The GenZ Momma

The GenZ Momma For entertainment purposes only.

14/09/2023

Tahong.🤤😋

Happy Father's Day, mahal!Thank you for being a good provider - a responsible father to our little one, and a loving par...
17/06/2023

Happy Father's Day, mahal!

Thank you for being a good provider - a responsible father to our little one, and a loving partner.

Naniniwala ako na ang lahat ng mga sakripisyo mo ngayon ay masusuklian - magiging successful tayo.

- At para sa mga single mom,

Happy Father's Day sa mga ina/single mom na nagpapakaama sa kanilang mga anak.

Mabuhay kayo, at magpakatatag para sa kinabukasan ng inyong mga anak - ginagawa ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng anak, bilib ako sa inyo!

Huwag susuko sa hamon ng buhay. Dahil lahat ng pagsubok ay malalagpasan ninyo rin.

Hindi ako perpektong ina, pero gagawin ko lahat nang makakaya ko para mapalaki ka nang tama.😊💗
09/06/2023

Hindi ako perpektong ina, pero gagawin ko lahat nang makakaya ko para mapalaki ka nang tama.😊💗

Kahit gaano pa kalayo ang distansya nating dalawa, hinding-hindi magbabago, at mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo.Salamat...
04/05/2023

Kahit gaano pa kalayo ang distansya nating dalawa, hinding-hindi magbabago, at mawawala ang pagmamahal ko sa 'yo.
Salamat sa sakripisyo mo para sa pamilya natin.

Distansya lang malayo sa 'ting dalawa, pero ang pagmamahalan natin ay iisa.

Ingatan, at alagaan mo ang sarili mo. Mas lalo mong galingan sa panibagong yugto ng buhay mo.

Mahal ka namin ng anak mo, at maghihintay kami sa pagbabalik mo.

Pagbalik mo nandito pa rin kami para sa 'yo. Kami ang kasama mo sa hirap, kung kaya't kami pa rin ang kasama mo sa pag-unlad.

🇵🇭🇸🇦

Okay lang walang pera, basta buo ang pamilya!No! Hindi okay na walang pera. Hindi okay na walang pambili ng pagkain para...
23/04/2023

Okay lang walang pera, basta buo ang pamilya!

No!

Hindi okay na walang pera.

Hindi okay na walang pambili ng pagkain para sa pamilya.

Hindi okay na kahit simpleng laruan hindi natin mabili para sa mga anak natin.

Hindi okay na wala tayong magawa sa tuwing kailangan ng bagong damit, gamit sa eskwela o pamasahe man lang.

Hindi okay na wala tayong pambiling gamot sa tuwing may sakit sila.

H'wag tayong magpanggap na masaya tayo kahit kumakalam ang sikmura natin.

Ang lungkot.

Kasi ang totoo, sa panahon ngayon, kailangan natin ng pera para maging masaya.

Ikaw na nagbabasa nito,
Alam kong nagsisikap ka para totoong sumaya ang pamilya mo.

'Yong tunay na sayang walang halong pagpapanggap na okay lang lahat.

Tuloy mo lang 'yan!

Kapit lang, papabor din sa 'tin ang swerte! ❤️

— Inshaallah 🤞🏻🙏🏻

ctto

Habang maliit pa ang mga anak natin,Sulitin na natin ang pakikipag bonding sa kanila, laanan at busugin na natin sila ng...
16/04/2023

Habang maliit pa ang mga anak natin,

Sulitin na natin ang pakikipag bonding sa kanila, laanan at busugin na natin sila ng oras, atensyon, at pagmamahal. Huwag na natin hintayin na sa iba nila ito hanapin.

Napakabilis lamang ng mga araw kung kaya't napakabilis din nilang lumaki. Sa susunod pang mga taon, hindi na sila makikipaglaro sa 'tin, kundi sa mga bata na rin gaya nila.

Ang bawat oras, at araw ay mahalaga. Kaya sulitin na natin habang maliit pa sila.

May nagtanong sa 'kin, "Bakit hindi kamukha ng baby na 'yan ang daddy niya eh samantalang si ganito kopyang kopya mukha ...
14/04/2023

May nagtanong sa 'kin,

"Bakit hindi kamukha ng baby na 'yan ang daddy niya eh samantalang si ganito kopyang kopya mukha ng daddy niya?" Nakakaoffend 'yong tanong niya lalo na iba ang tono niya tapos kinumpara pa.

Hindi ko sinagot. Ngumiti lang ako sa kanya.

Mas magtaka ka kung ni isa sa amin na magulang niya ay walang kamukha ang anak namin.🤣

Para sa inyo, sino ba sa 'min ang kamukha ng anak ko?😁
(👍) Daddy
(❤️) Mommy

Ang bilis ng panahon, 'no?Parang dati lang, takot na takot akong hawakan at kargahin ka kasi ang liit liit mo. Pero ngay...
13/04/2023

Ang bilis ng panahon, 'no?

Parang dati lang, takot na takot akong hawakan at kargahin ka kasi ang liit liit mo. Pero ngayon, halos 'di na kita matagalan sa pagkarga kasi big baby ka na. Ang lusog mo na.

Habang lumilipas ang mga araw, napapaisip din ako eh. Buti na lang full time mom ako, nakikita ko kung paano ka lumaki. Nalalaman ko 'yong mga pagkain na gusto mo, mga bawal sa 'yo kasi may allergy ka. Alam ko kung anong oras ka dedede, anong oras ka maglalaro, at anong oras ka matutulog.

Ang swerte ko sa 'yo, anak - naaalagaan kita, nakikita ko ang paglaki mo. Kasi hindi naman lahat ay full time mom gaya ko kasi may kani-kaniya naman kaming mga rason. May mga mommy na kailangan magtrabaho para sa kinabukasan ng mga anak, at pamilya nila.

08/04/2023

Hamburger with Egg sandwich🍔

08/04/2023

Adobong Manok na tuyo😋

08/04/2023

Sinigang sa Pikadilyo👩‍🍳🥘

07/04/2023

Lutoserye.mp4

Address

Santa Maria
Bulacan
3022

Telephone

+9519192139

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The GenZ Momma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The GenZ Momma:

Videos

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Bulacan

Show All