14/11/2024
❗SEMENTERYO❗
Isang gabi ay nagnakaw sina Juan at Pedro ng bayabas sa may gilid ng sementeryo na pagmamay-ari ng kanilang kapitbahay. Nagkasundo ang dalawa na paghatian ang mga eto sa loob ng sementeryo nang sila'y umakyat sa gate para makapasok may dalawang bayabas na nalaglag.
PEDRO: Juan, may nalaglag dalawa!
JUAN: Balikan nalang natin yan Pedro!
PEDRO: Sige, sige!
Nagpatuloy ang dalawa sa loob ng sementeryo at pinaghatian eto.
JUAN: eto sayo ,eto sakin ,, eto sayo,, eto sakin,, eto sayo,, eto sakin,,
At may dumaang lasing na pauwi galing sa inuman at narinig niya ang sinabi ni Juan na (eto sayo, eto sakin,) at biglang nawala ang kalasingan nya sa sobrang takot at tumakbo papuntang simbahan!
LASING: Pader! Pader!
PARI: Ohh! Anong nangyari sa'yo? Bat parang hinabol ka ng multo.
LASING: Samahan mo ako Pader.. punta tayo ng sementeryo! Narinig ko si satanas at kasama nyang demonyo na pinaghahatian nila yong mga patay.
Dahil sa na kyuryos ang pari at gustong malaman kung totoo nga ba sinabi ng lasing sumama eto at pumunta ng sementeryo nang sila ay nasa gate na ng semeteryo may narinig sila na.
(sayo, sakin, sayo, sakin)
Biglang tumindig ang balahibo ng Pari at di makapaniwala sa kanyang narinig kaya lalo niyang pinakinggan ng mabuti ang pinag-uusapan ni satanas at kasama netong demonyo.
JUAN: Ohh! eto last na,, eto sayo at eto naman sa akin..
PEDRO: ha? Anong last na diba may dalawa pa sa may gate???
PARI: Hala!
LASING: Bakit pader?
PARI: Tara na. Takbo dahil pati tayo gustong paghatian NG mga demonyo.
📌crdt.