09/10/2022
[Note: You can share, like, and comment on this entry.]
TITLE: The Killer
Sabado ngayong araw at naisip namin na pumunta sa mall para magshopping at gumala. Kaya naman, maaga akong gumising para mag-ayos dahil susunduin ko pa ang mga kaibigan ko. Napagkasunduan na Van namin ang gagamitin. Kaya nang maka-ayos ako ay bumaba na ako at dumeretso sa garahe. Hindi na ako nagpaalam kila daddy dahil tiyak na wala sila.
Dumaan muna ako sa bahay ni Andie, ang pinsan ko. Malapit lang ang bahay niya sa amin dahil pareho kami ng Village. Kaya madalas kaming dalawa ang magkasabay papasok.
"Hindi raw makakasama si Venice kasi may aasikasuhin siya," sabi ni Andie nang makasakay siya ng Van. Bigla akong nagtaka sa kaniya.
"Ha? himala naman yata na nagskip siya sa gala ng tropa?" nakakunot-noong tanong ko na hindi naman siya tinitingnan.
"Hindi ko din alam baka nandoon si tito Rico," sagot niya naman. Tinignan ko siya sa salamin na nasa taas ko.
"Sabagay baka nga," kibit balikat na sabi ko.
Dumeretso kami sa bahay nila Kisha, dahil siya ang susunod na susunduin namin. Pagdating doon ay nasa gate na siya nag-aantay. Pagkasakay niya ay dumeretso na kami sa building kung nasaan ang condo ni Claire. Nang makarating na kami doon ay nakita ko si Claire na nasa entrance ng building. Nakangiti si Claire sa amin nang pumasok.
"Wala si Venice?" tanong agad ni Claire.
"Wala, may emergency daw," sagot ni Andie. Nakikinig nalang ako sa kanila.
"Hindi ko maintindihan ang text ni babaita kagabi," mataray na sabi ni Claire. Nagtaka ako sa sinabi niya.
"What do you mean?"nakakunot noong tanong ko. Inihinto ko ang sasakyan para magpark.
"Mamaya na natin tingnan, bumaba na muna tayo," sabi naman ni Andie. Kaya bumaba naman na kami para pumasok ng mall. Hindi ako mapakali kaya naman, tumabi ako kay Claire habang naglalakad. Nauuna si Andie at Kisha habang kami ni Claire ay nahuhuli.
"Patingin ng message ni Venice," cruious na sabi ko kay Claire. Ini-abot niya ang cellphone niya.
From: Venice
SOS
Iyan ang message niya. Nangunot ang noo ko, saka iniisip ano ang gusto niyang sabihin.
"Weird right?" tanong ni Claire ng binawi niya ang cellphone niya. Inisip ko talaga and then narealize ko na humihingi siya ng tulong.
"Guys Venice needs our help!" biglang sigaw ko na dahilan ng paghinto nilang tatlo sa paglalakad. Tumingin sila na nagtataka sa akin.
"Paano mo nasabi Kate?" tanong ni Kisha na nakakunot noo.
"Ha paano?" nagtataka din na tanong ni Andie.
"Give me your phone Claire,"utos ko kay Claire na agad naman niyang inabot. Ipinakita ko sa kanila ang message. Gumilid muna kami dahil nga nakakasagabal kami sa mga dumadaan.
"Nagmamadali siyang magtype kaya naman gumamit siya ng code,," tahimik silang nakikinnig sa akin ang mga ito. "This message isa morse code at ang meaning ng SOS ay help," pag-aanalyze ko. Napanganga sila sa akin.I know about morse code because i heard about it from someone who is reading Harry Potter.
"Oo nga noh," taas-baba naman ang ulo ni Claire na sinabi iyon na tila naintindihan talaga.
"Ano pa bang ginagawa natin dito puntahan na natin siya," sabi naman ni Kisha.
