
22/07/2025
๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐ ๐ฃ๐จ๐ฆ | PDRRMO, Nagsagawa ng DRRM Training sa RSHS VI
Dumayo ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Regional Science High School for Region VI (RSHS VI) upang magsagawa ng isang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Training ngayong araw ng Martes, Ika-22 ng Hulyo 2025.
Sinimulan ito ng talakayan ni Galo I. Ibardolaza ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), na nagbigay ng kaalaman hinggil sa Philippine Disaster Risk Reduction and Management Sytems (PDDRMS). Kabilang na rito ang mga uri ng kalamidad at epekto ng mga trahedya dulot ng bagyo sa iba't ibang lugar.
Sinundan naman ito ng presentasyon ni Amelito I. Santos tungkol sa hydro-metrological hazards at karagdagang impormasyon ukol sa habagat at tropical cyclones.
Matapos ang health break, ibinahagi naman ni SFO1 Andrei Von T. Rowan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Aklan ang mga hakbang at paalala sa paghahanda upang makaiwas sa sunog.
Sa huli, nagturo si Grace G. Lachica, personnel ng PDRRMO, ng mga wastong hakbang sa paghahanda para sa lindol at ang pagsagawa ng earthquake drills.
ulat ni Adrian Raquin
litrato nina Chesther Chu at Leiron Zapico
grapiks ni Leiron Zapico