28/06/2024
💚💚
𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗟𝗟 𝗚𝗔𝗡𝗜𝗧𝗢 ☺ 7 years na ang nakakaraan - story time tayo. 😍
Bilang isang g**o, normal na yata sa amin yong parang kinukurot ang aming mga damdamin kapag may batang kapos sa pangangailangan sa pag-aaral.
Fast forward tayo, 7 years ago, nagpahiram ako sa estudyante ko noon ng halagang Php 3000.00 sabi ko sa kaniya "𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙠𝙖𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙧𝙖𝙣"
Bakit ba ako nakapagpahiram? Nakita ko kasi dun sa bata yong sarili ko noon - hirap sa pag-aaral dahil sa pinansyal na bagay (🥲).
Nakita ko sa kaniya 'yong tiyaga, dedikasyon at husay - ang kulang lang talaga ay salapi.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Hindi niya ako binabayaran hindi dahil sa 𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗻𝗶𝘆𝗮 dahil wala pa siyang kakayanan.
Palagi ko siyang kinukumusta biro ko pa nga dun sa estudyante kong 'yon "𝙞𝙠𝙖𝙬 𝙖𝙮 𝙨𝙞𝙨𝙞𝙣𝙜𝙞𝙡𝙞𝙣 𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙥𝙖𝙜 𝙝𝙣𝙙 𝙠𝙖 𝙣𝙖𝙜𝙩𝙖𝙥𝙤𝙨 𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙡𝙚𝙝𝙞𝙮𝙤" Sa katunayan, nadagdagan niya pa nga ng 500 'yong pinahiram ko noon na agad niya rin namang binalik.
Dumating ang araw na hindi na ako nakakapangamusta, ugali ko na kasi yun bilang titser ang mangamusta nang mangamusta sa mga naging estudyante ko, lamang nitong nakalipas na mga buwan sobrang naging abala.
Pero kanina, biglang gulat ko. Yong dati kong estudyante na pinahiram ko ng Php 3,000.00 biglang nag-message asking kung magkano nga 'yong utang niya. Ako naman, ang inisyal response ko ay pagkagulat. Sabi ko sa sarili ko, "bakit to magbabayad na?" At sabi ko pa sa kaniya " huwag kang pabida, kung walang pambayad pa, wag muna" pero nag-insist siya na bayaran na. Natuwa naman ako, on other hand, dahil badly needed ko this time ng pera para sa aking naiisip na project hindi rin para sa sarili ko kundi para sa iba.
Well, para sa mga nagbabasa na nakarating pa hanggang dito sa part na ito, I am just sharing this not to brag but to give everyone a message na minsan yong tulong na ibinibigay natin sa iba ay kusang babalik sa atin - maaaring yong taong tinulungan natin ang kusang magbalik o ibang tao sa panahong hindi man natin inaasahan pero sa panahong alam ng nasa taas na ating 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣.