Practical Home and Mom

Practical Home and Mom Random thoughts, about my children, family, life and poodles!

A must watch movie. Ang dami ko niluha dito kasama mga anak ko. Maraming moral lesson na mapapanood sa palabas na ito. I...
13/08/2024

A must watch movie.

Ang dami ko niluha dito kasama mga anak ko.

Maraming moral lesson na mapapanood sa palabas na ito. I highly suggest you to please watch with your family.

Nag intay siya ng almost 30 minutes para sa hot pandesal kanina umaga. Ang bait naman. Patient sya naghintay ng new bake...
15/03/2024

Nag intay siya ng almost 30 minutes para sa hot pandesal kanina umaga. Ang bait naman. Patient sya naghintay ng new baked kasi gusto ni Sean and Rachel.

Our 3 poodles.
14/03/2024

Our 3 poodles.

“Wow may note ang Mama mo? Sana all, kasi si Papa walang ganyan” “Ay sana all may ganyan, Mama ko kasi hindi nag gaganya...
06/03/2024

“Wow may note ang Mama mo? Sana all, kasi si Papa walang ganyan”

“Ay sana all may ganyan, Mama ko kasi hindi nag gaganyan.”

Reactions ng classmates ng mga anak ko na hindi ko akalain mapapansin nila. Halos araw araw hingal kabayo ako maisingit na masulatan sila. Sabi ko nga, mag iimbak na ako love note. Kaso lagi ko nakakalimutan dahil sa tambak din dapat gawin. Everyday ito inaantay ng mga anak ko sa lunch box nila. Yung love note ko sa kanila. Minsan nga nauubusan na ako nang possitive advice na sasabihin . Kaso hinahanap hanap nila. Hindi daw kumpleto food nila kapag wala akong sulat. And tinatatago nila mga letters ko. Matagal pa sila mag aaral, ang ingay ko magsermon sa kanila pag hindi agad sumunod, naghahanap pa ng love letter. 😂

Pero in all honesty, lagi ubos nila ang baon nila. Nandito ata ang pampagana nila. Natutuwa naman ako kasi naappreciate nila effort ko and big deal ang small gesture na ito sa kanila kahit masermon kami ni Jeff sa kanila para ifollow up ang dapat na disiplina.

I’m on the rush lagi sa dami nang ginagawa araw araw. Hindi ako nakapag rest magdamag kasi ang kati kati nang lalamunan ko. Nagigising ako na sobrang nauubo bigla. Kaso ang nanay, walang leave. Kasi pag laki nila kahit ayaw natin mag leave, may time parang naka leave na tayo kasi may iba na silang pagkakaabalahan.

04/03/2024

Good Morning from Charlie and Winona❤️

Everyday ganito sila , para kaming may mga toddlers ulit na humahabol tuwing may papasok sa work, school or aalis sa amin. Pero mas madalas habol na habol sila sa amin ng Papa nila.

Yung napatakbo kami bigla sa sala. Buti lang naabutan namin. Ipinatong lang saglit ng bunso naming anak. Itong dalawang ...
27/02/2024

Yung napatakbo kami bigla sa sala. Buti lang naabutan namin. Ipinatong lang saglit ng bunso naming anak.

Itong dalawang kulot namin ang bibilis. Bawal sa inyo yan! Bad for you Hermione and Winona.

The first time we met Charlie, dalawa na lang sila naiwanan sa magkakapatid. He is afraid in loud sounds and magulatin. ...
25/02/2024

The first time we met Charlie, dalawa na lang sila naiwanan sa magkakapatid. He is afraid in loud sounds and magulatin. Pero may nakita kami ke Charlie na nagustuhan namin. He is so sweet and loving. Kinalabit niya at nakipag shake hands siya kahit very small pa siya noon. Hindi siya photogenic nung puppy pa siya.

Charlie is the biggest among our toy poodles. Bukod tangi siya lang ang malaki. But whatever his size is, hindi naman mapapalitan ang pagiging sweet niya at caring.

Hindi rin siya ang crowd favorite. Umiiyak siya pag pareho kaming wala mag asawa sa gabi. Nahuhurt ako pag sinasabihan siya ng “Ayoko sayo kasi ang laki mo or ang tanga mo kasi takot ka sa dalawa maliit sa’yo babae kasi lalake ka pa naman.”

Hindi tanga si Charlie. Naturuan ko lang talaga siya na huwag sya papatol sa girls kahit inaaway siya o sinusungitan siya. Kapag may sakit ako binabantayan nya ako o tatabihan. Kapag late na at di pa ako bumabangon sa usual routine namin, kakalabitin niya ako kasi nagwoworry sya baka may nararamdaman ako.

He even know how to talk to us and he knows how to say I love you.

Don’t worry Charlie, hindi ka man crowds favorite pero nakita namin na para kaming may bagong baby boy na mahal na mahal kami. At mahal na mahal ka namin at sina Hermione at Winona.

Please see comment of original post for videos.

Different faces of our poodles. Hindi pa nakakapag suklay today. Naglalaba lang ako. Gusto pa kasama sila. Nagbabantay b...
03/02/2024

Different faces of our poodles. Hindi pa nakakapag suklay today.

Naglalaba lang ako. Gusto pa kasama sila. Nagbabantay baka umalis ako at mag drive ulit na di sila kasama.

Silip silipin ang newborn, baka mahulog sa k**a. 😂😂😂Winona is turning 1 year old next month. ❤️
15/01/2024

Silip silipin ang newborn, baka mahulog sa k**a. 😂😂😂

Winona is turning 1 year old next month. ❤️

My 3 precious furbabies. Winona, Hermione and Charlie
27/11/2023

My 3 precious furbabies.

