19/05/2023
PAREHAS
BY VER STA ANA
CCTV ay IMPORTANTE
Marami akong nakausap dito sa aming barangay Magsaysay South, Cabanatuan City, hinihiling nila na lagyan ng CCTV ang kanilang street para atleast mabahala ang sinumang masasamang tao na gumawa ng lisya. Dahil pag nakita, napansin umano ng may masamang balak sa kanilang lugar na may CCTV ay magdadalawang isip ang mga ito.
Ngayon ko lang napagtanto, naisipan na mahalaga talaga ang CCTV sa isang lugar.Kahit na may palpak talagang CCTV na hindi mo maaninaw kung sino ang nakunan nito na gumagawa ng lisya o masama sa kapwa. Kaya may palpak na CCTV ay baka mumurahin lang ito kaya dapat ang mga opisyales, mga kapitan, mga konsehal, mga pinuno ng isang barangay ay huwag mag-isip na pagkakitaan pa ang bibilhing CCTV, dahil may posibilidad na pag may komisyon ang bumili ay baka ang ibigay, ibenta ay palpak na CCTV.
Isang madaling araw, halos ang oras ay alas dos (2:00 am) ng umaga, isang estudyante ang naglalakad patungo umano sa Seven Eleven Mini Mart at sasalu-bungin ang isang kaibigan ay hinoldap ng dalawang kalalakihan na nakasakay sa tricycle. Tinutukan umano siya ng punyal ng mga salarin at kinuha ang kanyang cellphone. Matapos makuha ang cellphone ay humiyaw, humingi ng tulong ang biktima sa mga bahayang malapit sa pinangyarihan ng krimen. Tumawag sa kapitan ang mga nagising na magkakapitbahay para magpadala ng saklolo.
Naglabasan ang mga magkakapitbahay subalit nakatakas na ang mga nangholdap.Nagpapasalamat ang biktima dahil hindi nakuha ang kanyang bag na may lamang pera para baon niya sa eskwela.Napag-alaman natin na ang biktima ay taga San Antonio, Nueva Ecija na nag-aaral sa WESLEYAN UNIVERSITY.
–o0o–
WEST Philippine Sea, ibinenta noon panahon ni Noynoy
Kaya pala ang tapang tapang ng China sa pambubuly sa ating Phil. Coast Guard (PCG) ay binili pala nila ang naturang lugar sa West Phil Sea sa dati natin mga opisyales sa panahon ni NOYNOY.
Sa napanood natin sa isang youtube ay nagsasalita si General Parlade na isang Paquito Ochoa ang kumuha ng komisyon sa mga chinito sa pagbebenta nila ng lupa para sa reclamation sa Phil West Sea.
Ayon kay Gen, Parlade, isinumbong nila kay PANG. NOYNOY subalit sinagot sila ni NOYNOYING na, no, secure them, un mga barko ng China na kumukuha ng lupa sa ZAMBALES, Mindoro, Palawan. Lahat ng mga quarry ayon kay Parlade ay nagcontribute ng lupa sa mga tsino para ireclaim ang ilang part sa West Philipine Sea. Kumita ang mga bata ni Noynoy, he he he.