CURSOR Publication

CURSOR Publication The Official Student Publication of BulSU's College of Information and Communications Technology

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | Hindi Umaani ang Pangako๐˜ฏ๐˜ช ๐˜’๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ชBago pa sumikat ang araw, gising na siya. Hindi na kailangan ng alarm. Sana...
24/09/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ง๐—œ๐—ž๐—”๐—ก | Hindi Umaani ang Pangako
๐˜ฏ๐˜ช ๐˜’๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ช

Bago pa sumikat ang araw, gising na siya. Hindi na kailangan ng alarm. Sanay na ang katawan. Sanay na ring bumangon kahit pagod pa. Sa totoo lang, hindi lang ito pagod sa pagtatanim. Pagod ito sa sistemang hindi tumatanaw sa kanya bilang mahalagang bahagi ng lipunan, kundi bilang estadistikang pampalubag-loob sa mga press release ng gobyerno.

Tatlong dekada na siyang magsasaka. Sa Nueva Ecija siya lumaki at nagkauban. Sabi nila, siya ay "backbone of the economy". Pero tuwing panahon ng ani, bakit tila siya ang palaging nababali?

Ngayong taon, ang presyo ng palay sa kanilang lugar ay nasa โ‚ฑ13 hanggang โ‚ฑ16 kada kilo, at ang ang bigas sa palengke ay umaabot ng โ‚ฑ50 kada kiloโ€”kahit sinabi ng Department of Agriculture na ang target price ng palay ay nasa โ‚ฑ23 kada kilo. Sa aktwal, halos hindi sapat ang kinikita niya para bayaran ang abono, binhi, upa sa makinang pampatubig, at dagdag pa ang mga utang sa tindahan.

Nang ipatupad ang Rice Tariffication Law (RA 11203) noong 2019, sinabi ng gobyerno na bababa ang presyo ng bigas para sa mga mamimili. Totoo naman, pero sandali lang. Pero bumagsak din ang presyo ng palay para sa mga lokal na magsasaka. Wala silang proteksiyon. Ang pangakong โ‚ฑ10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund ay hindi rin ganap na nararamdaman sa mga baryo. Minsan ay may dumating na libreng binhi, pero hindi sapat. Minsan ay may training, pero hindi pangmatagalan.

Nitong huling anihan, nabalitaan niya na may โ‚ฑ10,000 cash aid para sa mga kwalipikadong magsasaka sa ilalim ng RFFA (Rice Farmers Financial Assistance). Pumunta siya sa DA office, nagdala ng mga papeles, nagpila. Ilang linggo ang lumipas, wala pa rin. Nang bumalik siya, ang sabi ng taga-opisina: "Wala po kayo sa listahan."

Hindi raw siya "registered" sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture. Pero matagal na siyang nagparehistro. Saan napunta ang pangalan niya? Sa computer daw. Pero hindi nila mahanap.

Pilit siyang ipinapapirma sa mga form, sa mga logbook. Pero walang katiyakan kung may matatanggap siya. Sabi ng barangay, may ayuda. Sabi ng municipal agriculturist, hindi siya kasama. Sa bandang huli, puro sabi lang pala.

May mga polisiyang ipinagmamalaki sa telebisyon. Kagaya ng Farm-to-Market Roads, irrigation projects, at makabagong makinarya. Pero sa kanilang sitio, ang kalsada ay putik pa rin tuwing tag-ulan. Ang irigasyon ay sira. Ang makinarya ay ipinahiram, pero kailangang bayaran kapag ginagamit. May training daw tungkol sa paggamit ng drone. Pero paano ka gagamit ng drone kung wala ka ngang sapat na pataba?

Sabi ng gobyerno, tayo raw ay rice sufficient. Pero bakit kailangan pa nating mag-angkat ng milyon-milyong tonelada ng bigas mula sa Vietnam at Thailand? Sabi nila, โ€œstrategyโ€ daw ito. Pero para sa kanya, parang sinasabi ng gobyerno na hindi na sila umaasa sa mga lokal na magsasaka. Tila inabandona na sila.

