22/09/2023
VOLCANIC SMOG ALERT!
PUBLIC ADVISORY :
Ipinababatid po sa lahat na nakakasaksi ng tila FOG o HAMOG na nasa ating paligid. Ito po ay Volcanic Smog, inaabisuhan na maging mapagmasid at gawin ang mga kaukulang paghahanda patungkol sa ibinubugang usok ng Bulkang Taal na maaring makaapekto sa kalusugan lalot higit sa may kasalukuyang karamdaman.
Ang volcanic smog ay isang mapanganib na kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan. Maari itong magdulot ng problema sa paghinga at iba pang sakit sa kalusugan, lalo na sa mga mayroong mga existing na kondisyon sa baga.
Narito ang ilang hakbang para pangalagaan ang inyong kalusugan:
1️⃣ Manatili sa Loob: I-limit ang mga outdoor na aktibidad upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
2️⃣ Magsuot ng Face mask :Magsuot ng Face mask, lalo na kapag lumalabas ng bahay, upang mabawasan ang paghinga ng makakasamang particulate matter.
3️⃣ Isara ang mga Bintana: Palakasin ang pag-sara ng mga bintana at pinto upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa inyong tahanan.
4️⃣ Manatili Sa Labas ng Panganib: Subaybayan ang mga update mula sa lokal na mga awtoridad para sa pinakabagong impormasyon at tagubilin ukol sa kaligtasan.
Ang inyong kaligtasan ay mahalaga sa amin. Mangyaring ibahagi ang babalang ito sa inyong pamilya, mga kaibigan, at mga kapitbahay. Magtulungan tayo upang manatiling ligtas.