29/08/2023
Magbibigay lang ng oras ang tao kapag gusto niya, oo naman mahahalata mo naman yan, kapag mahal ka o importante ka, makikita mo o mararamdaman mo ang gagawin nyang effort para lang magawa o kaya magbigay ng time para sa'yo, payo ko, irespeto mo ang sarili mo, derechahan ng usapan ang kailangan kapag ganito ang sitwasyon mo. Di lang pagibig ang dapat ibigay sa taong mahal mo, hindi enough yun, kulang yun, kulang na kulang yun, kasama dyan ang pagtrato mo sa kanya bilang tao, na may kasamang respeto, dapat nga hindi mawawala ang pagkakaibigan ninyo habang tumatakbo ang panahon, whether you like it or not, mawawala ang romansa sa inyo, kung buhay pa rin ang friendship ninyo, dyan, dyan tatagal ng maraming taon ang pagsasama. Ang luha at away ay hindi bahagi ng pagibig, part yan ng desisyon na mamahalin mo siya kahit na anong mangyari, kahit na ano ang sitwasyon, kahit na ang bigat bigat na ng problema niyo, lalo na, kapag involve ang ibang tao, kailangan maging matibay kayo para sa isa't isa, kayo ang magka kampi palagi dapat, again, kayo ang magka kampi palagi dapat. Walang tao ang makakapilit para mahalin mo ang sarili mo, sa'yo yun, ikaw yun, pahalagahan at mahalin mo ang sarili mo, pakitaan mo ng pagpapahalaga ang sarili, pakitaan mo ng pagmamahal ang sarili bago ka magmahal at magpahalaga ng ibang tao, again, walang tao na makakapilit na mahalin mo ang sarili mo. Hindi mo kayang mamilit ng taong mahalin ka, totoo naman, kapag bumigay ang dalawang tao na magmahal, it's either, matagal ng mahal nung isa yung isa, kaya bumigay, kaya sumagot, o kaya, nung una pa lang makita, may kamahal mahal na sa'yo, yung mga sumunod na ligaw na lang o kaya panunuyo, pinatagal lang ang panahon o kaya, nag waste time lang. Pagibig ang sagot sa tanong ng pagibig, malalim pero sana ma gets mo, di ba kapag nagmahal, para mas maraming pagmamahal, gumawa ng mga bagay na magdadagdag ng pagmamahal, mga dahilan para mas mahalin ka ng taong mahal mo, kumbaga, dadagdagan mo lang ang nararamdaman mo o nyang pagibig, tapos, yun na, dadami na yan, lalago na yan. Kapag iniiyakan mo pa, may pagibig o pagmamahal pa, kaway kaway ang mga ipokrito at ipokrita, totoo ito, itanong mo pa sa mga umiiyak at nasasaktan pa hanggang ngayon, masakit pa, kasi, may kirot pa ng pagmamahal, oo naman, di naman basta basta makakalimutan at lilipas lang ng ganun yun. Huwag kang mamimilit para ibigay ang respeto at pagmamahal, mapait yan, kahit na anong panahon, kahit na anong sitwasyon, kung nagtitiis na lang kayo, darating ang panahon, magbabastusan na lang kayo, kayo pa hanggang kaya niyo pa, sa ganitong kalagayan, para kayong nagatulong makulong ng sabay. Para gumaling ang sugat, lumayo ka sa taong naging dahilan ng sakit at sugat na yan, kapag hopeless na, kapag wala ng magagawa, matagal ka ng nagtitiis at ginawa mo na o niyo ang lahat, magusap na, usapan ng dalawang taong matured, as mga respetadong tao, kapag pinatagal pa yan, baka magkasakitan pa kayo na parehas nyong pagsisisihan.
Sabi nga sa 1 Corinthians 13:13
Three things will last forever, faith, hope, and love and the greatest of these is love.