11/12/2024
๐๐๐ฌ๐ ๐: ๐ฃ๐๐ธ๐๐ฎ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ฝ๐๐ป๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐๐ฎ๐ป!
Sa nagdaang mga taon, ang korapsyon ay tila isang parasitiko na unti-unting umuubos sa diwa ng katarungan at integridad, nilulumpo ang mga institusyon at pinahihina ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan, mapa-loob o labas man ng ating bansa. Dahil nananatili ito bilang isang malubhang sakit sa ating lipunan, ang United Nations Convention against Corruption (UNCAC) ay idineklara ang ika-9 ng Disyembre bilang โInternational Anti-Corruption Dayโ noong 2003, upang imulat ang mga mamamayan sa katiwalian na namamayagpag sa ating lipunan. Ngunit sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, hindi maipagkakaila na ang adbokasiyang ito ay nananatiling isang hangarin na hindi maisakatuparan.
Ang korapsyon ay isang mabigat na aninong nagpapadilim sa bansang Pilipinas.
Ayon sa artikulo ni Mer Layson, ang korapsyon ay nagpapababa ng tiwala ng publiko sa mga institusyon ng gobyerno, na nagreresulta sa pagbaba ng mga pamumuhunan at paglago ng ekonomiya. Dagdag pa nito, sa paglaganap ng korapsyon, nagreresulta ito sa pagdagdag ng kahirapan kaya naman malaki ang epekto nito hindi lamang sa ating ekonomiya kundi pati na rin sa buhay ng bawat mamamayan. Ang lahat ng mga pagnanakaw, kawalang katapatan at katiwalian sa gobyerno ay nagiging dahilan upang mangyari ang kakulangan na pondo para sa mga taong serbisyo katulad na lamang ng edukasyon, kalusugan, at mga nasasakupan na serbisyong imprastruktura. Bukod dito, ang dalang finansyal sa negosyo ay tumataas dahil sa mga maling bayad at paboritismo na nagreresulta sa hindi patas na kumpetisyon at pagtaas ng presyo ng mga produkto. Sa pananaw ng isang artikulo na naisulat sa VeritasPH, ang suhol at katiwalian ay nakapangalawang puwesto pagkatapos ng trafficking ng droga pagdating sa pinaka mapanganib at nakasisira sa ekonomiya ng estado ng mga ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagkawala ng mga oportunidad sa negosyo at pagtaas ng mga gastos sa operasyon.
Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng pagsusumite ukol sa Certificate of Candidacy, kaya naman naging malaking usapin din ang patungkol sa pagtaas ng bilang ng korapsyon na nangyayari. Marami ang umalma rito lalo pa't isa na sa matagal na isyu sa lipunan ang katiwalian sa pamahalaan. Dagdag pa rito, bukas na ang mata ng karamihan patungkol sa hindi pantay na distribusyon at sa mga serbisyong nararapat nilang matamasa. Sa kabila ng mga suhesyon sa mabuting pamamahala ng mga pondo, may mga ulat ng mga pamahalaan sa mga halalan sa bawat bayan o barangay o pamunuan na gumagamit ng mga pondo sa mga walang katuturan o ang mas nakabahala ay paglalaan ng mga pondo para sa mga personal o political campaigns. Halimbawa, iniulat ng DILG noong 2019, 349 na lokal na opisyal ng pamahalaan ay nagbabayad ng mga โpermit to campaignโ fees, kasama ng mga ito ang CPP-NPA. Ganito ang pagbasa sapagkat may mga insidente o pantigihing mg polisiya na walang kahulugan at hindi nakatutulong o di kaya ay ito siyang nakatayo na may mga dahilan yang hindi akma ang mga pondo at ang mga inisiyatibang ito ilalabas ang ugnay ugayang bahaw.
Kung magpapatuloy pa ang pag-abuso sa kapangyarihan mas lalo lamang magiging mahirap na alisin ito. Bukod pa rito, mawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa kanilang mamumuno na siyang magdudulot pa ng mas malaking problema at dagok sa bansa. Mas magiging laganap din ang hindi pagkakapantay-pantay dahil sa suliraning ito.
