09/04/2024
😪
Bakit mahalagang magkaroon ng sariling pera ang mga babae?
Basahin mo 'to...
Karamihan sa mga lalaki (hindi ko nilalahat ha) Feeling entitled sila "na sila lang napapagod kasi sila lang nagwowork".
Feeling nila, masyado kang dependent sa kanila na okay lang tratuhin ka ng hindi maganda, pagsalitaan ng masasakit na salita (ex: hindi ka makaintindi, bobo, t*nga, P.i walang pakinabang, walang kwenta, madrama, etc), gagawan ka pa ng kalokohan. Hindi nila binavalidate yung nararamdaman mo. Tapos ikaw, tatanggapin mo na lang ng tatanggapin kasi nga wala ka naman magagawa dahil nakakulong ka na sa ganung sitwasyon.
Imagine, Aanakan ka, sasabihin sa 'yo dyan ka na lang sa bahay. Ako na bahalang magtrabaho, given na malolosyang ka.
Kaya ang unfair di ba?
On a positive note, meron naman din na ibibigay sa 'yo lahat ng kanila ng walang halong panunumbat at pagtatanong kung saan mo ginastos yung ganito, yung ganyan. Pero tayong mga babae (TREASURER) lang talaga nila tayo. Tagalista, tagabudget, taga- ingat yaman... Syempre, mahihiya ka na lang gastusan yung sarili mo. Yung pangpamper mo, iisipin mo na lang na ipangdagdag sa pang gastos sa pamilya nyo. Mapapabayaan mo din talaga yung sarili mo. Kasi nga sa kanila na umiikot yung mundo mo.
Kaya maraming babae "Mentally Abused" tapos sasabihin nila. (Arte lang daw!)
Kaya mga fellow moms, kailangan natin humanap ng ways para kumita. Hindi importanteng pantayan o higitan mo yung sahod ng asawa/partner mo ang mahalaga, may sarili kang income yung hindi mo na kailangan ihingi pa sa kanila yung pambili mo ng pang skin care, napkin or ng anumang cravings mo. Kasi sa panahon ngayon, nakadepende yung pag respeto sa 'yo ng asawa mo sa laki ng pakinabang mo.