21/08/2024
HAHA😁
Nakatakdang makipag-date si Pokwang kasama ang new-found friend niyang si Richard, na nakilala niya sa segment na “EXpecially for You” ng noontime show na “It’s Showtime.”
“Syempre, I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko naman ding maiba ‘yung ikot ng buhay,” sagot ni comedian at actress na si Pokwang nang siya ay tanungin ni Vice Ganda kung bakit siya sumali sa segment na Expecially for you.
Dumalo si Pokwang na tatlong taon nang single, bilang searcher nitong Sabado, Agosto 17, katuwang ang kaniyang panganay na anak na si Mae na tumulong sa kanya sa pagpili sa tatlong searchee.
Ibinahagi rin ni Mae na dati pa niyang pinasasali ang ina sa segment, at sinabing “Para sa akin talaga, mas gusto kong tumanda siya nang may makakasama.
Pagkatapos ay ibinahagi ng actress-comedian ang dating relasyon sa kanyang estranged partner, ang American actor na si Lee O’Brian, na ama rin ng kanyang bunsong anak na si Malia.
Pinili ni Pokwang at ng mga host ng palabas na huwag siyang pangalanan sa kanilang pag-uusap, kaya tinawag na lang ng aktres si O’Brian bilang “Chururut Bumblebee.”