10/11/2024
👄INTERESTING CHIKA NI RB BORINAGA!
2 DIREKTOR NAGTATAGISAN NG GALING!
Aba'y si Direk Zig Dulay at Direk Mikhail Red na nga yata talaga ang tinadhanang tatapos sa nakakaumay na pelikula ng bansang Pilipinas! Kung ating bubusisiin, ang dalawang direktor na ito ay biglang yumabong nalang ang karera sa pagpepelikula nitong dalawang libong taon. Ito ay mula sa mga pelikula nilang tinimplahan ng banyaga.
Ayon pa kay Direk Zig Dulay, "Gusto kong subukang gumawa ng pelikula na hindi ako o wala sa aking comfort zone. Dahil sa tumatanda na nga ako, kaya gusto kong masubukan naman 'yong mga bagay na hindi ako o hindi ko pa nagagawa, nang sa gano'n ma-challenge ko palagi ang aking sarili."
"Pero alam mo, 'yong mga nauna kong pelikula, ay 'yong ginawa mo 'yong best mo, alam mo 'yon?Tapos feeling mo p'wede mo na siyang ulit-ulitin," dagdag pa ni Direk Zig.
Nang matanong ko naman si Direk Zig tungkol sa pelikula ni Direk Mikhail Red, narito ang kan'yang sagot, "Ah, si Mik kaibigan ko 'yan, kabatak ko 'yan. Pag magkasama nga kami abroad, dahil sa mga film festival, natutuwa ako diyan kasi napaka humble niyang bata na 'yan kapag magkasama kami."
" 'Yon nga, sinasabi ng mga tao na nagsasalpukan ang mga pelikula namin, pero sa totoong buhay walang gano'n, nakakatuwa lang, dahil naiisip ng mga tao 'yong importance ng ginagawa naming pelikula, na hindi 'yong pelikula na basta dumaan lang. Sobrang naapreciate talaga ng mga tao ang ginagawa naming pelikula. Sobrang highly acclaimed na rin kasi ang mga pelikula namin kaya siguro nasasabi 'yon ng mga tao."
Narito ang mga kilalang pelikula at teleserye ni Direk Zig Dulay: Bambanti (2015), Paglipay (2016), Sahaya (2019), Maria Clara at Ibarra (2022-2023), Firefly (2023), My Guardian Alien ( early 2024), Widows War (Present), at Green Bones.
Narito naman ang listahan ng kilalang pelikula ni Direk Mikhail Red: Birdshot (2016), Eerie (2019), Dead Kids (2019), Arisaka (2021), Deleter (2022), Friendly Fire ( Present) at Nocturno (Present).
Ito naman ang listahan ng mga parangal ni Direk Zig Dulay: Best Director MIFF 2024 for the movie (Firefly), His Film Firefly won Best Picture in MIFF 2024, Nominated for Best Director in
47th Gawad Urian Awards,
Best Director of the Year (Firefly) in the Gawad Dangal Filipino Awards 2024 and Director of the year in Platinum Stallion National Media Awards 2024.
Ito din ang listahan ng mga parangal ni Direk Mikhail Red: Best Director for Deleter at the 39th LUNA AWARDS, Best Director for Deleter in 2023 Winner FAP Award, Best Picture and Best Director for Deleter at the 2022 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal, his film ARISAKA selected at Tokyo IFF 2021, Best Film for Birdshot in 2016 Asian Future section in Tokyo and his film Recorder won 5 awards including Best New Director at Vancouver International Film Festival (2014).
Kapansin pansin sa mga genre ng pelikula nitong dalawang direktor ay tipo bang paiba-iba, kung saan kitang-kita ang kanilang pagiging versatile sa trabahong ginagawa.
Kaya, ano pa'ng hinintay ninyo? Panoorin na sa Netflix, iflix, Prime Video at HBO Go
ang underdog E-sports adventure film ni Direk Mikhail Red na FRIENDLY FIRE. Gano'n din ang suspense drama film ni Direk Zig Dulay na GREEN BONES. Ang GREEN BONES ay kasama sa 50th Metro Manila Film Festival. Ipapalabas ang GREEN BONES sa sinehan ngayong araw ng pasko!
Sama-sama nating tunghayan ang mga mundong pinag-igihang buohin nila Direk Zig Dulay at Direk Mikhail Red!
Direk Zig at Direk Mik, narito ang Bible verse ko para sa inyo, "Proverbs 2:6. For the LORD gives wisdom, and from his mouth come knowledge and understanding."
Para sa umaatikabong showbiztaktakan, tumutok lang sa nag-iisang chikador sa balat ng lupa na si i.Chika!
🗞BALITANG KAXADO , ANG PAHAYAGANG BALANSE AT TOTOO☕️📰🦾
Please LIKE, COMMENTS & SHARE! GET A BUNDLE COPY 5PCS @ 300 INCLUDES SHIPPING FEE BY DIALING 09295414650 and look for Sir Alan Bordeos☕️📰 or drop by for 20 pesos each in our publishing office located at Block 2, lot 5, SAMMARI Compound, Purok 12, Brgy. San Roque, Antipolo City. Near Bosay Resort Entrance.
Make it a habit to read and follow a unique Columnists and Journalists who are unbiased and supported only here at Balanced and True Newspaper. The KAXADO News.