
01/10/2025
SENADO, NAGPATIBAY NG RESOLUSYON UKOL SA HOUSE ARREST NI DUTERTE
Sa botong 15-3-2, ipinasa ng Senado ang Resolusyon Blg. 144 na nananawagan sa kapulungan na hilingin sa International Criminal Court (ICC) na ilagay sa house arrest ang dating pangulong Rodrigo Duterte bilang konsiderasyon sa makataong dahilan.
Ang bumoto laban ay sina Senadora Risa Hontiveros, Senador Kiko Pangilinan, at Senador Bam Aquino. Samantala, nag-abstain sina Senate President Tito Sotto at Senador Raffy Tulfo.