NCPO Pinas+ by BinFil B

  • Home
  • NCPO Pinas+ by BinFil B

NCPO Pinas+ by BinFil B Opisyal na page ng NCPO Pinas+ by BinFilB mula sa Binangonan, Rizal.

Layunin naming maghatid ng mapanuri't garantisadong balita tungo sa kaunlaran at kamulatan ng bawat komunidad sa bansa lalo na ngayong pandemya.

31/05/2021

KAKAIBA. MAKABUHULAN. PANG-MASA.

Bagot na bagot ka na ba? Wala nang mapaglilibangan? Kung gayon, kilalanin ang KENDAMA!
Tuklasin sa i LAHAT-hala MO NA 'YAN, ang Mobile Journalism ng NCPO Pinas+ by BinFilB, ang isport na makapagbibigay katuwaan kahit pa sa loob ng inyong tahanan!

Inedit nina: Jan Rennie Abat at Bryan Roy Raagas

Sa mga nagkalat na balita't istorya, lubos mo bang nauunawaan ang bawat talata’t pahina?Naitala na nangunguna ang Pilipi...
30/05/2021

Sa mga nagkalat na balita't istorya, lubos mo bang nauunawaan ang bawat talata’t pahina?

Naitala na nangunguna ang Pilipinas laban sa 79 na bansa pagdating sa pagkakaroon ng pinakakulelat na literacy assessment results. Ito ay batay sa pag-aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development noong 2019.

[KOLUM] Pagbabakuna ang pinakamabisang solusyon upang malabanan ang pandemya. Mahalagang ipalaganap ang kakayahan ng bak...
30/05/2021

[KOLUM]

Pagbabakuna ang pinakamabisang solusyon upang malabanan ang pandemya. Mahalagang ipalaganap ang kakayahan ng bakuna sa pagpapanatili ng kaligtasan ng bawat isa.

Kaya ikaw, hindi pa huli ang lahat. Gamitin mo ang taglay mong boses at kaalaman upang makumbinsi ang kapwa mo mamamayan.

Basahin ang artikulo rito: https://tinyurl.com/ncppoBINFILBkolum

Isinulat ni: Aina Jame Marcelino
Idinisenyo nina: Allen Añis at Val Eltagonde

[LATHALAIN]Nang daanan ng Bagyong Ulysses ang Binangonan, Rizal at nang sumibol ang bayanihan sa community pantries, haw...
30/05/2021

[LATHALAIN]

Nang daanan ng Bagyong Ulysses ang Binangonan, Rizal at nang sumibol ang bayanihan sa community pantries, hawak-kamay sa pagbangon at pagtutulungan ang mga kabataang boluntir sa kanilang sariling munisipalidad sa tulong ng donation drive na Sulong Binangonan.

Kaugnay na artikulo: https://tinyurl.com/ncpoppBFBlathalain1
Isinulat ni: Jan Rennie Abat
Idinisenyo ni: Allen Añis at Val Eltagonde

BUKAS NA AARANGKADA!Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman ng malaya't mala...
29/05/2021

BUKAS NA AARANGKADA!

Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman ng malaya't malawakang talastasan na sumasalamin sa katayuan ng sambayanan hinggil sa mga napapanahong isyu ng bansa na aasinta sa pandinig ng masa!

Pumara na sa TALAKayan Avenue!

Minsan ka na bang nasabihan na huwag ka munang makielam sa pulitika dahil lang ika’y mas bata sa kanila? Minsan mo na ri...
29/05/2021

Minsan ka na bang nasabihan na huwag ka munang makielam sa pulitika dahil lang ika’y mas bata sa kanila? Minsan mo na rin bang naramdaman na hanggang reklamo ka na lang at wala kang magawa bilang parte ng kabataan?

Diyan sila nagkakamali, kapatid. Abot-kamay mo lang ang kapangyarihang pumili ng iyong pagkakatiwalaan.

Kung ikaw ay nasa legal na edad na o kaya naman ay 18 taong gulang na bago ang ika-9 ng Mayo 2022, magparehistro ka!

Ito’y isang karapatan at kapangyarihan.



Iginuhit ni: Angel Christelle Napay
Idinisenyo nina: Allen Añis at Val Eltagonde

DALAWANG ARAW NA LANG, AARANGKADA NA!Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman...
28/05/2021

DALAWANG ARAW NA LANG, AARANGKADA NA!

Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman ng malaya't malawakang talastasan na sumasalamin sa katayuan ng sambayanan hinggil sa mga napapanahong isyu ng bansa na aasinta sa pandinig ng masa!

Pumara na sa TALAKayan Avenue!

[AGHAM AT TEKNOLOHIYA]Sa sitwasyong pinangangambahan ng nakararami dala ng ibang mga dulot ng bakuna, nagbigay ng mga pa...
28/05/2021

[AGHAM AT TEKNOLOHIYA]

Sa sitwasyong pinangangambahan ng nakararami dala ng ibang mga dulot ng bakuna, nagbigay ng mga paliwanag ang isang eksperto kung bakit kailangan nating magpabakuna sa kasalukuyan.

Basahin ang artikulo rito: https://tinyurl.com/ncpoppBFBscience

Isinulat ni: Bryan Roy Raagas
Iginuhit ni: Angel Christelle Napay
Idinisenyo nina: Allen Añis at Val Eltagonde

27/05/2021

PARA MUNA! Kilalanin ang aming podcast sa loob ng 60 segundo.

Nalalapit na ang malaya’t malawakang talastasan hatid ng TALAKayan Avenue na sasalamin sa katayuan ng sambayanan hinggil sa mga napapanahong isyu ng bansa!

TATLONG ARAW NA LANG, AARANGKADA NA!

[EDITORYAL]Negatibo ang naging epekto ng DepEd Order 20 s. 2014 na dahilan ng pagkawala ng asignaturang Philippine Histo...
27/05/2021

[EDITORYAL]

Negatibo ang naging epekto ng DepEd Order 20 s. 2014 na dahilan ng pagkawala ng asignaturang Philippine History sa edukasyong pang-sekondarya. Layunin nitong makapagbigay ng kalidad na edukasyon, ngunit tinakpan lamang nito ang kakayahan ng mga mamamayan na alamin ang katotohanan sa mga nagdaang panahon.

Basahin ang artikulo rito: https://tinyurl.com/ncpoBFBopinyon

Iginuhit ni: Angel Christelle Napay
Idinisenyo nina: Allen Añis at Val Eltagonde

TSAMBA-TSAMBAHAN LANGPosibleng idaan sa "toss coin" o palabunutan ang pag-alam kung sino ang itatanghal na panalo kapag ...
27/05/2021

TSAMBA-TSAMBAHAN LANG

Posibleng idaan sa "toss coin" o palabunutan ang pag-alam kung sino ang itatanghal na panalo kapag tabla ang resulta ng boto sa isang halalan. Mula sa Artikulo 19, Seksyon 240 ng Omnibus Code of the Philippines, magaganap lamang ito kung sang-ayon ang dalawang panig.

[ISPORTS LATHA]Kaakibat sa pag-aaral ng bawat contact sport ang paghubog sa gawi ng tao.Ganito kung ilarawan ng mga eksp...
26/05/2021

[ISPORTS LATHA]

Kaakibat sa pag-aaral ng bawat contact sport ang paghubog sa gawi ng tao.

Ganito kung ilarawan ng mga eksperto sa mundo ng pisikalang isports ang paglinang sa aspeto nito. Narito ang ilan sa mga tugon ng ilang tao ukol sa pagkakaroon ng self-defense.

Kaugnay na Artikulo: https://tinyurl.com/ncpoppBFBisports

Isinulat ni: Bryan Roy Raagas
Idinisenyo ni: Allen Añis at Val Eltagonde

APAT NA ARAW NA LANG, AARANGKADA NA!Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman ...
26/05/2021

APAT NA ARAW NA LANG, AARANGKADA NA!

Nalalapit na ang inihahandog ng NCPO Pinas + na TALAKayan Avenue! Ito ay maglalaman ng malaya't malawakang talastasan na sumasalamin sa katayuan ng sambayanan hinggil sa mga napapanahong isyu ng bansa na aasinta sa pandinig ng masa!

Pumara na sa TALAKayan Avenue!

Sa loob ng mahabang panahon, pinagyaman at pinayabong ng sambayanang Pilipino ang kasaysayan ng ating bansa. Hindi maika...
26/05/2021

Sa loob ng mahabang panahon, pinagyaman at pinayabong ng sambayanang Pilipino ang kasaysayan ng ating bansa. Hindi maikakaila ang patuloy na pagbibigay ng alaala sa mga kwento ng nakaraan, at pagsasabuhay ng mga aral mula sa mga bayaning nagsakripisyo para sa kalayaan ng Pilipinas. Alinsunod sa DepEd Order 20 s. 2014, tinanggal bilang asignaturang pang-sekondarya ang Kasaysayan ng Pilipinas.