Isa sa mga kaibigan niyang magsasaka ang nagbenta ng lupa. Hindi dahil gusto, kundi dahil wala nang ibang mapagkukunan ng pambayad sa utang. Isa pa ay nagtrabaho na bilang delivery rider sa lungsod. Sabi ng anak niya, โ€œTay, mas malaki pa ang kita ng nagsi-sideline sa Maynila kaysa sa nagtatanim ng palay.โ€

Tahimik lang siya. Hindi dahil sang-ayon siya, kundi dahil pagod na siyang magsalita. Sa dami ng kanyang pinagdaanang konsultasyon, meeting, at survey, iisa lang ang natutunan niya: hindi sila talagang pinakikinggan. Kinukuha lang ang datos, hindi ang diwa.

At tuwing umaga, kahit masakit ang katawan, bumabalik pa rin siya sa bukid. Ang lupa ay hindi ang kanyang kalaban. Kung may isa mang tapat sa kanya, ito iyon. Pero hindi sapat ang tapat kung ang gobyerno ay pabaya. Hindi sapat ang sipag, kung ang polisiya ay sagabal.

Dibuho ni Yoma, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™
Pag-aanyo ni Beaver, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™


๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | Sept. 24 on-site class suspensionOn-site classes in all levels, both public and private schools in the Ci...
23/09/2025

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | Sept. 24 on-site class suspension

On-site classes in all levels, both public and private schools in the City of Malolos, are still suspended tomorrow, September 24 (Wednesday), due to the continuous rains brought by the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) from Super Typhoon Nando. Schools are directed to implement alternative learning modalities.

Residents are advised to monitor official weather updates from PAGASA and await further announcements from the City Government of Malolos and local school authorities.

Stay dry, Ka-CURSOR!


Behind every cartoon that passionately shapes stories for the masses are the gifted hands of our editorial cartoonistsโ€”a...
23/09/2025

Behind every cartoon that passionately shapes stories for the masses are the gifted hands of our editorial cartoonistsโ€”and today, we celebrate the life of one of them: ๐—จ๐—ฟ๐—ถ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฒ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—˜๐—ป๐—ฝ๐—ต๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡.

Your drawings go beyond lines that fill a page, breathing life into stories that amplify the voice of the people and call for change. You fill them not just with color, but also with hope.

May this day bring you a year just as colorful as your craft.

Happy birthday, Urielle!

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Luneta, nilunod ng panawagan laban sa korapsyon๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜บ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฉ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜”๐˜ช๐˜จ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜‹๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ขLibo-libong mamama...
23/09/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | Luneta, nilunod ng panawagan laban sa korapsyon

๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜บ ๐˜‘๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฑ๐˜ฉ ๐˜‰๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜”๐˜ช๐˜จ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜‹๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข

Libo-libong mamamayan mula sa ibaโ€™t ibang sektor ang nagtipon sa Maynila nitong Linggo, Setyembre 21, para sa kilos-protestang โ€œBaha sa Luneta: Aksyon laban sa Korapsyon,โ€ upang palutangin ang may sala sa anomalya ng mga flood control projects.

Bilang panawagan ng pananagutan sa kasalukuyang administrasyon, isinagawa ang kilos-protesta kasabay ng ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar noong 1972 sa ilalim ng rehimeng Marcos, kaugnay sa panunupil at katiwalian noon.

Layunin ng protesta na ilantad ang sabwatan ng ilang pribadong kumpanya at opisyal ng gobyerno sa mga proyekto ng flood control. Ayon sa ulat, tinatayang nasa 100,000 Pilipino kasama ang ibaโ€™t ibang sektor ang nagmartsa at nagkaisa, kasabay ng pagwagayway ng kanilang mga bandila at plakard.

Binatikos din ng mga raliyista ang pambubulsa ng pondo ng ilang mambabatas at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), habang patuloy na nasalanta ng bagyo at pagbaha ang mamamayan.

Kinuwestyon din ng mga grupo ang mga lider ng bansa, kabilang sina Rodrigo Duterte, Ferdinand Marcos Jr., at Sara Duterte, dahil sa mga substandard na proyekto, insertions, at confidential funds na walang sapat na paliwanag.

Ayon kay Ysabelle Milo, miyembro ng Organizing Committee ng Tambisan sa Sining Sta. Mesa Chapter, ang kilos-protesta ay hindi lang panawagan laban sa pagnanakaw ng pondo mula sa flood control projects, kundi paniningil ng pananagutan kay Ferdinand Marcos Jr. at sa kaniyang ama.

โ€œKaya itong araw na ito ay hindi lamang bilang kilos-protesta, kundi araw na rin ng paniningil,โ€ giit ni Milo.

Binigyang-diin din ni Milo ang mga pondong nilulustay ng gobyerno, na dapat sana ay napupunta sa serbisyong panlipunan ng mga Pilipino.

โ€œIyong ginawa ng DPWH, ng pamilya Discaya, pinambili nila ng mga maluluhong bagay, ng mga gusto nilang items. Pinambili nila ng mga kotse at designer bags. Sa ganoong paraan, ang pera ng bayan ay direkta nating nakikita na nakalaan sa mga luho. Bakit? Kasi tayo ang nagbabayad ng buwis,โ€ diin pa niya.
Samantala, nauwi sa tensyon ang martsa nang harangin ng pulisya ang hanay sa Ayala Bridge at Mendiola Peace Arch. Sumiklab ang galit ng mga raliyista matapos harangan ng isang trak ang daan, na kalaunaโ€™y sinunog bilang simbolo ng pagtutol sa panunupil. Sinunog din ang isang establisyemento ng SOGO, na nagsilbing matinding pahayag ng protesta.

Ilan sa mga dumalo ang inaresto, habang marami ang nasaktan sa insidente, kabilang ang pangulo ng BAYAN na si Nato Reyes Jr., na tinamaan ng bato sa mukha at dinala sa ospital.

Sa kabila ng tensyon at karahasan, nanatili ang kanilang paninindigang labanan ang katiwalian, habang ang iba ay umuwi dala ng takot.

๐—ž๐—ก๐—ข๐—ช ๐—ช๐—›๐—ข ๐—ง๐—ข ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ: ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆAs heavy rainfall continues due to Super Typhoon Nando, everyone is encourag...
22/09/2025

๐—ž๐—ก๐—ข๐—ช ๐—ช๐—›๐—ข ๐—ง๐—ข ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ: ๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—”๐—–๐—”๐—ก ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—ฆ

As heavy rainfall continues due to Super Typhoon Nando, everyone is encouraged to remain indoors and stay alert.

In case of emergency, you may reach out to the hotlines listed below.

Stay safe, Ka-CURSOR!

Every story finds its rhythm, every word its placeโ€”and today we honor the hand that shapes them with grace. Happy birthd...
22/09/2025

Every story finds its rhythm, every word its placeโ€”and today we honor the hand that shapes them with grace. Happy birthday to our ever-creative Literary Editor, ๐—ฃ๐—ฎ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐— ๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐——๐˜‚๐—ธ๐—ฎ!

Through your eye for detail and love for words, youโ€™ve nurtured pieces that move, inspire, and linger with readers. You remind us that literature is more than wordsโ€”it is art, nurtured with patience and care.

Hereโ€™s to more stories refined, more voices uplifted, and more reasons to celebrate you.

Once again, happy birthday, Duke!

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | On-site classes suspension on September 23Due to the prevailing rains brought by the enhanced Southwest M...
22/09/2025

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | On-site classes suspension on September 23

Due to the prevailing rains brought by the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) from Super Typhoon Nando, on-site classes in all levels, both public and private schools in the City of Malolos, are suspended tomorrow, September 23 (Tuesday).

This is in accordance with the official announcement of the City Government of Malolos.

PAGASA has issued an Orange Heavy Rainfall Warning earlier today for Bulacan, signaling the possibility of widespread flooding and strong winds.

Stay dry, Ka-CURSOR!


๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | Promised, Ignored, Overflowed๐˜ฃ๐˜บ ๐˜“๐˜ช๐˜ข๐˜ฎ ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜Š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จโ€œ๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐—น๐˜† ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€!โ€ A studen...
22/09/2025

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | Promised, Ignored, Overflowed

๐˜ฃ๐˜บ ๐˜“๐˜ช๐˜ข๐˜ฎ ๐˜š๐˜ข๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜Š๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜จ๐˜ถ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ

โ€œ๐—ช๐—ต๐—ฎ๐˜ ๐˜„๐—ฒ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐—น๐˜† ๐—ป๐—ฒ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ถ๐˜€ ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—ท๐˜‚๐˜€๐˜ ๐˜„๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€!โ€

A student from Camarines Sur sums up the frustration, saying that justice means accountability and action, not just promises. This sentiment reflects the reality faced by countless communities every rainy season. Flood control projectsโ€”meant to protectโ€”often fall short, leaving streets flooded, homes at risk, and residents struggling to cope. Roads rise while drainages fall, and promised dikes never materialize. People are left wading through water that reaches their anklesโ€”or worse, climbing to their waist until nothing is spared.

For countless Filipinos, this isnโ€™t just an inconvenience; itโ€™s a yearly nightmare. Students travel through murky waters just to reach school. Workers arrive late, drenched, and exhausted. Health risks loom large, with outbreaks of leptospirosis, dengue, and other waterborne diseases.

Floods have become part of daily life not because they are unavoidable, but because the solutions meant to prevent them have failed.

Does poor planning cause these failuresโ€”or of choices driven more by self-interest than service? Billions are allocated for flood control every year, yet what communities often receive are half-done projectsโ€”or, worse, nothing at all. Transparency is scarce, and every missing canal or abandoned construction site becomes a monument of betrayal. Whatโ€™s worse is that the publicโ€™s funds are used, yet the people donโ€™t feel the benefits.

Take, for instance, the numerous projects in urban centers. Drainage systems are promised to ease flooding, but what residents see are excavations left gaping for months, roads dug up and never repaired, or canals that collapse at the first heavy rainfall. These are not simply technical failures; they are symptoms of systemic dishonesty where public funds are siphoned away from the people they are meant to serve.

A closer look at Bulacan reveals how flawed flood control projects can deepen vulnerability. Cheenie Uy, an environmentalist from Blue Earth Defense Philippines, offers a compelling case study: projects do existโ€”but they often worsen the problem. โ€œMeron naman[g] project, pero ang nangyayari kasi, imbes na ayusin โ€˜yung drainage, lalong pinapataas ang mga kalsada. Yung mga bahay tuloy, including us, naiiwan. Sa amin napupunta at naiipon yung baha. Kung dati hanggang binti lang sa loob ng bahay, ngayon umaabot na hanggang hita. Maling mali talaga yung paraan na ginawa nila.โ€ Uyโ€™s statement illustrates how poor planningโ€”raising roads without fixing drainageโ€”can trap floodwater in residential areas, turning homes into basins.

Uyโ€™s experience is not isolatedโ€”it reflects the lived reality of many Bulacan residents. What was supposed to protect them has only made things worse. โ€œDapat ngayon wala nang baha. Pero nakakagulat kasi now, meron pa rin unlike before na July hanggang mid-August lang tumatagal โ€˜yung baha,โ€ Uy shared. What used to be seasonal flooding has now become a constant threat, damaging homes and disrupting everyday routines. Her story also highlights the toll on education and health: โ€œAko bilang estudyante, minsan maaga pa ako pumapasok para hindi ko na lang abalahin pa yung nanay ko na ihatid pa ako kasi kailangan ko magsuot ng bota. Naapektuhan rin pati yung health kasi alam naman natin, dumadami na rin ang namamatay sa sakit na leptospirosis.โ€

Floods donโ€™t just bring water; they bring with them the weight of illness, disruption, and exhaustion. For many residents, these are burdens that feel avoidableโ€”problems that could have been lessened if projects had been carried out as intended. The reality is that every delay or failure in implementation leaves communities exposed to risks that extend far beyond wet streets.

What fuels the frustration is not only the repeated inconvenience but also the sense that accountability is missing. Residents point out that flooding is not simply a matter of natural forcesโ€”it is also a consequence of neglected responsibilities. Temporary relief efforts may provide immediate help, but they do little to address the long-term issues that cause the same problems to return year after year.

For those living with the constant threat of rising waters, justice means more than bags of rice or canned goods after a storm. It lies in durable, effective solutionsโ€”drainage systems that work, flood control projects that are completed, and planning that prioritizes the safety and well-being of people. Until such measures are fully implemented, communities remain caught in a cycle of vulnerability, hoping for promises to be turned into action.

