TINGNAN: Ito ang tumaob na bangka sa Binangonan, Rizal, kahapon, July 27 dahil sa overloading.
22 lamang ang naka-deklarang pasahero ngunit 42 ang sakay nito.
Patuloy ang search, and rescue/retrieval operations sa mga nawawalang biktima.
Video courtesy: PCG
Magsasama sa isang international film na Under Parallel Skies na sina Janella Salvador at Thai actor na si Win Metawain.
Video courtesy: Peter Wong
PANOORIN: Nagpaliwanag si Mimiyuuh kaugnay sa kanyang viral statement na huwag makipagdate sa mga taong walang pera.
Video courtesy: Mimiyuuuh
HALOS P4M, NAGKALAT SA KALSADA!
Nahulog mula sa isang money machine collector ang halos P4M mula sa kanyang nasirang bag habang binabaybay ang South Road properties sa Cebu sakay ng kanyang motorsiklo.
Sa tulong ng ibang motorista, pulis, at gwardya ay naibalik sa kanya ang halos P3M.
Habang nasa P50,000 naman na pinulot ng mga motorista ang itinurn over sa pulisya matapos manawagan ang biktima na ibalik sa kanya ang pera.
Video courtesy: Teofil Norm Jamolod Quinineza
ASO, KINALADKAD!
Arestado na ang mga suspek na nasa likod ng pagkakaladkad sa isang aso habang sakay ng motorsiklo sa San Pablo City, Laguna.
Sinampahan na rin ang mga ito ng kasong kasong paglabag sa Animal Welfare Act kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang karahasan sa mga hayop.
PANOORIN: Nakuhanan ng isang netizen ang malakas na hangin na dala ng buhawi sa Bacolor, Pampanga.
Makikita sa video ang paglipad ng mga dahon at yero.
Video courtesy: Emily Agustin Olalia
PANOORIN: Kita sa CCTV ang paglabas ng mga residente sa kalsada at pag-uga ng mga sasakyan kasunod ng magnitude 6.3 na lindol sa Calatagan, Batangas
Video courtesy: MDRRMO
Nakadaan pa malapit sa Bulkang Mayon ang Cebu pacific plane kaninang umaga bago ito itaas sa Alert Level 3.
Video courtesy: John Gochenouer
Lumuhod at nakiusap na si Senador Ronald Dela Rosa sa mga pulis para magsabi ng totoo sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Video courtesy: PTV / Senate
Nag-collapse ang singer na si Gigi De Lana habang nagpe-perform sa isang event sa Ilocos Norte.
Kasunod ito ng nangyaring aksidente kay Gigi kasama ang kanyang mga ka-banda habang papunta sa event.
“Hindi man namin natapos ang tugtugan, naramdaman namin ang inyong mainit na pagtanggap sa aming banda. Mga taga-Ilocos Norte, mahal namin kayong lahat. Please join us in praying for Gigi, Jon, Oyus, and our team members’ quick recovery after yesterday’s incident,” ayon sa statement ng kanilang management.
Video courtesy: Lyka Camdas
NANLILIGAW!
Nasagot na ang katanungan ng netizens tungkol sa estado nina Zeinab Harake at basketball player na si Bobby Ray Parks.
Video courtesy: Ray Parks
Gumuho ang bagong gawang highway sa pagitan ng Iligan City at Talakag, Bukidnon.
"I personally saw proofs of corruption in the construction of our national highways.
The yawning ground showed proofs of anomalous construction of the multi-million highway," ayon kay Sec. Manny Piñol.
Video courtesy: Manny Piñol