30/05/2024
Hi Ka MP! isa po ito sa mga laging naitatanong sa amin at nais po namin kayong i-encourage kung may ganito kayong problema sa Team. Unang-una po, gusto namin i remind ang lahat na ang pag-attend sa church ay ang main part po ng ating commitment at hindi lang pag-tugtog at pag kanta. Totoo po na maraming reasons bakit hindi nakaka-attend sa church service ngunit yung nakakalungkot kasi ay kung habit na ang ganitong ugali at parang naituturing ang Church na GIG na lang. Pag walang GIG hindi pupunta. Kapag ganito po ang ugali natin ay parang sinasabi natin na hindi mahalaga ang fellowship, ang mahalaga ay makatugtog o maka-kanta lang tayo. Ang naging focus ay yung mabibigay natin at nawala na ang halaga ang maitutulong sa iyo sa pag-attend at kasama na dyan ang feeding natin at expression ng ating pagpapasalamat sa Dios kasama ang mga kapatiran. Kaya suggestion po, kung hindi talaga kaya mag-commit sa worship team ay magpaalam po sa leaders natin at ang i prioritize ay ang pag-attend sa church. Tuloy po ang ministry kahit sino ang mawala. Alalahanin po natin that our goal in the ministry is not to produce great musicians and singers. Our goal is to produce loving, committed, faithful people whose passion is to know Christ who will in turn be great musicians and singers who will in turn inspire people with their commitment and love. This will give more glory to our God! Kaya po letโs go back to where we started. Di ba dati attend ka muna bago ka masalang ministry? Attend ka pa rin kahit di ka naka-schedule - worship team ka pa rin kahit wala ka sa stage. Wagi ang biyaya! - Ptr. A