08/01/2021
πΈ"BABAE AKO"πβοΈ
Isa akong lola, ina, dalaga, bata.
Babae ako.
Hindi ibig sabihin mahina ako.
Oo babae ako.
Pero hindi ako laruan,
Na pagsinabing babae
Mukha at katawan agad ang tinitignan
Hindi pisikal na anyo ang aming puhunan
Na pagmaganda agad nyong pupusuan.
Babae ako..
Hindi mo mababasa ang pagkatao ko base sa sinusuot ko.
Sexy short? Pokpok?
Mahabang palda... Manang?
Ang toxic nyo Naman...
Wag nyo kaming ikulong sa dating na kaugalian.. year 2021
Pero tingin nyo parin samin parang kayong nasa taong 1941
Panahong ang mga babae dapat nasa bahay
Ano pabang dapat patunayan?
Doctor, pulis, sundalo,guro, bumbero
Ilan saamin yan ang trabaho
Pero bakit imbis sumaludo
Kabaliktaran ang pagtrato?
Paalala kolang
Babae ang nanay mo
Babae ang lola mo
Babae ang asawa mo
babae a girlfriend
Babae ang kaibigan mo
Kaya kung gusto mo hindi sila mabastos ng kung sino
Matuto kayong gumalang sa kababaihan
Hindi kami ipinanganak para itratong mababang nilalang.
Tandaan kami ang tulay na ginamit ng maykapal para kayo ay maisilang...
Kaya sana kahit respeto lang.. maibigay nyo saming kababaihan.'βοΈπΈππ