27/09/2024
PAG NAG ASAWA TAYO LAGI NATIN ITONG TATANDAAN NA ANG PAG AASAWA AY:
1. KATUWANG SA BUHAY.
hindi PABIGAT sa Buhay.
2. KASAMA SA HIRAP
Hindi puro pasarap.
3. PARTNER SA PANGARAP
Hindi nangwawasak ng pangarap.
4. KASABAY mo sa PAG-UNLAD
hindi yung hinihila ka para sumadsad.
5. KINABUKASAN ANG INUUNA
Hindi yung puro barkada.
6. NAGPLAPLANO para sa pamilya
Hindi yung saka na kapag may anak na.
7. Yung PINAPASAYA ka
Hindi Pinapastress ka.
8. Yung marunong mag MATH
Kung ang sahod ay sapat.
9. Yung kaagapay mo sa HIRAP AT SAYA
Hindi yung naghahanap pa ng iba.
10. Yung kaya kang IPAGLABAN at PANINDIGAN
Lalo na sayong MAGULANG o maging BYENAN dahil kadalasan sila ang dahilan ng pagaaway ng MAG-ASAWA at paghihiwalay!
At kung may lumandi sayo, ikaw na ang lumayo, ikaw na ang umiwas. Wag mo ng kaibiganin para sa ikabubuti ng anak mo, ng asawa mo at ng buong pamilya mo. Kaya kung mahal mo ang ASAWA mo, ingatan at alagaan mo ito at dapat marunong kayong MAKONTENTO!