Ikaw, ano bang panig mo ukol dito? Halina't banggitin ang iyong opinyon sa post at comment section.

Abangan din ang ilalabas na artikulo ng aming pahayagan ukol sa usaping ito!

ALAM MO BA? Tinanggal bilang asignaturang pang-sekondarya ang Kasaysayan ng Pilipinas alinsunod sa DepEd Order 20 s. 201...
26/05/2021

ALAM MO BA?

Tinanggal bilang asignaturang pang-sekondarya ang Kasaysayan ng Pilipinas alinsunod sa DepEd Order 20 s. 2014. Ito ay kasabay ng pag-usbong ng K-12 kurikulum, ngunit nananatiling eksklusibo ang nasabing asignatura sa ika-11 baitang HUMSS.

Ikaw, sang-ayon ka ba sa pagkatanggal ng Philippine History sa edukasyong pang-sekondarya?

Bukas pa rin ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagkakaroon ng voter registration para sa darating na national ele...
25/05/2021

Bukas pa rin ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagkakaroon ng voter registration para sa darating na national elections sa 2022.

Inaanyayahan din ang mga kabataang papasok sa edad 18 anyos bago sumapit ng Mayo 9, upang magparehistro hanggang ika-30 ng Setyembre ng taong ito.

Ikaw, ano ba ang sitwasyon mo ukol dito? Maaari itong ilagay sa iyong facebook story o comment section sa ibaba.

Isiniwalat ni Ginoong Jamaico Ignacio, pangulo ng organisasyong High School Philippine History Movement, ang tila pagkad...
25/05/2021

Isiniwalat ni Ginoong Jamaico Ignacio, pangulo ng organisasyong High School Philippine History Movement, ang tila pagkadismaya, lungkot at galit ng kaniyang mga kapwa g**o matapos malaman ang pagkatanggal ng kasaysayan ng Pilipinas sa asignaturang sekondarya.

Sa buong detalye, maaaring buksan ang link na ito:
https://tinyurl.com/ncpoBFBbalita

Isinulat ni: Trisha Faye Larracas
Idinisenyo ni: Allen Añis at Val Eltagonde

HANDA NA BA KAYO? Inihahandog ng NCPO Pinas+ ang TALAKayan Avenue bilang tagapaghatid ng malaya at malawakang talastasan...
24/05/2021

HANDA NA BA KAYO?

Inihahandog ng NCPO Pinas+ ang TALAKayan Avenue bilang tagapaghatid ng malaya at malawakang talastasan na sumasalamin sa katayuan ng sambayanan hinggil sa mga napapanahong isyu ng bansa.

Aasinta sa pandinig ng masa!

Abangan sa Mayo 31, 2021.

Kinikilala ang pag-aaral ng self-defense ng mga eksperto, bilang paraan ng pagkatuto, hindi lang sa panlabas na anyo, ku...
24/05/2021

Kinikilala ang pag-aaral ng self-defense ng mga eksperto, bilang paraan ng pagkatuto, hindi lang sa panlabas na anyo, kundi sa kaugalian ng tao. Gayunpaman, sa tulong ng iba't-ibang uri ng media, itinuturing na isa ito sa mga delikadong isport dahil sa dami ng pinsalang matatamo nito, o kaya nama'y madala ito sa kasamaan.

Ikaw, ano bang panig mo ukol dito? Halina't banggitin ang iyong opinyon sa post at comment section.

Abangan din ang ilalabas na artikulo ng aming pahayagan ukol sa usaping ito!

Bawat bagay na idinidisenyo ng bawat institusyon, ay may kanya-kanyang ibig sabihin bilang hatid sa mga mamamayan. Alami...
23/05/2021

Bawat bagay na idinidisenyo ng bawat institusyon, ay may kanya-kanyang ibig sabihin bilang hatid sa mga mamamayan. Alamin ang kahulugan sa loob ng simbolong dinidikta ng aming pahayagan.

ANO’T SINO NGA BA KAMI?Sa panahon ng pandemya, hindi maaari ang magsawalang-kibo ka sa panahong ito. Bilang isa mga inst...
23/05/2021

ANO’T SINO NGA BA KAMI?

Sa panahon ng pandemya, hindi maaari ang magsawalang-kibo ka sa panahong ito. Bilang isa mga institusyon ng pamamahayag, narito ang serbisyong hatid namin para sa publiko.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NCPO Pinas+ by BinFil B posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share