That demand becomes even sharper in Uyโ€™s message to those in power. โ€œSobrang kahihiyan. Sana makulong, pero knowing the justice system here in the Philippines, nakakawala ng faith talaga. You all know what you should and should not do. Ito ay lantarang panloloko sa mamamayang Pilipino. Mahiya naman talaga kayo.โ€

Flood control should never be reduced to a political project. Itโ€™s about safety, health, and trust. Until corruption is confronted and genuine, long-term solutions are carried out, these โ€œprojectsโ€ will remain nothing more than broken promises floating on dirty floodwater.

Filipinos deserve better than this cycle of neglect. We deserve leaders who value every peso of public money, who see public works not as a source of profit but as a lifeline for the people. We deserve flood control systems that truly protect us, not ones that push waterโ€”and problemsโ€”back into our homes. More than anything, we deserve a future where rain no longer brings fear, displacement, and despair.

Until that future comes, the waters will keep risingโ€”not only from the storms above us, but also from the corruption drowning us from within.

๐—ง๐—ต๐—ถ๐˜€ ๐—บ๐˜‚๐˜€๐˜ ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ.
Not tomorrow. Not someday. ๐˜•๐˜ฐ๐˜ธ.

Layout by Celina Perez, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™
Cartoon by Cloud Angeles, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | BulSU opens online applications for A.Y. 2026โ€“2027Bulacan State University (BulSU) opened online applicat...
22/09/2025

๐—”๐—ก๐—ก๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—˜๐— ๐—˜๐—ก๐—ง | BulSU opens online applications for A.Y. 2026โ€“2027

Bulacan State University (BulSU) opened online applications for the Academic Year (A.Y.) 2026โ€“2027 today, September 22, 2025, for incoming freshmen across all colleges.

The College of Information and Communications Technology (CICT) offers three undergraduate programs: Bachelor of Science in Information Technology (BSIT), Bachelor of Science in Information Systems (BSIS), and Bachelor of Library and Information Science (BLIS).

The online application period will run until December 19, 2025, while submission of hard copy requirements will be accepted from September 29 to December 20, 2025, excluding Sundays and holidays.

Online Application Link:
https://bulsu.heims.ph/admission
https://bulsu.heims.ph/admission
https://bulsu.heims.ph/admission

Guidelines:
https://tinyurl.com/BulSUGuidelines2026
Requirements: https://tinyurl.com/RequirementforATBULSU2026-2027
Programs Offered: https://tinyurl.com/Offered-Programs-AY-2026-2027

Be guided, Ka-CURSOR!


๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nilunod ng sigaw, plakards, at pagkakaisa ng libo-libong Pilipino ang Luneta Park sa kilos-protestang โ€œBaha sa...
22/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nilunod ng sigaw, plakards, at pagkakaisa ng libo-libong Pilipino ang Luneta Park sa kilos-protestang โ€œBaha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon!โ€ nitong Setyembre 21 bilang panawagan para sa maayos at makataong pamumuno.

Hinarangan man ng pulisya ang ilang patungo sa pagtitipon at kinumpiska ang kanilang mga plakard, hindi pa rin napigil ang pag-alon ng protesta.

Matapos ang pagtitipon sa Luneta, nagmartsa naman ang mga hanay patungong Mendiola Peace Arch kung saan iginiit ng ibaโ€™t ibang sektor ang mas matitinding panawagan.

Sa kabila ng malakas na ulan dala ng Bagyong Nando, hindi pa rin nagpatinag ang mga raliyista nang itinuloy ang โ€œTrillion Peso Marchโ€ sa EDSA People Power Monument. Nanindigan ang ibaโ€™t ibang progresibong grupoโ€”kabilang ang ilan sa mga nagmartsa sa Luneta.

Nananatili namang buo ang paninindigan ng mamamayang singilin ang tiwali at panagutin ang makapangyarihan.

Ulat ni Aaron Tayug, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™
Litrato nina Geanne Gonzales at Mangcoke, ๐˜Š๐˜œ๐˜™๐˜š๐˜–๐˜™


Address

Bulacan State University/College Of Information And Communications Technology
Malolos
3000

Telephone

+639696308822

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CURSOR Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CURSOR Publication:

Share