05/08/2020
Small but deadly!
Ang pagiging maliit sa kanyang mga kalaban ay hindi naging balakid sa ating pambansang kamao para mapaatras at magulpi ng naglalakihang kalaban niya sa welterweight, sa halip, buong tapang niya itong nilabanan ng harap-harapan, at ilan sa mga ito ay sumuko at tumakbo-takbo nalang dahil hindi nila ito magulpi ng harap-harapan. Kahit nga 40 years old na ay hindi parin kinaya ito ng isang mas bata, mas malaki at dekalibreng boksingero.
Sa height na 5'5½" at reach na 67 inches at sa natural na timbang nito na 140lbs, siya ang tinuturing na pinakanaliit na welterweight sa kanyang henerasyon, at ni minsan sa laban niya sa welterweight ay hindi ito nagkaroon ng physical na bentahe sa kanyang kalaban, sa height, reach at weight dehado siya palagi, at ito ay hindi naiintindihan ng karamihan, kaya nga pinagbintangan siya na gumagamit ng PEDs O Performance Enhancing Drugs dahil hindi lang niya tinalo ang mga malalaking kalaban, pinagwawasak pa nito ang mukha nila sa liit niyang yan.
Kung tutuusin hindi dapat lumaban si Manny Pacquiao sa welterweight dahil hindi niya ito natural na timbang, ngunit ibahin mo ang ating pambansang makao, umakyat pa nga ito sa Junior middleweight (154lbs) anong napala niya? 8 Division World Champion lang naman.
Nagkataon lang talaga na mas marami ang magagaling na boksingero sa welterweight at mas malaki din ang kita kaysa sa ibang weight classes na dinaanan niya, kaya nasaksihan mismo ng ating mga mata ang hindi kapani-paniwalang abilidad niya laban sa malalaking kalaban.