16/10/2025
🌿 Story Time (Part 1)
Madalas nating sabihin, “Next time na lang.”
Pero ang totoo, ‘yung next time… minsan hindi na dumarating.
Kaya habang kaya pa — simulan na. 💛
Madalas lagi kong sinasabi, “Kuntento na ako kung ano meron ako.”
Pero narealize ko, hindi pala sapat ‘yun.
Dati may trabaho ako, kumikita ng maayos.
Sabi ko noon, “Mag-iipon ako.”
Pero sa totoo lang, lahat binibigay ko para sa pamilya ko.
Hindi ko naisip ang future, kasi lahat naman kami may trabaho,
at si Mader ay nasa abroad pa noon.
Hanggang dumating yung araw na kailangan kong mag-resign sa trabaho dahil nagkasakit ako.
Kailangan kong magpagamot, at naubos ang ipon ko.
Tapos si Mader ko naman ang nagkasakit.
Dumating kami sa punto na wala kaming ipon,
pero kailangan ng malaking halaga para sa gamutan at hospital bills.
Nauwi pa sa ICU si Mader. 😢
Doon namin naranasan ‘yung totoo —
ang hirap kapag wala kang napaghandaan.
Kung kani-kanino kami humingi ng tulong,
at ang bigat sa pakiramdam.
Kung may emergency fund o insurance kami,
baka hindi gano’n kabigat ang pinagdaanan namin.
Kaya habang kaya mo pang magsimula, simulan mo na.
Mas mahirap habulin ang panahon kaysa mag-ipon ngayon. 💛