18/03/2024
Good news po sa ating mga senior citizens—pirmado na po ang bagong Centenarians Act!
Dito, makakatanggap po nang karagdagang cash gift ang ating senior citizens: 10k pesos pagtapak nila ng 80 years old, 10k pesos pagtapak ng 85 years old, 10k pesos pagtapak ng 90 years old, at 10k pesos pagtapak ng 95 years old. Bukod pa ito sa 100k na matatanggap nila pagabot nila ng 100 years old.
Ito po ay siguradong makakatulong na pang-araw-araw na gastusin, lalo na sa pangangailangang pang-medikal ng ating mga lolo at lola!