Winona, Hermione and Charlie

Yung pagod na ako everyday pero pinagod ko pa lalo. Theraphy ko ang mag ayos ng bahay. Hindi ko kaya walang walis at mop...
22/11/2023

Yung pagod na ako everyday pero pinagod ko pa lalo. Theraphy ko ang mag ayos ng bahay. Hindi ko kaya walang walis at mop ang bahay sa isang arar. I’m have a little bit OC disorder.

Sa totoo lang masaya ako sa achievement kong ito. Dating binaha ang bahay kasi hindi pa naipapagawa ang drainage namin, and dahilan bakit nasira ang unang wallpaper.

(Ngayon no more baha kasi mas malaki pa sa 8 wheeler truck ang drainage ng subdivision. 😍No exag)

Pasensya na kung gusto ko i-share kasi talaga masaya ako nang matapos ito. We have simple home na inaalagaan lang talaga naming mag asawa. We hope makaya naming mag asawa matupad iba pang plano namin pero priorty namin pag-aaral ng mga bata at everyday living namin. Sana kayanin ng lakas ko bedroom pa namin ni Jeff. Ang hirap magbaklas at mag palit ng wallpaper. 😭

Dahil kuripot ako, kaya ako bumili ng materyales at nagdikit sa buong bahay. Gusto gusto ko ang Damask design na wallpaper. Akalain ko ba naman napakahirap gawin pala ang may pattern na ganito dahil kelangan tugma at sakto.

Malaki pa rin na-save namin and at least na witness ng mga anak namin na kahit busy ako sa kanila at sa crowns, hindi ko rin napapabayaan ang bahay. Grabe sa pagod lalo kulang ako sa height kaso nasimulan ko na at ayoko sukuan ang nasimulan ko.

Mahalaga sa akin ang maaliwalas na bahay para maayos rin mood ko 😂. At masaya ako napapa wow ko mga anak ko at asawa ko tuwing uuwi sila.

Ano ba naman sa pagka clingy.Pwede bang 5 mins lang?
18/07/2023

Ano ba naman sa pagka clingy.Pwede bang 5 mins lang?

06/07/2023

Bakit naman kelan nausog school calendar, umusog rin ang matindi init. Iusog kaya natin ang tag-lamig na gawin isang taon. 🤣

19/02/2022

My favorite song since highschool

18/02/2022

Long post ahead to give idea how really homeschool works with us.

Person: Ah 2 yrs na kayo homeschool nang mga anak mo. Ang laki nang natitipid mo ano, at mas madali.

Me: 😳😳😳

Comment na walang pinagkaiba sa “Ah breast feeding naku ang laki pala ng tipid mo”. Buti lang naka adjust na ako sa mga comments na ganyan kasi hindi pa nila na experience. Dahil din dyan ko natutunan maging maingat sa bibitawan salita sa kapwa ko. Kapag wala akong idea, I asked. Hindi naman kabawasan nang pagkatao ko ang magtanong. 😉

Sa totoo lang mahirap maging breast feeding pero ito nagpapa healthy lalo sa bata kapalit ng sobra sakit sa likod, ni**le na napaka sakit in few weeks na sugat sugat ka na. Ang bigat at init nang breast mo na kapag hindi mo natanggal ang milk parang sasabog na breast mo sa bukol. Nakaka-drain ng energy.

Sa homeschool bibili ka nang lahat ng materials mo, lahat ng libro na pagk**ahal na ngayon and ipiprint or gagawa ka lahat ng worksheets including ng para sa notebook. Lahat ng subjects i-di-discuss mo pati bawat lesson. Gagamit kadin syempre kuryente, internet at aircon lalo pag mainit. Higit sa lahat malakas at maya maya ang kain dahil wala sila sa school mismo. Alam naman natin magana mga anak natin sa loob ng tahanan kumain.

Para kang nagtayo ng iskwelahan din sa loob bahay mo. Sasamahan mo ng sandamakmak na pasensya lalo 3 anak mo iba iba pa level. Na dapat hindi mo makalimutan at masagot mo kapag nagtanong nang sabay sabay yan at iba iba pa subject at lesson.

Ang advantage nang set-up namin ay since nag bubusiness ako, naisisingit ko sya. Flexible schedule. Nakakapag schedule din kami ng mga lakad o bakasyon. Ang mahirap lang din kasi aaralin mo lahat talaga lalo hindi naman ako nag teacher.

Mahirap ang trabaho ng teacher dahil kelangan maitransfer mo ang knowledge sa bata. Mabuti lang laki ako sa strict parents since my mom works also as part of Deped. So bawal petiks o tatamad tamad.

Lahat ay pagsasabay sabayin mo talaga. Strictly implemented namin kung ano deserve na grade nila, yun ang ibibigay namin. Kung bagsak ang quiz so practice more kasi ibig sabihin hindi pa masyado nag sync in sa kanila. Wala kami mahihita sa taasan ang grades dahil lolokohin namin sarili namin nang mga anak ko. Importante natuto. My husband handles the Math subject. If may na sacrifice ay ang playing time namin dahil after magturo, dun ko maasikaso ang negosyo at iba pa. Pero malalaki na rin sila kaya may ibang type na silang laro. Pero noong maliliit sila, I spend time kahit zombie na ako sa antok o pagod.

Sabi nga wonderwoman talaga ang mga ina. Mapapagod pero hindi susuko.

Address

Baras

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Practical Home and Mom posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share