Agad kaming bumalik sa parking lot saka sumakay sa van. Nagmamadali kaming pumunta sa apartment ni Venice upang tingnan siya. Inihinto ko na ang ssasakyan nang makarating na kami sa gate. Walang pag-aalinlangan na pumasok kami. Kumatok naman kami sa pinto habang sumisigaw.
"Venice open the door," hiyaw ni Claire.
"Venice! Venice! Venice!" hiyaw ko habang kumakatok.
"Pasukin nalang kaya natin?" suggest ni Kisha.
"May susi ka ba Andie?" tanong ko dito.
"Naiwan ko eh," kibit-balikat na sagot ni Andie.
Naghanap kami ng pwedeng pasukan sa bahay niya. Si Andie ay pumunta sa likod. Sa kaliwang gilid ay si Claire. Sa kanan na gilid ay si Kisha. Ako naman ang sa harap. Tiningnan kong mabuti ang harap ng bahay. Naalala ko ang tinuro ng tito ko na investigator. Sakto dahil may hair pin ako sa buhok. Ginamitan ko naman ng hair pin sa doork**b nila.
"Guys nabuksan ko na ang door," hiyaw ko sa kanila. Hindi ko na sila inantay pa, pumasok na ako loob. Pinagmasdan ko ang loob. Walang kahina hinala. Naramdaman ko naman na pumasok silang tatlo.
"Wala yatang tao," rinig kong sabi ni Andie.
"Pero look oh," tiningnan ko si Claire na nagsalita at nakita ko may tinuturo siya. "Her favorite shoes is here at wala rin ang slippers niya," sabi ni Claire. Tiningnan ko ang sapatusan niyang nasa gilid lang ng pinto at kompleto at wala ang tsinelas niya.
"Baka naman nakatsinelas na lumabas?" tanong naman ni Andie. Tiningnan ko siya ng matalim.
"Kanina ka pa kontra ng kontra," inis na sabi ko sa kaniya. Umakyat kami sa hagdan patungo sa kwarto ni Venice. Ang hagdan ay nasa tabi lang ng lalagyan ng shoes ni Venice. Hindi ko alam pero bawat hakbang ko ay nararamdaman ko na pabilis ng pabilis ang kaba ko. Nasa likod ko si Claire at magkasunod din sila Andie at Kisha. Hindi pa man kami nakakalapit ngunit nakakaramdam na ako ng kakaiba. Tuluyan na kaming nakapasok sa loob at nagulat ako sa tumambad sa amin.
"Venice!" hiyaw ko saka lumapit sa kaniya habang umiiyak na.
"Ve..ni...ce.." mabagal at hindi makapaniwalang sabi ni Claire. Saka lumapit ito at umakyat sa upuan para tulungan ako sa pag-alis ng tali.
"Bakit mo nagawa iyan?" hindi makapaniwala din si Kisha sa nakita.
Nakatunganga lang si Andie hindi siya lumapit.
Nakita namin si Venice na naka bigti sa loob ng kwarto niya. Kaya pinagtulungan namin ni Claire ibaba ito kahit nanlalabo na ang paningin ko sa mga luha.
Niyakap ko siya habang umiiyak. Si Claire at Kisha ay nasa gilid hawak din ang kamay niya.
"Tumawag kang ambulansya Andie hindi 'yong nakatayo ka lang d'yan. Pinanonood kami," hiyaw ni Kisha.
"Isakay nalang natin siya sa van," sabi Andie nang matauhan ito at bumalik sa reyalidad.Sabagay mas matatagalan pa ang ambulansya. Binuhat siya ni Andie na parang ikakasal. Dali dali siyang ibinaba ni Andie sa van. Sumunod si Kisha at Claire sa kaniya habang ako ay pinulot ang nakatuping papel. HIndi ko na muna ito binasa kaya ibinulsa ko ito.
"Ikaw na ang magmaneho Andie," sabi ko naman. Nakahiga si Venice sa upuan at ang ulo niya ay nasa lap ko. Nasa likod naman kami. Dinukot ko ang cellphone ko para tawagan si tita Cecilia.
