06/12/2024
Napapagod nako 😔
Napapagod na din yung anak ko 🥹
PERO ILALABAN KO 🙏🏻💪🏻
Hindi biro ang byahe namin sa araw-araw ng therapy ng anak ko, since nagsimula ulet siya mag OT sa Manila, eto na na naman ang aming senaryo, sakay jeep, sakay bus, sakay train, sakay trycyle. From Bulacan to Manila, to Manila to Bulacan real quick!! Hindi biro ang magpabalik balik sa ganito pero dahil sa pangangailangan ng anak ko maka-libre ng OT gagawin namin lahat para skaniya.
Actually nag OOT na siya dito sa Bulacan,
650 per session (2x a week)
ST- 700 per session naman (once a week)
SPED - (2x a week) PUBLIC SCHOOL
Total per week is 2k, hiwalay mo pa ang pamasahe at pagkaen namin sa twing therapy namin. Iniwan ko saglit si OT Private for FREE OT sa MANILA (7-8sessions lang) pero nagpapaSALAMAT pa din ako. Tapos after ng Mon-Fri babalik kami dito samin for ST naman niya kasi ayun ang di namin pwede bitawan talaga 🥺
Nakakapagod sa totoo lang, nakaka tuyo ng isip, nakaka anxiety, nakaka stress. Pero no choice ehhh! Kelangan ng anak ko to. Kakayanin namin to. 💪🏻 Alam kong MALAYO pa
pero MALAPIT NA 🙏🏻 TRUST THE PROCESS, LORD GIVE ME A SIGN..
Ang tanging hiling ko lang, lagi kaming maging malakas ng asawa ko para sakanya 🫂❤️
Skl.