02/05/2024
ANG SABI SALITA NG DIYOS!!
Ang pakikipagtagpo at panliligaw ay dalawang paraan sa paguumpisa ng relasyon ng dalawang tao na magkaiba ang kasarian. Habang may mga hindi mananampalataya na nakikipagtagpo dahil sa intensyon na magkaroon ng sekswal na ugnayan sa isang tao, hindi ito katanggap tanggap para sa mga Kristiyano at hindi ito ang nararapat na dahilan ng pakikipagtagpo. Maraming Kristiyano ang itinuturing na isang uri ng pakikipagkaibigan ang pakikipagtagpo at pinananatili ang pagiging magkaibigan hanggang pareho na silang handa na magtalaga ng kanilang sarili sa isa’t isa sa pagharap sa altar. Una at nararapat na ang pakikipagtagpo ay isang panahon ng pagkilala kung ang isang potensyal na kasama sa buhay ay isang tunay na nananampalataya kay Kristo. Binalaan tayo ng Bibliya na hindi dapat magasawa ang isang mananampalataya ng isang hindi mananampalataya dahil ang namumuhay sa liwanag (kay Kristo)ay hindi maaaring mamuhay na kasama ng isang namumuhay sa kadiliman (kay Satanas) (2 Corinto 6:14-15).Gaya ng nasabi na, sa panahong ito dapat na walang magaganap na sekswal na ugnayan dahil ito ay isang bagay na dapat hintayin pagkatapos ng kasal (1 Corinto 6:18-20).
Sa proseso ng pagliligawan, ang dalawang tao ay walang kahit na anong pisikal na kontak (walang pagdidikit ng katawan, walang hawakan ng kamay, walang halikan at iba pa) hanggat hindi sila nagiging magasawa. Marami sa may ganitong uri ng relasyon ay hindi lumalabas na magkasama sa lahat ng oras malibang kasama ang ibang miyembro ng pamilya, o ang kanilang mga magulang. Gayundin naman, ang dalawang taong nasa proseso ng pagliligawan ay malinaw na ipinahahayag ang intensyon ng bawat isa na kinikilala kung nababagay sila sa isa’t isa bilang magasawa. Pinanghahawakan ng mga naniniwala sa panliligaw na maaari nilang makilala ng malalim ang bawat isa ng walang pisikal na ugnayan at emosyon na maaaring makaapekto sa kanilang pagkilala sa bawat isa.