Mommy Connie

Mommy Connie Our source of happiness♥️

20/12/2023

Narealize ko lang na madame akong problemang pinagdaanan ngayong 2023 pero di ko akalain na lahat yun kaya kong lagpasan. Meron pa rin namang problema ngayong darating na 2024 pero kailangan lang magpakatatag. Palaging magdasal at manalig na darating din ang araw na matatapos at mawawala din ang lahat ng nagpapabigat sa kalooban natin🙏♥️

01/09/2023

JUST SAYING....

Akala siguro nung iba porke di nalabas ng bahay at tahimik lang e walang pinagdadaanang problema. Minsan kasi mas Okay pang sarilinin mo nalang ang problema kesa ikwento mo pa sa iba. Imbis na matulungan ka ,ichichismis kapa. Diba ang saklap ng buhay? Minsan kasi yung mga taong pinagkakatiwalaan mo e kunwari lang concern sayo ,yun pala gusto lang makasagap ng latest sa buhay mo para may mapagkwentuhan sila ng mga kapwa nyang magaling mangialam sa buhay ng iba pero hindi maayos ang sariling buhay nila🤣

Disclaimer: Hindi po ako to ha. Pero alam ko maraming makakarelate.

17/08/2023

Hanga din talaga ko sa mga taong magaling gumawa ng kwento😬 pwede ng maging writer o kaya artista🤣

20/07/2023

Buti nalang talaga hindi madaling sumakit ang tyan ko 🤣 kahit anong kainin ko at paghalu-haluin ko walang effect sakin😁 ang sarap kasi ng Alamang e♥️ gusto ko nga din yan inuulam hahaha solve na ko nyan😂

15/06/2023

"Ang Buhay ng isang Nanay"

Akala siguro nila easy lang maging full time Nanay. Nasa bahay ka lang ,walang trabaho hindi kumikita ng sariling pera at nag aalaga sa mga anak. Ang hindi nila doble pa ang hirap ,oo nasa bahay ka lang pero ikaw lahat ang gagawa ,Ikaw ang maglalaba ,Ikaw ang maglilinis ng bahay ,Ikaw ang mag aalaga sa mga bata. Bente kwatro oras sa loob ng isang linggo ,walang sahod at walang pahinga. Hindi nila alam Mas mahirap ang nasa bahay ka lang , kasi minsan nakakalimutan mo na kung sino ka talaga at ano kaba talaga. Hindi naman tayo ipinanganak na Nanay na ,may buhay din tayo bago tayo naging Nanay. Tapos ang isang Nanay ,kaunting magpaganda may masasabi sila. Kaunting napalingat at nasaktan ang anak kasalanan mo na . Hindi ka makapaglaba sa tamang araw ,tamad kana. Teka naman! Teka! Tao kami ,napapagod din kami ,nakakaramdam din kami ng lungkot. Kapag Nanay ba hindi na pwedeng magsaya ? Hindi ba pwedeng iwan namin saglit ang mga bata at makipagsaya kasama ang mga kaibigan? Baka ganun talaga ,Kapag Nanay ka hindi kana Tao ,Robot kana🥺

Sana wag iparamdam satin ng mga taong nakapaligid satin na hanggang dito nalang tayo. Sana wag nila tayong iwan at palagi nila tayong samahan. Sana iparamdam lagi satin yung saya , para kahit nahihirapan ka at napapagod ka na bilang isang Nanay hindi natin kailanman iisipin na sumuko dahil alam natin na palagi silang nakasuporta.

Yung anak kong ang aga nagising tapos ako antok na antok pa... Sabi nya sakin "Mommy wag na tayo sleep"Sabi ko: ok 😁Tuma...
04/06/2023

Yung anak kong ang aga nagising tapos ako antok na antok pa... Sabi nya sakin "Mommy wag na tayo sleep"
Sabi ko: ok 😁
Tumalikod lang ako saglit nauna pang nakatulog sakin🤣

04/06/2023

Kung ako ang papipiliin Mas gusto kong magbigay ng tulong kesa ako ang abutan ng tulong

02/05/2023

Napakahirap at napakasakit magbura ng mga old photos/videos. Di ko na alam ang gagawin ko🤣

02/05/2023

Tara sa Balibago! 😂

Disclaimer: Pasensya na kayo mabilisang voice over lang to kaya kung ano ano nlang sinabi ko🤣 magbubura na sana ko ng mga video ko at full storage na ang aking phone, nakita ko tong video sayang naman😁 pang upload lang hahaha

21/04/2023

Thank You Lord talaga♥️

May nagsabi sakin kapag daw stress ka mag-online shopping ka para makalimutan ang problema , kaya yun ang ginawa ko. Bak...
19/04/2023

May nagsabi sakin kapag daw stress ka mag-online shopping ka para makalimutan ang problema , kaya yun ang ginawa ko. Bakit nung nagdatingan mga order ko parang lalo ata akong na Stress at namroblema!🤣

18/04/2023

Hindi talaga kami materialistic na tao pero ang motto namin "Food is Life"🤣😂

Matutulog akong nakangiti. Ewan ko ba ang babaw ng kaligayahan ko🤣😂CTTO📷
24/03/2023

Matutulog akong nakangiti. Ewan ko ba ang babaw ng kaligayahan ko🤣😂

CTTO📷

24/03/2023

"BUHAY"

