BChannel

BChannel This is the official Digital page of Balisong Channel (confirmed ang saya!)

ICYMI | Ayon kay VP Sara, mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC matapos ...
24/11/2023

ICYMI | Ayon kay VP Sara, mismong si Pangulong Marcos na ang nagsabi noon na tapos na ang pakikipag-usap sa ICC matapos kumalas ang bansa noong March 2019 sa administrasyon ni dating Pangulong Duterte.

Dapat aniya na igalang ng mga mambabatas ang pahayag ni Pangulong Marcos na aniya’y chief architect ng foreign policy ng Pilipinas.

Buwelta pa ni Duterte, na huwag na sanang insultuhin ng mga mambabatas at bigyan ng kahihiyan ang mga hukuman.

Ayon naman kay Justice Secretary Crispin Remulla na kailangang pag-aralang mabuti ang naturang resolusyon dahil hindi na kasapi ang bansa sa ICC.

ICYMI | Ayon sa police report, ihahatid na sana ni Mister ang kanyang asawa na teacher na si Angelie Jamito sa eskwelaha...
24/11/2023

ICYMI | Ayon sa police report, ihahatid na sana ni Mister ang kanyang asawa na teacher na si Angelie Jamito sa eskwelahan nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival si Juanito habang si Angelie naman ay binawian na din nang buhay.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek gayundin ang motibo nito sa pamamaslang.

Kinondena naman ni DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte ang pagpaslang sa mag-asawa.

LOOK | Namataan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill nitong Huwebes matapos lumubog ang Vietnamese vessel no...
24/11/2023

LOOK | Namataan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang oil spill nitong Huwebes matapos lumubog ang Vietnamese vessel noong Martes sa Balabac, Palawan.

Ayon sa PCG, mayroong karga ang Vietnamese-vessel na Viet Hai Star ng 29,000 liters ng automotive diesel oil at 4,000 metric tons ng bigas nang lumubog ito.

Naglagay na ang PCG ng oil spill booms upang kontrolin ang pagtagas ng naturang langis sa naturang lugar.

Nov. 21, nang maganap ang insidente at nagkaroon ng tagas sa starboard side ng barko na dahilan ng unti-unting paglubog nito. | 📸 PCG

ICYMI | Sa report ng Bureau of Fire Protection, hindi nakalabas ang mga biktima sa kanilang bahay nang maganap ang sunog...
24/11/2023

ICYMI | Sa report ng Bureau of Fire Protection, hindi nakalabas ang mga biktima sa kanilang bahay nang maganap ang sunog.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, nagsimula umano ang sunog bago mag alas-6:00 ng umaga nitong Huwebes at inabot ng 15 minuto bago idineklarang fire-out.

Napag-alaman na maagang pumasok sa trabaho ang mga magulang ng mga biktima nasa edad 1, 6, at 8 taon.

LOOK | Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang pamamahagi ng iba't ibang tulong ng pamahalaan sa mga komunidad ng...
24/11/2023

LOOK | Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos, ang pamamahagi ng iba't ibang tulong ng pamahalaan sa mga komunidad ng General Santos City nitong Huwebes na naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Mindanao.

Sa programa, personal na iniabot ng pangulo kasama si dating Senator at Boxing legend Manny Pacquiao, ang iba't ibang tulong mula sa DSWD. | 📸 DSWD/ Gov. Ruel

24/11/2023

ULO NG MGA BALITA | Kanlaon, Bulkang Mayon, Bulkang Taal patuloy ang pamamaga ayon sa Phivolcs | Mag-asawa, pinagbabaril sa Cotabato | PBBM, namahagi ng tulong sa mga tinamaan ng sa Mindanao | PCG, may namataang oil spill mula sa lumubog na barko sa Balabac, Palawan | 4 na bata, p4tay sa sa Cebu City

Amen.
23/11/2023

Amen.

Kilalanin ang itinanghal na Lakan ng Turismo 2023 Pilipinas na si Marcuz Acar mula sa Lipa City, Batangas! Samahan siya ...
23/11/2023

Kilalanin ang itinanghal na Lakan ng Turismo 2023 Pilipinas na si Marcuz Acar mula sa Lipa City, Batangas! Samahan siya bukas, ika-24 ng Nobyembre 2023, alas-5 ng hapon, sa isang makulay at makabuluhang talakayan dito sa Balisong Channel!

Nawa'y dinggin Mo ang aming panalangin. 🙏
23/11/2023

Nawa'y dinggin Mo ang aming panalangin. 🙏

Salamat sa Iyong presensiya.
21/11/2023

Salamat sa Iyong presensiya.