"Bilisan mo ang pagmamaneho," hiyaw ni Claire. Rinig ko ang pag-iyak ni Claire.
"Tita.." umiiyak bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"What is it iha?" tanong ni tita.
"Tita....si... Venice.." hindi ko maituloy tuloy ang sasabihin ko sapagkat umiiyak nanaman ako.
"Anong nangyari?" malakas na tanong ni tita.
Inihinto na ang sasakyan sa tapat ng hospital.
"Tita..pumunta nalang po kayo dito sa hospital," sabat ni Claire. Alam kasi sig**o niyang hindi ko masabi. Ibinaba na ni tita ang tawag.
"Nurse! Nurse! Nurse! Emergency!" hiyaw ni Andie. Nagsilapitan naman ang mga nurse na may dalang stretcher at doon inihiga si Venice. Saka siya ipinunta sa emergency room.
"Hindi na po kayo pwedeng pumasok sa loob," sabi naman ng doctor.
HIndi na kami nagpumilit na pumasok pero may lumapit sa amin na nurse.
"Ano ang nangyare sa pasyente?" tanong nito sa amin.
"Suicide,nakabigti siya," sagot agad ni Andie.
"Okay po," agad siyang pumasok sa ER.
Maya maya ay lumabas na ang doctor.
"I am sorry, dinala niyo ang pasyenteng patay na. Sinubukan namin irevibe pero wala na," ang mga kataga na iyon ang nagpaguho ng mundo namin. Wala na akong mailuha pa dahil ubos na.
Nang dumating si tita at tito ay ipinaayos na agad ang bangkay ni Venice. Sobra ang pag-iyak niya. Napag-usapan nila tito na sa chapel siya ibuburol.
"Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagpakamatay," hindi makapaniwala si tita. Ganon din ako.
"Mayroon bang naikwekwento sayo ang anak ko?" tanong sakin. Ako ang pinakamaatalik na kaibigan ni Venice. Ako ang pinagkwekwentuhan niya.
"Nag-aaway daw po sila ni Andie kasi may inagseselosan po. Pero sabi ng pinsan ko okay naman na daw po sila at nagtext ito na hindi na siya makakarating dahil sa emergency," kwento ko kay tita.
"Hindi rin iyon ang magiging dahilan ng su***de niya tita dahil ang babaw na rason po iyon," sabi ko naman. Hindi iyon ang magiging rason ng su***de niya. Pina-uwi na kami ni tita para makapagpahinga.
Inihatid ko sila pero dumeretso ako sa apartment ni Venice. Hindi na ito naisarado kanina ng maayos kaya nakapasok ako agad. Pumunta ako sa taas.
Nagtataka ako dahil sira iyong lock para sa door k**b. Hindi namin ito napansin kanina. Sira kaya talaga ito? Pumasok ako sa kwarto niya at umupo sa higaan niya. Bigla akong may naalala. Kinuha ko ang papel na nasa bulsa ko. Hindi siya nakusot. Binuklat ko ito saka binasa ang sulat.
To everyone
Mama sorry po. Sorry din po papa. Naguiguilty po ako sa ginawa ko at hindi na kaya ng konsensya ko. Nagcheat po ako kay Andie. Nakipagrelasyon po ako sa iba habang kami ni Andie. Pinagseselosan po niya ang karelasyon ko. Ma hindi na po kaya ng konsensya ko kaya po ginawa ko ito. May nangyari din po sa amin ni Klyde, ilang beses na po. I am very sorry.
Andie sorry dahil ginamit lang kita. Hindi na kita mahal kaya ako nagloko.Hindi ko alam kailan nagsimula ang pagfade ng feelings ko sayo. Sorry talaga huh. Sorry din sa pagchicheat ko. Lahat ng duda mo totoo. Sorry talaga.