Madame man tayong pinagdadanang problema ,piliin pa din nating maging masaya. Maikli lang ang buhay kaya dapat ienjoy ang bawat sandali natin dito sa mundo. Wag natin sayangin ang oras natin para mag-isip ,malungkot o anupaman. Sulitin natin ang bawat araw kasama ang pamilya dahil walang makakapagsabi sa buhay ng isang tao. Hindi natin masasabi kung anong mangyayare bukas. Mawala man tayo bukas atleast naging masaya tayo sa huling sandali natin sa mundo. Maging mabuti tayong tao kahit hindi sila naging mabuti satin. Wag tayong magtanim ng sama ng loob sa mga taong nakasakit satin. Wag tayong mainggit sa mga bagay na wala tayo ,sa mga bagay na hindi natin magawa at sa mga bagay na hindi natin kayang ibigay. Wag natin bilangin ang problema ,bilangin natin ang mga biyayang natatanggap natin MALIIT MAN O MALAKI. May bahay ka blessing yun ,may pamilya ka blessing yun ,may trabaho ka blessing yun ,malusog ka blessing yun ,kumakain ka ng tatlong beses isang araw blessing yun ,gumising ka sa umaga blessing yun at matutulog ka ng mahimbing ngayon blessing yun. Oo , Mahirap ang buhay pero lagi natin tatandaan MASARAP MABUHAY. ♥️

- Mommy Connie

Hindi ako mag sasawang sumigaw at manaway araw-araw.At hinding-hindi ako magsisisi na sumisigaw ako at nananaway ako ara...
12/03/2023

Hindi ako mag sasawang sumigaw at manaway araw-araw.
At hinding-hindi ako magsisisi na sumisigaw ako at nananaway ako araw-araw kung GANITO naman ka-CUTE ang dahilan😁 my baby Wowwish♥️

09/03/2023

Sana nextime sa youtube channel ko naman🤣

09/03/2023

Thank You sa 1-Tawsan Followers😍😍😍

08/03/2023

Yeeey!!! After ninehundredfortyeight years...
Watch Till the end, may special guest ako for today's video😁

Disclaimer:
Hindi po ako eksperto sa pagluluto ,nakikigaya lang po ako kay Mars Yt🤣

07/03/2023

Kitchen Makover Part 2

07/03/2023

Kitchen Make over Part 1

Mahirap ba maging Nanay?Oo, pero...nagiging MADALI kapag nayakap at nahalikan ka ng iyong mga anak.Masaya ba maging Nana...
07/03/2023

Mahirap ba maging Nanay?
Oo, pero...
nagiging MADALI kapag nayakap at nahalikan ka ng iyong mga anak.

Masaya ba maging Nanay?
Hindi, pero...
nagiging MASAYA kapag nakita mong may ngiti sa kanilang mga mata.

Mabigat ba ang responsibilidad ng isang INA?
OO, pero..
GUMAGAAN dahil alam mong lahat ng ginagawa mo ay para sa kanila.

Ang pagiging Nanay o Ina ay isang dedikasyon, kailangang bigyan natin ng puso at pagmamahal ang bawat ginagawa natin para sa ating mga anak ng sa gayon hindi natin isipin na nahihirapan tayo ,na nabibigatan tayo at nalulungkot tayo. May pagkakataon na mararamdaman natin ang mga ito pero magpasalamat tayo sa PANGINOON dahil napagkalooban tayo ng BIYAYA MULA SA LANGIT♥️

28/02/2023

Tao ka lang. Pwede kang mapagod ,pero wag kang susuko. Laban lang💪

Minsan ba naisip mo na sobrang nakakapagod na. Pakiramdam mo dala mo lahat ,yung pakiramdam na pasan mo na ang daigdig? Wag ka mag alala ,hindi ka nag iisa . Iba-iba man tayo ng level ng pinagdadaanan ,lagi mong tatandaan pare-pareho tayong nakakaramdam ng hirap at pagod. Normal lang yan kasi tao tayo ,tao tayo na may pakiramdam ,nasasaktan ,nahihirapan at napapagod. Minsan iiyak mo lang ,bigyan mo ng oras ang sarili mo mag-isip. Magpahinga ka kapag pagod ka na. At the end of the day marerealize mo na "mas" may mahirap pa sa pinagdadaanan mo . May tao na "mas" mabigat pa ang problema kesa sayo. Ang buhay natin ay isang "gyera" kapag hindi ka lumaban matatalo ka. At sino bang tao ang gustong matalo? Syempre wala dahil lahat tayo ang hangad ay manalo. Manalo sa laban ng buhay. Tandaan mo "Hindi natutulog ang Diyos, nakikita nya ang bawat paghihirap at sakripisyo mo" .Kaya palagi nating isipin na may kapalit na MAGANDA ang lahat na PANGIT na pinagdaanan mo .May kapalit na SAYA ang lahat ng LUNGKOT na naramdaman mo. May kapalit na GINHAWA lahat ng HIRAP mo. Basta't lumaban ka asahan mo na magtatagumpay tayo! God bless♥️😘

"PALAGING MAGDASAL AT MAGTIWALA ,SAMAHAN MO NA RIN NG SIPAG AT TYAGA"

-Mommy Connie

02/12/2022

Ang mommy nyong vlogger kuno😂
Napakahirap pala nito
Videos are taken last Nov 27.
Edited Nov 28 to Dec 2🤣
Posted and uploaded Dec 2. 11:14pm

Eh ano naman?😂
02/12/2022

Eh ano naman?😂

Unti-unting mararating.....💕💕💕
02/08/2020

Unti-unting mararating.....💕💕💕

Good morning mga ka M-TEA😊😊😊🤗🤗
15/07/2020

Good morning mga ka M-TEA😊😊😊🤗🤗

Address

#55 Chrysanthemum Street
Binãn
4024

Telephone

+639166324001

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Connie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mommy Connie:

Videos

Share


Other Digital creator in Binãn

Show All