Nawa'y mapakinggan Mo ang aming mga panalangin, Panginoon.
19/11/2023

Nawa'y mapakinggan Mo ang aming mga panalangin, Panginoon.

37 days na lang, Pasko na!
18/11/2023

37 days na lang, Pasko na!

Salamat po sa isa na namang umagang ipinagkaloob Ninyo sa amin.
17/11/2023

Salamat po sa isa na namang umagang ipinagkaloob Ninyo sa amin.

Tanda mo pa ba kung magkano ang pinakamalaking natanggap mong pamasko?38 araw na lang bago mag-Pasko.
17/11/2023

Tanda mo pa ba kung magkano ang pinakamalaking natanggap mong pamasko?

38 araw na lang bago mag-Pasko.

Purihin Ka.
16/11/2023

Purihin Ka.

39 araw na lang bago mag-Pasko! Ano ang ipinapagpasalamat mo sa Diyos?
16/11/2023

39 araw na lang bago mag-Pasko! Ano ang ipinapagpasalamat mo sa Diyos?

Viral sa social media ang ginawang pamamaril sa loob mismo ng isang Victory Liner bus ng dalawang hindi pa nakikilalang ...
15/11/2023

Viral sa social media ang ginawang pamamaril sa loob mismo ng isang Victory Liner bus ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ngayong Miyerkules ng hapon (Nob. 15) sa Bayan ng Carranglan, Nueva Ecija.

Sa video na kumakalat sa social media, makikita na habang nakaupo ang dalawang pasaherong biktima malapit sa driver ng bus ay tumayo at lumapit ang dalawang suspek sa likuran ng mga biktima.

Pumara ang mga suspek at saka bumunot ng baril saka itinutok sa mga biktima at agad na pinagbabaril ang mga ito sa kanilang ulo at leeg.

Matapos ang insidente agad na pinabuksan ng mga suspek sa driver ang pintuan ng bus at mabilis na tumakas.

Maririnig din sa video ang pag-iyak ng ilang pasahero dahil sa nangyaring insidente.

Nahagip naman ng dash cam ng bus ang mukha ng isang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng Carranglan MPS sa naturang krimen at inaalam na rin ang motibo sa pamamaslang.

ICYMI | LSa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente nang magkaroon ng pagtatalo ang pulis at kamag-anak nito hab...
15/11/2023

ICYMI | LSa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente nang magkaroon ng pagtatalo ang pulis at kamag-anak nito habang nag-iinuman.

Dahil sa kalasingan hindi nakapagpigil ang pulis at binunot ang kanyang baril at walang habas na nagpaputok at tinamaan nito sa leeg ang 13-anyos na dalagita.

ICYMI | Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Brgy. Mainaga, Mabini, B...
15/11/2023

ICYMI | Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Brgy. Mainaga, Mabini, Batangas nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alias Dokay, 42 anyos at alias Weweng, 37-anyos, na parehong residente ng naturang barangay.

Ayon sa Mabini MPS, habang nagsasagawa ang mga awtoridad ay naaktuhan ang mga suspek na nagbebenta ng iligal na droga sa isang buy-bust operation sa

Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 0.16 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,104.00 at buy-bust money.

Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng karampatang kaso.

ICYMI | Nagsagawa ng buy-bust operation kontra iligal na droga ang mga awtoridad sa Brgy. Ping-as, Alitagtag, Batangas n...
15/11/2023

ICYMI | Nagsagawa ng buy-bust operation kontra iligal na droga ang mga awtoridad sa Brgy. Ping-as, Alitagtag, Batangas nitong Lunes dakong alas-2:40 ng hapon.

Inaresto ng pulisya ang dalawang binatilyo na si alias Budoy, 18-anyos, at isang menor de edad na si alias “Impoy”.

Sa report ng Alitagtag MPS, nahuli ang dalawang suspek nang maaktuhan ang mga ito sa aktong pagbebenta ng ilegal na droga.

Nakuha sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may timbang na 0.25 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,720.00 at ang ginamit na buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustudiya ng Alitagtag MPS ang dalawang suspek at mahaharap sa karampatang kaso.

Arestado ang 40-anyos na lalaking wanted sa kasong panggagahasa nitong Martes ng umaga sa Brgy. Olo Olo Lobo, Batangas. ...
15/11/2023

Arestado ang 40-anyos na lalaking wanted sa kasong panggagahasa nitong Martes ng umaga sa Brgy. Olo Olo Lobo, Batangas.

Kinilala ang akusado na si Albert Herrera, caretaker sa naturang bayan, at tubong Malinao, Albay.

Ayon sa Police Report ng Lobo, naaresto ng mga awtoridad ang akusado sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 3 counts of r**e.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Lobo MPS ang naturang akusado at walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan.