To all my friends sorry kung hindi na ako makakasama sa gala. Hindi ko naman talaga kayo itinuring na kaibigan eh. Ginamit ko lang kayong lahat lalo na ikaw Kate. Sorry talag.
Venice
Iyan ang sulat na nakalagay sa papel. Hindi ko alam pero hindi ako kumbinsido. Kaibigan ko siya kaya alam ko hindi niya magagawa ang mga nakasulat sa papel. Napansin ko ang pagkakasulat nito. Hindi niya sula-kamay.
Naalala ko nanaman ang message niya kay Claire. Kung magpapakamatay siya why she message Claire? And ang pinto niya bakit sira? Naghanap ako ako ng ibang clue sa kwarto niya. Nakita ng mga mata ko ang study table niya. Pumunta ako doon at nakita ko ang isang kulay pink na notebook. May nakasulat sa cover niya na "Always smile, your'e beautiful". Binuklat ko ito out of curiousity. Bumungad sa first page ay nakasulat na Personal Property by Venice. Sa baba nito ay may nakasulat na "My Secrets".
Binasa ko ang laman nito sa bandang dulo dahil doon lamang ako makakakuha ng impormasyon. Ipinagkumara ko ang sulat na nasa dilaw na papel ay magkaiba. Sinubukan kong tingnan ang iba pang nakasulat kaso halos lahat ay magkakapareho ang sulat-kamay na naiiba sa dilaw na papel. Magkaiba ang nagsulat sa madaling salita.
Ibigsabihin hindi su***de ang naganap, murder.
Tumawag ako agad kay tita.
"Hello iha," sagot ni tita.
"Tita hindi po su***de ang case ni Venice, murder po ito. May pumatay kay Venice," sabi ko sa kaniya.
"Paano?" takang tanong ni tita. Mas maganda sig**o kung sa personal nalang kami magkita.
"Pumunta po kayo dito sa tinutuluyan ni Venice. Baka balikan po ng killer itong kwarto niya. Tumawag na rin po kayong pulis," sabi ko kay tita.
"Sige iha," sabi niya. Ibinaba ko naman na ang tawag saka ako nagdial ng number ni tito Martin para imbistigahan ito.
"Tito can i have a favor?" tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.
"What is it?" tanong ni tito.
"Pwede po bang kayo ang nalang ang magimbistiga sa case ng kaibigan ko?"
"Walang problema saan tayo magkikita?" pagsang-ayon ni tito.
"Itetext ko nalang po ang address," saka ko pinatay ang tawag.
Nagmessage na ako kay tito kung saan kami magkikita.
Matapos iyon ay naghanap na ako ng mga bagay na makakapagbigay impormasyon sa akin. Ang upuan niya ay nasa tapat ng pinagbigtian kay Venice. Inalala ko kung nagalaw ba namin ito. Pagdating namin ay bigla lang ako umangat at hindi ko maalala na ang upuan ay itinayo ko. Ibigsabihin, ang upuan ay hindi nakatumba.
"Iha," rinig kong tawag ni tita. May kasama na siyang pulis. Niyakap niya ako pagkapasok niya.
"Kate paano mo nasabi na hindi nagsu***de ang anak ko?" malamig na tanong ni tito.
"Maaari rin ba namin ikaw makausap iha?" tanong ng isang matandang pulis. Nakachapa siya at maputi na ang buhok nito. Umupo ako sa higaan ni Venice ganon din ang pulis. Sila tito at tita pati ang ibang pulis ay nakatayo at handa nang makinig sa akin. Huminga akong malalim saka nag-umpisang magsalita.
