Ms.shin Stories

Ms.shin Stories writer

08/08/2023

Kapreng na inlove sa dalagang ina

【 kabanata 19 】
≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈

-> Ang pag liwanag ng tatlong susi ng lagusan

06/08/2023

Kapreng na inlove sa dalagang ina

( kabanata 18 )

------》 part 2 《------

Natapos na ang misa at lumabas na buong pamilya sa simbahan.. nag pasya ang mga ito na mag tungo sa mall.

"Babalik po muna ako sa bahay inay!! Wika ni nato, pupuntahan ko si mang greek at susunod na lang kami sa mall...
Ahh! Cge anak mabuti pa..at ng merong kasama si mang greek tugon ni alimg tess.. at nag paalam na ang mga ito.

Nag abang ng masasakyan na jeep ang pamilya at excited na ang mag pinsang nathan at tintin...

Habang si nato naman ay sumakay na ng tricycle pra puntahan si mang greek..

Nay!! pupunta daw po si akiro sa bahay at gusto nya kayo makilala, saad ni tintin habang naka upo ang mga ito sa isang kainan sa mall.
Sinabi ko na narito tayo ngayon kaya dito na lang daw po sya pupunta..

Hindi nag tagal, dumating na si nato at kasama nito si mang greek..

Oh!! Kuya andyan kana pala! Wika ni tintin..
Ano, ready na ba kayo? Tanong ni mang baldo. Duon tayo sa bandang dulo mag pwesto para naman malawak ang ispasyo natin.. paliwanag nito.

Kinuha agad ng mag pinsan ang menu book at agad tinignan ang oorderin nila, pumili ang mga ito ng masasarap na pag kain..

Ganun rin ang mag asawang nato at chesca, abala sa pag tingin ng kanilang gustong kainin..

Dahil kumpleto tayo ngayon at sama sama tayo.. meron akong inorder na crispy pata masayang sambit ni nato..

Yehey!! Masayang sambit ni nathan at halatang excited itong makakain ng crispy pata..

Ibat ibang klase ng pagkain ang nasa ibabaw ng mahabang lamesa.. at hindi mawawala dito paboriton nilang sinigang na baboy..

Uhhmmm... ambango sarap ng amoy nakakagutom wika ni tanya,, at hinahaplos pa nito ang kanyan tiyan na tila gutom na gutom na ito..

"Kumain na kayo anak...tanya nathan.. wika ni tintin.. at ipanag sandok ito ng pagkain..
Nag umpisa naring kumain sila mang baldo at aling tess, mang greek tara po kumain narin po tayo wika naman ni nato... sabay hiwa nito sa nakahain na crispy pata...

Habang masayang kumakain ang mga ito sinabi ni tintin, na malapit na si akiro at dito ito pupunta.. para makita sila at makilala..

Tay ohh! Umiibig na talaga si tintin.. pa nunuksong muli ni nato sa naka babatang kapatid..
Hay nako kuya hanggang dito ba naman tigilan mo nga ako.. nakakahiya naman kay akiro kung tutuksuhin mo parin ako mamaya.. dipensa ni tintin..na namumula ang pisngi..

"Nsa labas na daw sya wika ni tintin na halatang kinakabahan dahil unang beses nya itong ipapakilala sa mga magulang..
Wait lang ahh pupuntahan ko si akiro paalam ni tintin..

Tatayo palang sana si tintin.. pero laking gulat nya na makita nya si akiro na nsa tabing lamesa na ito..

Bilis mo naman andyan kana pala wika ni tintin..
Ahhhh!! Inay, itay sya po si akiro.. pag papakilala ni tintin kay akiro sa mga magulang nito..

Agad naman inilahad ni akiro ang k**ay nito upang makipag k**ay sa mag asawang baldo at tess..

Siya naman si kuya nato, asawa nya at anak nila si nathan.. ito naman si tanya ang anak ko.. pakilala ni tintin..
Agad naman lumingon si tanya sa binata..

