Huwag po kayong mag-alalaโ€”lahat ay mabibiyayaan!

26/01/2025

Ako lang ba nakakafeel parang isang taon na ang lumipas pero January palang. Grabe ka, 2025, chill ka naman! ๐Ÿ˜…

Address

Cabanatuan City
3100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Inside Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share