Ano ang regalong gusto mong matanggap ngayong Pasko?40 araw na lang, Pasko na.
14/11/2023

Ano ang regalong gusto mong matanggap ngayong Pasko?

40 araw na lang, Pasko na.

ICYMI | Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng apat na katao matapos araruhin ng dump truck ang isang kotse sa kahab...
14/11/2023

ICYMI | Kalunos-lunos ang sinapit na pagkamatay ng apat na katao matapos araruhin ng dump truck ang isang kotse sa kahabaan ng Barangay New Cabalan, Olongapo City, Zambales.

Ayon sa report ng pulisya, habang binabaybay umano ng kotse ang Jose Abad Santos Avenue ay biglang sumalpok ang dump truck. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang truck driver.

Napag-alaman na ang mga biktima, ay galing pa sa isang pamamanhikan at pauwi na sa bahay nang masangkot sa aksidente.

Dinala pa ng mga awtoridad ang mga biktima sa Hospital subalit idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na si Domingo Firmo, na mahaharap sa kaukulang kaso. | 📸 Philippine Red Cross

OOH LA LA 😍LOOK | Pinusuan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang social ...
14/11/2023

OOH LA LA 😍

LOOK | Pinusuan ng mga netizen ang ibinahaging larawan ng aktres-vlogger na si Ivana Alawi sa kanyang social media dahil sa bagong mirror selfie nito.

Litaw na litaw kasi ang hubog ng aktres habang naka-underwear lang at sando sa loob ng banyo.

“Just another mirror selfie 🤭” caption ni Ivana sa Instagram.

ICYMI | Nag-alok ang provincial government ng Misamis Occidental ng kabuuang P3.7 milyong na pabuya sa makapagbibigay ng...
14/11/2023

ICYMI | Nag-alok ang provincial government ng Misamis Occidental ng kabuuang P3.7 milyong na pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon o makakahuli sa mga suspek na pumaslang sa radio broadcaster na si Juan Jumalon.

Ayon sa provincial government, P500,000 ang reward na ibibigay ukol para sa makapagtuturo ng impormasyon sa mga suspek at P3 million naman para sa law enforcer na makakaaresto sa mga killer.

Matatandaan na noong Nobyembre a-5 ay pinagbabaril ang biktima habang nagpoprograma sa radio at naka-live stream sa kanyang tirahan sa naturang bayan.

Ayon sa kapulisan, natukoy na nila ang gun-for-hire group na kinabibilangan umano ng tatlong suspek.

ICYMI | Sinampahan na ng reklamong kidnapping at serious illegal detention ng Philippine National Police- Criminal Inves...
14/11/2023

ICYMI | Sinampahan na ng reklamong kidnapping at serious illegal detention ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group, ang apat umanong suspek sa pagkawala ng teacher at beauty queen na si Catherine Camilon, ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo.

Kabilang sa sinampahan ng reklamo sa Batangas Provincial Prosecutors Police Office, si Police Major Allan De Castro ng Calabarzon Police, driver nito na si Jeoffrey Ariola Magpantay, at dalawa pang hindi pinangalanan, ayon sa PNP-CIDG.

Si Police Major Allan De Castro, na kasalukuyang hawak ng Southern Police District, ang itinuturo umanong katatagpuin ni Catherine bago ito nawala.

Sa isang panayam, sinabi ng PNP-CIDG na nais na umanong makipaghiwalay ng biktima sa naturang pulis, na posible umanong naging dahilan ng pag-aaway.

Ayon pa sa pahayag ng PNP-CIDG, may nakuha silang hibla ng buhok, fingerpint, at bahid ng dugo, sa natagpuang pulang SUV sa Bypass-road sa Batangas City.

Kung saan sinasabi ng mga testigo na ang SUV umano ang pinaglipatan kay Catherine mula sa isang sasakyan bago tuluyan itong mawala.

Natukoy na rin ng awtoridad ang pangalan ng nagmamay-ari ng sasakyan na SUV subalit hindi na muna ito pinangalanan.

Panoorin ang iba pang detalye sa GMBatangas.

Bukod kay Bro, sino ang star ng Pasko mo?41 days na lang, Pasko na!
13/11/2023

Bukod kay Bro, sino ang star ng Pasko mo?

41 days na lang, Pasko na!

Dinggin Mo po ang aming mga panalangin. 🙏
13/11/2023

Dinggin Mo po ang aming mga panalangin. 🙏

BREAKING NEWS | Pinayagan nang makapagpiyansa ng Muntinlupa RTC si dating Senator Leila De Lima, para sa kanyang mga nat...
13/11/2023

BREAKING NEWS | Pinayagan nang makapagpiyansa ng Muntinlupa RTC si dating Senator Leila De Lima, para sa kanyang mga natitirang drug cases.