Hello!! Po wika nito at kumakaway pa..

Siya maman si mag greek, yung nakita mo sa bahay ng minsang hinatid mo ako..wika ni tintin...
Tumingin si akiro kay mang greek,

Maliwanag nitong nakita ang buong mukha ni mang greek.. at may kung anong naramdamdaman ito na tila ba magaan ang loob nya rito..

Inilahad ni akiro ang kanyang mga palad upang makipag k**ay kay mang greek..
Mabilis nman itong tinanggap ni mang greek..

Sa pag lapat at pag sag-op na kanilang mga palad tila isang kuryente naman ang naramdaman nilag dalawa, at sa puntong yon..
Biglang may alaalang muling nag balik sa nakaraan si mang greek...

Ganun rin ang binatang si akiro.. nakita nya ang mukha ni mang greek subalit kakaiba ang itsura nito..

Tumiagal pa ng ilang sigundo ang ang pagkakadaop na kanilang mga palad.. ng mag balik sa riyalidad ang isip nila..

Pasensya na po napahawak yata ako ng mahigoit sa inyong k**ay.. paumanhin ni akiro kay mang greek...

Ngumiti si mang greek sa binata.. bilang tugon na tinatanggap nito ang paumanhin ni akiro..

Maupo kna dito akiro at sabayan mo kaming kumain paunlak ni mang baldo sa binata..

Habang kumakain ang mga ito ay.. wlang humpay ang kwentuhan, masayang masaya ang mga ito na tila isang buong pamilya lang sila..

Hindi na sila nag tagal pa at nag pasya na silang umuwi... upang makasama pa nila ang binata at makilala pa nila ito..

Sa akin na po kayo sumakay, mero po ako dalang sasakyan pa unlak ng binatang si akiro..

Sigurado kba.. baka hindi tayo mag kasya ehh masyado yata marami.. wika ni aling tess..
Okay lang po kasya po tayo malaki po ang dala kong sasakyan.. tugon ni akiro..

Ng makarating ang mga ito sa parking lot.. agad nman silang sumakay sa sasakyan ni akiro at nag tungo na ang mga ito pauwi sa kanilang bahay..

Habang binabagtas ang daan, wla paring tigil si nato sa panunukso sa kapatid nitong si tintin..

Ohh!! Paano bayaw iingatan mo yan kapatid ko ahh mahal na mahal namin yan wika ni nato kay akiro..
Kuya ano ba.. tumigila ka nga..dya nakakahiya ka ohh.. saad ni tintin.. na tila nag tatampo...
Panay naman ang sulyap ni akiro kay tintin, sa salamin.. malapad ang ngiti nito.. na siya namang lalong nag papapula sa pisngi nito..

Itutuloy!!!

05/08/2023

Shout out sa Mga Followers at may mga TOP Fan Badge.

Check nga natin kung andyan pa badge mo!
Comment "Hello"

05/08/2023

Kumbento

-----------------part 3-----------------

-unang araw sa kumbento-

10:00am
Nagising ako sa ingay na nag mumula sa labas ng aming kwarto. Dumapa ako at pinatong ang unan sa aking ulo..

Ano bayan, ang ingay ingay.. magagalit na nman si mother myrna..wika ko saking sarili, na pilit takpan ang aking mga tanga upang mabasan amg ingay na aking naririnig..

Hindi na ako nakatiis at bumangon na ako sa aking higaan..
nakita kong nakaayos na ang mga gamit ng aking ka room mate.. tila malalim ang aking pag kakatulog at hindi ko namalayan ang pag aayos ng gamito nito..

Nag pasya na akong lumabas ng silid at mag tungo sa banyo upang maligo.. ang ibang kababaihan ay nakapag ayos na ng kanilang sarili...

Pumasok na ako sa loob ng CR at nag tungo ako sa isang paliguan...
Binukasan ko ang shower...at nag simula na akong maligo. Habang na liligo ako ay hindi ko maalis sa isipan ko ang mga kakaibang na kikita ko...