Bukod pa rito, mahalaga ang pagpapatibay ng Anti-Corruption Day nang sa gayon ay magkaroon ng tranparensiya kung saan nga ba napupunta ang mga pondo na mayroon ang isang pamahalaan, lalo pa't mula ito sa mga buwis na pinagpapagurang bayaran ng mga manggagawa. Ayon kay Paraรฑaque Second District Rep. Gus Tambunting, kinakailangang bigyang karapatan sa publiko ang mga impormasyong mula sa gobyerno. Saad pa nito, nagbibigay daan ito upang magamit ng mga mamamayan ang karapatan nila sa mga impormasyon at maiwasan ang mapagsamantalang pamumuno.
Sa araw na pagtalaga ng 'Anti-Corruption Day', nakatutulong ito upang magkaroon din ng pansin sa kahalagahan ng koneksyon sa pagitan ng mga mamamayan at gobyerno. Sa oras na mangyari ito, malaki ang tyansa na mapapabuti ang bansa maging ang ekonomiya na mayroon ito. Sa madaling sabi, sabay-sabay na aangat ang pangkalahatang pagbubuti sa bawat sektor kung tuluyang maiiwasan at matatanggal ang korapsyon.
Mahirap mang bigyang solusyon ito at dadaan sa ilang mahabang proseso ngunit mahalaga na mawakasan ito. Ayon sa ulat ng isang mamamahayag na si Shanice Espiritu, kinakailangan ng isang masa na hindi titiisin at papahintulutan ang korapsyon bilang isa sa unang hakbang upang wakasan ito. Higit sa lahat, kinakailangan ang pagkakaisa ng mga mamamayan at gobyerno nang sa gayon ay tuluyang mapuksa ang isyung katiwalian lalo pa't nag-uumpisa ang pagbabago sa maayos na kasunduan sapagkat ang korapsyon ay may malaking kontribusyon sa hindi pagkakaintindihan na nagdudulot ng malaking kaguluhan.
โโโโโโโโโโ
๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐๐ง:
Almendras, R. (2024, October 6). Social cost of Philippine corruption. Philstar. https://www.philstar.com/the-freeman/opinion/2024/10/07/2390764/social-cost-philippine-corruption
Espiritu, S. (2023, December 9). Critical mass and anti-corruption movements. Philstar.com. https://www.philstar.com/news-commentary/2023/12/09/2317645/critical-mass-and-anti-corruption-movements
International Anti Corruption Day 2024 - Awareness Days Events Calendar 2024. (2024). Awareness Days. https://www.awarenessdays.com/awareness-days-calendar/international-anti-corruption-day-2024/ #:~:text=International%20Anti%2DCorruption%20Day%20is%20observed%20on%20December%209th%20each,the%20global%20fight%20against%20corruption.
PH takes strides toward transparency. (2024, January 18). Philippine News Agency. https://www.pna.gov.ph/articles/1217036
Reflection on corruption and its impact on development. (2024, January 8). UNDP. https://www.undp.org/geneva/stories/reflection-corruption-and-its-impact-development
Polisiya vs korapsyon palalakasin (2024, December 06). Pilipino Star Ngayon.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2024/12/06/2405325/polisiya-vs-korapsyon-palalakasin
349 pinuno ng pamahalaan, nagbabayad sa CPP-NPA ng extortion money, permit to campaign (2019, February 22). DILG.
https://www.dilg.gov.ph/news/DILG-349-pinuno-ng-pamahalaan-nagbabayad-sa-CPP-NPA-ng-extortion-money-permit-to-campaign/NC-2019-1061?utm_source=
โโโโโโโโโโ
๐๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ง๐ข Juliana Francheska Antenor
๐๐ข๐๐ฎ๐ก๐จ ๐ง๐ข Gerlyn Daphne A. Sison
๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐ข Mary Christine Angela Damian