
06/01/2025
Alam mo yung masakit? Hindi yung iniwan ka para sa iba, kundi yung iniwan ka para sa sarili niyang kapayapaan. Kapag ang babae, napili na ang 'peace of mind' kaysa manatili sa relasyon niyo, alam mong ubos na ubos na siya. Hindi na yan tungkol sa 'iba,' kundi tungkol sa paulit-ulit niyang pagpili sa'yo kahit nauubos na siya, hanggang sa dumating sa puntong napagtanto niyang kailangan na niyang piliin ang sarili niya.
Hindi madali sa isang babae ang sumuko. Madalas, bago niya bitawan ang relasyon, pinaglaban niya muna ng paulit-ulit—sa isip, sa puso, at sa mga dasal niya. Pero kapag ang desisyon niya ay kalayaan mula sa bigat na dala ng relasyon niyo, it’s no longer about love; it’s about survival.
Kaya kung nawala ka sa buhay niya, hindi dahil sa iba. Nawala ka dahil sa sarili mo. At sa huli, napili niya ang katahimikan kaysa manatili sa gulo. Doon mo masasabi—tapos na talaga.
Jennylyn Mercado Dennis Trillo