Gaya na lng mga nakikita kung na tuyong mantsa sa pader, sa mag labahan ganun rin sa aming kwarto. Pra itong mga bahid ng dugo na tuyo..

Habang naliligo ako narinig ko ang pag bukas ng isang paliguan at ang pag bukas ng tubig,

"Hay salamat at may kasama na ako dito.. dahil sa totoo lng kanina pa ako kinikilabutan.. wika ko sa sarili ko. Ipinag patuloy ko ang aking pag ligo...hanggang sa matapos ako.
Hindi ko na namalayan na tapos narin maligo ang nasa kabilang paliguan...

Pag labas ko ng paliguan ay naka bihis na ako, humarap aq sa isang malaking salamin at nag suklay ng mahaba kong buhok..

Palabas na ako ng mapansin kong, naka bukas ang pitno ng isang paliguan, ngunit hindi ito basa tulad ng inaasahan ko,
Hindi ako maaaring mag k**ali, narinig ko may pumsok dito at naligo...

Kinalabutan ako sa isiping yon at dalidali na akong lumabas... pag bukas ko ng pinto ng kwarto ay sya nang pag labas ni mother myrna...

Aaaahhh!!! Multo multo.. sigaw ko.. at ramdam ko ang malamig na k**ay ni mother ng hawakan nya ang magka bilang braso ko..

Ano ba ang ng yayari sayo? Kanina pa kita hinahanap kanina kpa hinihintay ng mga kasamahan mo, wika nito sakin.
Ako naman ay tila tuod na pinako sa kinatatayuan ko.. ramdam ko ang kakaibang pwersa ni mother myrna.

Kumain ka na at pagka tapos mo ay mag punta ka sa hall.. dadating na ang iba nyo pang kasamahan wika nito..
Ngumiti na lng ako bilang tugon...

Pagka alis ni mother,sinara ko agad ang pinto ng kwarto hinanger ko ang aking gimamit na tuwalya saka ako umupo sa gilid ng aking k**a..

Makaraan ang ilang saglit nag punta na ako sa kusina upamg kumain , tulad ng mag daang gabi.. marami ang naka handang pag kain, mas marami ito mgayon kumapra sa una.. ibat ibang klaseng luto ng karne.. tila katakam takam namn ito.
Subalit prutas lang muli ang aking kinain... gutom man ako pero wla akong gana kumain..

Dumating si mother habang kumakain ako ng saging.. at napansin nito wlang laman na pagkain ang aking pinggan..

Ayaw mo ba ng pag kain sambit nito.. habang nakatitig ito sa akin.
Naku!! Hindi po mother, pusog pa po kc ako pag kukunwarin ko at bahagya akong napayuko..

Hindi ko kaya salubungin ang tingin sa akin ni mother myrna.. tila iba ang kislap ng kanyang mga mata..
Lumapit sa akin at pilit na ligyan ng pagkain ang aking pinggan..

Kumain..ka!! Ubusin mo yan, at sumunod ka sa hall pag tapos mo.. wika nito at mabilis na tumalikod at naglakad papalayo...

Tinignan ko ang pag kain na nilagay ni mother, ayaw ko man kainin subalit magagalit ito sa akin kinuha ko ang kutsarang nasa gilid ng pinggan. Sumandok ako ng kaunti at sinubo ko ito..

Bigla kong na ibuga ang aking sinubong pag kain.. tila babaliktad ang sikmura ko sa kakaibang lasa nito.

Dali-dali akong tumayo at itinapon sa basurahan ang laman ng aking pinggan..

"Nag punta na lang ako sa hall kung saan naroroon aking mga kasamahan..
Maraming silya ang nka hilera na tila may magaganap na pag pupulong...

Hindi nag tagal ay dumating ang mga madre.. kabilang dito si mother myrna.. ng dumaan ito sa gilid matalim ang ipinikol nitong tingin sa akin...
Naka ramdam na nman ako ng kakaibang kilabot, tila ako lng ang nakakaramdam na may kakaiba sa madreng yon..

Isa isang nag pakilala ang mga madre maliban kay mother myrna.. mga naka kulay puti ang madre at may belo rin silang mahaba na kulay puti..

Si mother myrna ay iba ang kasuotan.. mahaba rin ito na halos lumapat na sa sahig,, itim ang kulay nito..at naka belo rin ito ng itim..

1:00pm

Dalawang sasakayan ang dumating lulan nito ang mga kababaihan.. tulad namin isa rin sila sa mga mag mamadre.. labing lima sila at galing naman sila sa ibat ibang parte ng lunggsod ng maynila..

Apat na lalaki ang bumaba ng sasakyan.. may dala ang mga itong malalaking bag na kulay itim..

Nilapitan ito ni mother myrna na at kinausap. Tango tango lng tugon ng mga lalaki..
Bigla ako kinabahan ng biglang mapatingin sa dako ko ang isang naka itim na lalaki.. mabilis kong ibinaling ang aking tingin sa harap,at nag kunwaring hindi ko sila nakita...

Tinawag ng madre ang mga bagong dating at inalok na maupo sa mga bakanteng upuan..
Naka ngiti ang mga ito ng mag tungo sa aming kinauupuan..
__________________________________________________

Itutuloy!!

05/08/2023

Kapreng na inlove sa dalagang ina

( kabanata 18 )

------------------------------------

"Marahang ipinarada ni akiro ang kanyang sasakyan, sa malawak nilang garahe. Katabi nito ang dalawang mahaling sasakyang na pag mamay-ari ng kanyang kinikilalang magulang.
Si Don. Nicolas at Doña. Isabel.

"Pag pasok ni akiro sa loob ng malaking bahay, na abutan pa nitong gising si don.nicolas. Naka upo ito sa harap ng bar at umiinom ng mamahaling alak..

"Ginabi ka yata ngayon akiro! Wika nito.
Pasensya na po papa!! Medyo ginabi po ngayon, lumabas po kmi ni tintin at hinatid ko narin po sya paliwanag ni akiro kay don. Nicolas.

Lumapit ito kay don.nicolas at na upo sa katapat na mataas na upuan.
Nag lagay ito ng alak sa kanyang sariling baso..

" kamusta ang business mo iho? Nakausap mo na ba ang isa nating kleyente?, tanong ni don.nicolas kay akiro.

Maayos po papa, at naka usap ko na ang kleyente, tugon nito kay don.nicolas.
Magaling akiro, kung ganun ay mag handa ka sa susunod na buwan.
Merong tayong itatayong gusali. Sambit ni don. Nicolas.

"Cge papa, tugon ni akiro.
Mag papahinga na po ako paalam nito kay don.nicolas.

" tinungga ni akiro ang natitirang alak sa kanyang baso, saka ito pumunta sa kanyang silid. Pag pasok nya sa kanyang kwarto ay pabagsak itong humiga sa kanyang k**a. Naka dipa ang kanyang mga braso at naka tingin sa kisame ng silid.

( Akiro's POV )

"Gabi na ng ihatid ko si tintin sa kanilang bahay, buti na lang at bukas pa ang mga ilaw sa bahay nila, gising pa ang mga ito siguro ay hinihintay talaga nilang dumating si tintin.

Isang matandang lalaki ang naka agaw sakin ng pansin, ngayon ko lang ito nakita sa bahay nila tintin, at pamilyar sakin ang matanda.
Naka tagilid ito sa aming dereksyon ng makita ko sya.

"Nag lakas loob akong mag tanong kay tintin kung sino ang matandang yon, at sinabi naman ni tintin na dating palaboy sa lansanggan.
Wla na daw itong matitirahan at k**ag anak kaya kinupkop nila ito.

Habang pa uwi ako ay iniisip ko parin kong saan ko nakita ang matandang nakita ko sa bahay nila tintin. Tila may kakaiba akong nararamdaman ng makita ko sya.

Habang naka higa ako sa aking k**a at iniisip ko parin ang matandang yon, nakaramdam na ako ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata, hanggang sa makatulog na ako.

"Maaga ako nagising at agad naman akong ng tungo sa banyo upang maligo, pagka tapos ko nman ay mabilis akong nag bihis at nag tungo na ako sa kusina.

Na abutan ko doon ang kasama namin sa bahay, si manang linda, abala itong nag luluto ng umagahan.

"Magandang umagaho po sir, bati nito sa akin
Gusto nyo ho na kape ipag titimpla ko na kayo sambit nito. Nginitian ko sya tanda ng pag sang-ayon ko.

Napaka sarap talaga ng kape mo manang linda pag puri ko sa kanya.
Tuwang tuwa naman ito sa tuwing na gugustuhan ko ang timpla nya.

Maaga nga pala ako aalis manang linda. Paalam ko dito. Pasabi na lang kay mama at papa na umalis ako ng maaga pupuntahan ko si tintin.
Tumango tango nman ito sa akin...
___________________________________________

Araw ng linggo, at nagkataon na pare-pareho silang wlang trabaho day off ni tintin ganun rin si nato at mang baldo.

Maagang gumising ang buong pamilya, mag tutungo ang mga ito sa simbahan..

Ahh!! Mang greek gusto nyo po ba sumama sa amin mamaga Tanong ni tintin sa matanda.. mag sisimba po kami at pupunta narin po sa mall para makapag grocery..

Sasama na lng ako sa mall wika ni mang greek..
Ehh!! di po kayo sasama sa simbahan tanong ni tintin, naku!! Hindi na at hindi naman ako nag sisimba tugon ni mang greek..

"Habang mag kakaharap sa lamesa at masayang kumakain ng almusal, na banggit ni tintin ang tunggol kay akiro..

Ahhhmmm!! Sya nga po pla inay, itay, pupunta po dito mamaya si akiro . Kilala nyo naman po sya diba pero gusto daw po nya mag punta dito para daw po pormal nya kayong makilala, naka ngiting wika ni tintin sa mga magulang..

" asus kunwari kapa tintin kinikilig ka nman.. pa nunukso ni nato sa kapatid sabay kiliti sa tagiliran nito..
Tinapik nito sa balikat si nato at malapad ang pag kakangit..

Ano kba kuya! Tumigil ka nga dyan baka mamaya maniwala sayo sila nanay ehh!!
Bahagyang na mumula ang magkabilang pisngi ni tintin, at hindi ito na ito sa kanyang kuya ato..

Pumapag ibig na ang mahal kung kapatid..pag bibirong.wika ni nato, na lalong ikinapula ng pisngi ni tintin...

Ano ka ba kuya!! Tanging nasambit ni tintin.. at halatang kinikilig ito na tinutukso sya ng kanyang kuya nato sa binatang si akiro..


"Mang greek maiwan ka muna namin at mag sisimba muna kami.. wika ni mang baldo sa matanda..
Oo sige mag iingat kayo!! Ipag dasal nyo na lamang ako tugon ni mang greek..

Babalikan ko kayo dito mamaya mang greek, pagkatapos namin mag simba wika naman ni nato..
Oo nga po mang greek, sunduin ka namin at ipapasyal ka namin sa mall saad nman ni tintin na naka ngiti..

Sobrang saya tlaga ng kapatid ko ohh.. halatang pumapag ibig.. ehh.. gumaganda..
Wlang tigil paring pa nunukso ni nato sa kanyang kapatid...

Ewan ko sayo!! Sabay irap ni tintin sa kapatid,, na kinahagalpakan naman ng malakas na tawa ni nato...

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Kabanata 18
Part 2.....
Itutuloy

04/08/2023

Bakit nga ba, matagal akong mag update ng story ko..?

->meron po akong baby na dapat ko rin asikasuhin.. 😊
Kapag di busy at mabait si baby makakapag sulat po agad aq ng kwento.

This week medyo iyakin po si baby at may lagnat, pinabakunahan po kc ( baby first ) kaya di aq makapag upadte.

-> hindi po ganun kadali, mag isip ng ilalathala mo sa story, dpat fresh yung mind mo or wla ka ibang inisip kundi focus lng sa pag susulat.

-kungerong laging na bibitin..sa kwento.. kayo na po mag tuloy..😄😄 charizz..😆✌✌
Kc nga po hindi pa tapos ang kwento kaya lagi nyo sinasabi bitin..😄😄

Ohh sya,, mag update na aq..

Abangan ang na lalapit na pag tatapos ng KAPRENG NA INLOVE SA DALAGANG INA...
☺☺

Smile bebekoy, ayenn☺😘Iyak later..😄Later po aq mag update sa ating story..Bebeloves ko muna..☺
02/08/2023

Smile bebekoy, ayenn☺😘

Iyak later..😄

Later po aq mag update sa ating story..
Bebeloves ko muna..☺

01/08/2023

Hindi lng pag susulat ng kwento ang libangan ko.. mahilig rin po aq mag basa..
Haist!! Yung dalawang bagong character sa kapreng na inlove sa dalagang ina kapareho sa nabasa ko.. si akiro at alduz..🥲
Sana wlang mag isip na kinuha ang name ng nasa kwento nila..

31/07/2023

Two types of me.

1. Walang pera

2. Syempre wala paring pera..

🤭😆🤣

31/07/2023

Title: kumbento

Horror/killer

Author:ms.shin

------------‐----Part 2----------------

🚫⚠️
"Hinatid kami ni mother myra sa aming mga silid.. dalawang tao kada isang kawato..

Magahanap kayo kung sino ang gusto nyo maging kasama sa room nyo wika ng madre...
Bawat kwarto ay dalawang tao ang magkasama..
Dalhin nyo muna ang mga gamit nyo sa inyong silid..at sumunod kayo sa akin ituturo ko sa inyo kung nasaan ang banyo at paliguan, ganun rin ang kusina.. malumanay nitong paliwanag..

Mabilis nmn kaming kumilos,, inilapag muna namin ang aming mga dalang bag, saka kami nag mamadaling sumunod sa kanya..

Hindi parin maalis ang kakaibang nararamdaman ko, habang lumilipas ay lalong pabigat ng pabigat.
At tumataas ang mga balahibo ko..

Limang bakanteng kwarto ang na daanan namin,patungo sa kusina..
Mag sasalita palang sana ako..ng mag salita ang kasama ko at nag tanong ito..

Mother! Matagal na po ba ang kumbentong ito,? at bakit kami lang po ang narito wla na po bang ibang kasamahan, kami lang po ba ang mag mamadre.. tanong nito..

"Huminto ang madre sa pag lalakad.. at marahang umikot ito paharap sa amin..
Tila hindi na gustuhan ang ginawang pag tatanong ng isa kong kasama.. ang kaninang malapad nitong ngiti ay napalitan ng lukot na mukha..

Wala sagot ang madre at matalim kaming tiningnan..

Nag tungo kami sa banyo at sa paliguan ganun rin sa lugar ng labahan..
Sinabi ng madre na dito kami mag lalaba at maliligo....

Tinignan ko ang buong palagid at prang may kakaiba akong nararamdaman..
Ito na naman yung lakiramdam na tila may nak**asid sa amin..

Napansin ko rin ang tila mga mantsa sa paligid ng pader.. hindi ko mawari kung dumi lng ito sa kalamuan ng pinta.. ng kumbento..

"Anong tinitignan mo diyan wika ng madre..na diko namalayan na nsa tabi ko... at ikinagulat ko ito...
Ahh!! w-wa wala po wala po morther utal kung sambit at mabilis na akong lumabas,,
Naka labas na pala ang aking mga kasamhan at tanging ako na lng ang naiwan sa loob.. sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko ito na malayan..

Ilang saglit ay lumabas ang madre..

Mag tungo na kayo sa kusina, naka handa na ang inyong hapunan at pagka tapos nyo ay maari na kayong mag punta sa inyong mga silid at mag pahinga.. wika ng madre..

Tatlong metro pa ang layo namin sa kusina ay amoy amoy na namin ang napaka bangong putahe...
Tila mga gutom na gutom kami at ang iba ay napa sambit pa..

Wow,, ang bago ng ulam naamoy ko... wika ng isa..
Lalo akong ginugutom, kumakalam na ang tiyan ko.. sambit rin ng isa..

Pag pasok namin ng kusina. Naka latag sa mahabang lamesa ang ibat ibang uri ng pagkain..
Magka ibang klase ng ulam na karne may mga prutas..isada .. at agad nman umupo ang mga kasamahan ko.. at kumuha ng pagkain..

Nakakaramdam ako ng gutom ngunit, wala akong ganang kumain.. kumuha lng ako ng saging at mansanas na siya kung kinain..

Ngunit ang aking mga kasama ay tila mga gutom ma gutom,, halos maubos nila ang naka hain sa lamesa...

Na una na akong tumayo sa kinauupuan ko, pa punta sa aming silid ang mga kasama ko ay ganun rin
Habang nag lalakad kami sa hallway,, napansin ko sa aking mga kasamahan tila mga pagod na pagod sila at antok na antok..

Ano ba naman itong mga ito.. parang mga zombie mag lakad.. wika ko sa aking sarili..

Nsa dulo ang aking naging room.. medyo malawak ang kwarto, kung tutusin kasya dito ang apat o limang tao..

Merong dalawang malawak na k**a, sa gilid nito ay merong maliit na table..
Sa kabilang sulok nman ng kwarto ay cabinet na lagayan ng aming gamit, meron rin maliit na sofa..
Ganito rin kaya kwarto nila sambit.. ko..

Hibang nag aayos ako ng mga gamit ko.. napansin ko ang na natuyong mantsa sa gilid ng k**a.. maitim ito..
Ipinag patuloy ko na lang ang pag aayos sa gamit ko..
Ipinatong ko sa table , ang dala kong naka frame na picture nmin nila papa at mama..

Naisipan ko na nmn tanungin ang pangalan ng ka room mate ko.. ngunit hindi ito umiimik..
Ngunit pag lingon sa kanya..
NAka dapa na ito sa k**a at masarap ng na tutulog..

Grabe ha... sana all na kakatulog agad.. na papailing na lang ako..
Ilang oras na ang lumipas, pero hindi ako dalawain ng antok.. nag pabali-baliktad na ako sa aking higaan nguti hindi parin ako makatulog..

Nakaramadam ako na pag *hi kaya kinakaylangan kung lumabas ng silid.
Kung bakit ba nman kasi walang cr itong kwarto, pag mamaktol ko..

Napilitan akong lubas,pra mag bawas.. dahil hindi ko kayang pigilan ito hanggang umaga.. pag bukas ko ng pinto, kinilabutan ako sa sobrang dilim ng paligid.. wla akong makitang bukas na ilaw..

Kinapa kapa ko ang pader nag babakasakaling may mahawakan akong swich ng ilaw..
Na kapa ito at binuksan
Nag dadali nmn akong ng cr, habang nasa loob ako.. maron akong na ririnig na tila mga nag sasalita,o kumakanta hindi ko maintindihan..

Pag tapos ko mag cr.. hinanap ko kung saan nag mumula ang ingay, sa lawak ng kumbento ume eco ang ingay nito..
Nag lakad aq patungo sa dulo ng hallway at nakita ko ang hagdan paitaas,,

Bumalik na ako sa aking silid, at pinilit kung ipikit ang aking mata hanggang sa maka tulog ako..

Itutuloy!!

Address

Antipolo

Telephone

+639568367701

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ms.shin Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Nearby media companies


Other Digital creator in Antipolo

Show All