Kalmadong kaisipan,
at mapayapang kapaligiran;
Iyan na lamang ihihiling muna palagi sa ngayon,
Nakakasawa na rin sa pag-ibig na parang ako lang tumutugon,
Nilaro't niloko ng mundo at walang pagkakataon,
Pero alam kong may nakalaan at hindi yun sa ngayon;
Dahilan ang diyos, "dahil siya ang kauna-unahang binigo't inayawan ng mundo na kahit siya mismo ang lumikha ng mga ito",
Ngunit hindi siya nagbago,
Tuluyan niya pa rin itinuloy ang kanyang mga plano,
Na lahat tayo mapabuti at magbago,
Lumaban sa buhay at humango,
Na kahit sa pait at sakit na ating natatamo;
Tukso't lungkot na nanglalamon,
Hapdi't sakit na nakabaon,
Memoryang dapat itapon,
Kaya kailangang tanggapin at limutin ang kahapon;
Ngunit gagawing aral ang lahat ng iyon,
Hanggang mamulat sa sarili ko't maituon,
At maghintay na lamang sa pagkakataon,
Alam kong sasang'ayon din ang panahon;
Hindi man sa ngayon,
Pero may nag-iisang gumagawa ng kwento'tβsamut-saring misyon,
Kaya sa kabutihan umaaksyon at tumutugon,
Para mga kabigoan bigyan niya ng sulosyon;
Sa kanya ka kumonekta't makipagrelasyon,
Siguradong mayroong pundasyon,
Bibigyan ka ng lakas at tatag para sa iyong pag-ahon,
Upang ika'y lumaban at sa kanya sumang-ayon;
Bigyan mo lang ng halaga ang lahat,
Siguradong ikaw ay mamumulat,
Na ang buhay na kung ihahantulad sa aklat,
Na may teksto at pamagat,
Kung hindi mo ibubuklat,
Hindi mo makikita't mahahanap ang mga inilalahad o mga inuulat na nakasulat,
At mga sagot na maaaring maging sapat sa lahat.
βββββ
04032024
-sonson