
22/05/2025
May project ngayon si Mayor Vico sa Pasig City Hall. Simple lang ang gusto niya:
1. Proyektong hindi substandard
2. Proyektong walang kickback
Ito ang bagong Pasig City Hall Complex. Tatlong gusali sa loob ng dalawang ektarya. Hindi na puwedeng ayusin lang ang luma dahil may bitak na at lumulubog pa. Kaya nagdesisyon si Mayor na magsimula ng bago. Pinagplanuhan, pinag-ipunan, at walang utang.
Ang pondo ay galing sa naipon ng lungsod. โฑ1 billion kada taon mula sa pagtanggal ng mga hindi kailangang gastos at katiwalian. Walang utang. Walang kompromiso sa ibang serbisyo. At higit sa lahat, dumaan sa maayos at bukas na bidding.
Isang proyektong hindi masisira o aayusin lang matapos ang ilang buwan. Isang proyektong hindi ka hihingan ng lagay. Kung meron man, isumbong mo kay Mayor. May mapupuntahan ang reklamo mo.
Isipin mo kung ganito ang sistema sa buong bansa. Matibay. Malinis. Makatao.
Posible pala.