"Kanina po, nang magkasama sama kaming magkakaibigan maliban sa kaniya ay nagmessage raw po ito sa boyfriend niya na hindi ito makakarating. At nagmessage rin po siya sa kaibigan namin nang magulong salita. Gumamit po siya ng morse code," tumingin ako kay tita na namumugto na ang mata. "Nang sinubukan ko pong intindihin ang message ay nalaman ko po na humihingi siya ng tulong. Kaya dali-dali namin siyang pinuntahan ngunit walang kakaiba sa bahay niya ngunit kompleto ang sapatos niya at wala rin ang tsinelas niya. Kilala ko po si Venice, hindi siya aalis nang nakatsinelas lang. Umakyat kami para tingnan siya ngunit nadatnan na namin siyang nakabigti ngunit ang upuan ay hindi nakatumba. Sa ibabaw ng upuan ay sulat na hindi tugma sa sulat-kamay niya," itinuro ko ang mesa kung nasan ang diary at ang sulat. Tiningnan nila ito at nakumpirma na magka-iba.
"Kahina hinala nga po ang pagkamatay ng inyong anak," sabi ng pulis kay tita.
"May imbistigador na po akong kinausap," sabi ko. Lumapit si tita sa akin at hinawakan ang kamay ko
"Salamat iha,dahil saiyo mabibigyan namin ng katarungan ang pagkamatay ni Venice," sabi niya habang nakatingin sa mata ko. Tumayo siya at lumapit sa pulis.
"Kailangan mong tumistigo iha pati ang mga kaibigan mo," sabi ng matandang pulis.
"Opo," sagot ko. Dumating naman si tito Martin. At lumapit ako sa kaniya. Ipinakilala ko siya kila tita. Nakipagkamay ito matapos magpakilala saka lumapit sa pinangyarihan ng krimen. Sinuri niya ang pwesto. Tinanong niya ako ng ilang bagay na sinasagot ko naman.
Ipinatawag rin kami ng mga kaibigan ko at inimbistigahan. Ipinakita ni Claire ang message niya dahil hiningi ng pulis. Tinanong kami kung may kaaaway ito.
"Wala po iyang kaaway. Ngunit nagkwento po siya na nag-aaway sila ng boyfriend niya. Pero naging maaayoss naman daw po," sagot namin sa tanong niya na sino ang kaaaway niya.
"Hindi ko iyon magagawa sa girlfriend ko," tanggol naman ni Andie.
"Ikaw lang ang magkakaroon ng intensyon Mr," sagot ng pulis.
Bandang huli ay hindi kami pinauwi. Pinaghihinalaan si Andie, kahit ako ay naghihinala sa kaniya. Siya lang ang may motibo na patayin si Venice.
Bumalik ako sa taas ng kwarto dahil sa sala kami inimbistigahan. HIndi ako pinapasok ngunit nandoon si tito Martin kaya nakapasok ako.
Tiningnan ko ang upuan, kung su***de ang case nga ito, ay dapat nakatumba ito at hindi maaayos na nakatayo. At hindi siya magmemessage. Sinubukan ko pang humanap ng lead. Sinilip ko ang ilalim ng upuan at doon ay may naaninag akong konting dugo. At nagawi ang mata ko sa ilalim ng higaan at may nasilip na papel.
"Mas maganda kung ipa-autopsy ang bangkay," suhestyon ni tito Martin. Hindi siya tinutulan ng mga pulis dahil tama naman. Pumayag ang magulang ng kaibigan ko. Tumawag si Tito at sinabi niyang gawin ang suhestyon ni tito Martin.
Kinuha ko rin ang papel. May nakasulat sa papel.
TELLERT DOCE
11 9 19 8 1 23 1 14 20 11 9 12 12 13
Hindi ko maintidihan ang nakasulat. Kaya umupo ako sa higaan ni Venice. Inisip ko talaga saka pinagmasdan.
"AH!" tila may pumasok na ideya sa isip ko. Tumingin sa akin ang mga tao sa paligid ko.
"Ano iyon?" tanong nila sa akin.
"Mayroon na po tayong magiging ebidensya," sagot ko saka ipinakita ang ang papel na hawak ko. Lumapit sila tito Martin,Tita Cecilia, tito Rico at ang matandang pulis. Inilatag ko ang papel sa harap nila. Nanghingi din akong papel at ballpen para maipaliwang ito.