Lubos ang pasalamat ni De Lima sa lahat ng mga sumubaybay at sumuporta sa kanyang kaso.

Pitong taon na nakulong si De Lima, hinggil sa umano'y kinasasakutan nitong ilegal drug trade sa New Bilibid Prison noong siya pa ay Justice Secretary.

Nagpasalamat din ni De Lima sa administrasyong Marcos dahil sa paggalang sa independence ng judiciary at rule of law.

ICYMI | Patay ang isang 53-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang nagmamaneho...
13/11/2023

ICYMI | Patay ang isang 53-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Brgy. 5 Balayan, Batangas.

Sa report ng Balayan MPS, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa naturang lugar ay binaril ito sa ulo ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo, na nakasunod sa kanya.

Matapos ang insidente, mabilis naman na tumakas ang mga suspek. Nadala pa ang biktima sa Hospital subalit idineklara itong dead on arrival. Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng baril.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya gayundin ang motibo ng mga suspek.

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaibigan, at kapamilya ng biktima.

ICYMI | Nasawi ang isang 31-anyos na lineman makaraang makuryente at mahulog sa hagdan habang naglalagay ng mga cable wi...
13/11/2023

ICYMI | Nasawi ang isang 31-anyos na lineman makaraang makuryente at mahulog sa hagdan habang naglalagay ng mga cable wire ng kuryente sa A. Mabini Ave., Barangay Poblacion 5, Tanauan City, Batangas, noong Sabado ng umaga.

Ayon sa inisyal na report ng Tanauan CPS, habang naglalagay ang biktima ng mga wire sa poste ng kuryente malapit sa isang grocery store nang biglang may sumabog na malapit sa kanya kaya nahulog umano ito sa hagdan.

Dinala pa sa ospital ang biktima subalit binawian din ito nang buhay.

Good news, mga motorista! ICYMI | Malakihang rollback ang aasahan sa mga produktong petrolyo ngayong linggo!Sa pagtaya n...
13/11/2023

Good news, mga motorista!

ICYMI | Malakihang rollback ang aasahan sa mga produktong petrolyo ngayong linggo!

Sa pagtaya ng mga kumpanya ng langis, posibleng bumaba ang presyo ng diesel sa P2.90 hanggang P3.20 kada litro.

Habang ang kerosene naman ay P2 hanggang P2.30 kada litro ang posibleng rollback.

Samantala, maaari namang bumaba ng P0.50 hanggang P0.80 kada litro ang presyo ng gasolina.

ICYMI | Nagpaalala ang DOLE sa mga employer ng pribadong sektor sa Pilipinas na ibigay na ang 13th month pay ng mga mang...
13/11/2023

ICYMI | Nagpaalala ang DOLE sa mga employer ng pribadong sektor sa Pilipinas na ibigay na ang 13th month pay ng mga manggagawa sa petsang hindi lalampas sa Disyembre 24, batay sa Labor Advisory No. 25-2023.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na nakasaad sa Presidential Decree No. 851 na dapat bayaran ng lahat ng mga employer ang kanilang mga empleyado ng 13th-month pay.

Ang mga empleyado na nagtrabaho ng kahit isang buwan lamang sa loob ng isang calendar year ay karapat-dapat na makatanggap ng naturang benepisyo anuman ang kanyang trabaho, posisyon, at kahit ang mga nag-resign na; mga natanggal sa trabaho; at nakatanggap ng salary differential.

Ang iba pang detalye ay nasa comment section.

2 carnapper, arestado sa BatangasICYMI | Sa kulungan ang bagsak ng dalawang umano’y carnapper sa isinagawang entrapment ...
13/11/2023

2 carnapper, arestado sa Batangas

ICYMI | Sa kulungan ang bagsak ng dalawang umano’y carnapper sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sabang, Lipa City, Batangas, kamakailan.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Alex,” mula sa Bauan at alyas “Edison” mula sa Lipa City.

Batay sa Bauan MPS, tinangay umano ng dalawang suspek ang isang nakaparadang motorsiklo sa Brgy. Durungao, Bauan noong Huwebes ng gabi.

Ang naturang motorsiklo ay narekober din ng pulisya sa mga suspek at mahaharap naman sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016.
| 📸 BPPIO

13/11/2023

WEATHER UPDATE | Isa nang tropical depression ang binabantayang low pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA.

Mga Kababayan, 42 days na lang at Pasko na! Ano ang inyong Christmas wish?
13/11/2023

Mga Kababayan, 42 days na lang at Pasko na! Ano ang inyong Christmas wish?

Address

2nd Floor, Jerason Commercial Plaza, P. Herrera St
Batangas City
4200

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BChannel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share