"This is a rambled letters at kapag inayos natin bubuo ng salitang "LETTERS CODE". Tinutukoy nito ay ang mga numbers na ito," paliwanag ko sa kanila.
"At ang letters ay nasa likod ng numero na ito, tama ba Kate?" nakatingin na tanong ni tito Martin. Tumango ako sa kaniya saka itinuloy ang ginagawa ko. Doon ko na nagamit ang papel at ballpen.
"Paano natin malalaman ang gusto niyang sabihin?" tanong ng pulis.
Oo nga noh? Hindi agad ako nakasagot, dahil nga iniisip ko.
Letters code
Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko hanggang sa , naisip ko na baka number na mula A hanggang Z. Sinubukan ko naman ang naisip ko. Nagsulat ako ng A hanggang Z at sa tapat nito ay number na 1 hanggang 26. Pinanuod lang nila ako sa ginagawa ko.
11 9 19 8 1 23 1 14 20 11 9 12 12 13
K I S H A W A N T K I L L M
"Kisha want kill," basa nila. Sig**o hindi niya natapos ito dahil malapit na ang killer.
"Si Kisha ang pumatay sa anak ko," hindi makapaniwala si tita. Agad na bumaba ang pulis para puntahan si Kisha.
"Kisha Itchuwa ikaw ay inaaresto namin sa salang pagpatay kay Venice Constel," rinig kong sabi ng pulis. Bago siya dalhin narinig ko ang pagtutol niya.
"Anong ako?" tanong ni Kisha habang pababa kami. Bakas ang gulat sa mata nilang tatlo. Sinampal ko siya na agad akong pinigilan.
"Meron kaming sapat na ebidensya at magkakaroon ulit!" galit na sabi ko. Ipinakita ko ang sinulat ko pati ang papel na nakita ko. Dala dala rin ng matandang pulis ang papel na may death note. Pinasusulat siya para sa matibay na ebidensya. Ngunit umiyak siya sa harap namin. Nakayuko siya habang ang dalawang kamay niya ay nakatakip sa mukha niya.
"Oo pinatay ko siya," humarap siya sa amin. Sinampal din siya ni tita Cecilia kaya hinawakan din siya ng asawa niya.
"Hayaan natin managot siya sa batas," sabi ni tito Rico.
"Bakit mo nagawa siyang patayin?" hindi makapaniwala na tanong noi Andie.
"Dahil mahal ko siya at hindi ako papayag mapunta siya sayo. Kung hindi siya mapapasa-akin edi dapat walang magmay-ari sa kaniya," nakangising sabi niya. Susugurin sana siya ni Andie pero naunahan na siya ni Claire. Sinabunutan siya nito at inawat siya ng mga pulis.
"HAY*P KA! NAKAKADIRI KA!" hiyaw nito sa kaniya.
"Ibigsabihin ikaw din ang nagtext kay Andie?" tanong ko sa kaniya nang maalala na nagmessage si Venice. Ngumiti siya saka tumawa.
"Oo," nakangiting sagot niya. Ang mukha niya ay nag-iba ang awra. "Kaso masyado kang mataktika dahil nalaman mo na hindi su***de ang case niya. Masyado kang pakialamera! " inis na sabi niya sa akin.
"Damputin niyo na iyan," saka siya dinala sa kulungan.
Lumabas din ang resulta ng autopsy na siya ay may sugat sa leeg at hindi ito gawa ng lubid. Nasugatan ito ng matalim na bagay saka nilagyan ng pampatigil ng dugo. At nalaman nilang blade ang ginamit sa kaniya. Maraming nalakap na ebidensya ang mga nag-imbistiga.
Sinampahan siyang kaso na murder at hinatulan ng ilang taon na pagkakakulong. May matibay na ebidensya ang mga pulis kaya siya napatunayan na guilty.