03/12/2023
TILA hindi mapakali sa pagkakaupo Ang buntis na katabi ko sa loob Ng pampasaherong dyipni. Nagtama Ang aming mga paningin at kagyat na ngumiti siya.
"Sir, ipara po Ninyo ako pagtapat sa Ospital kasi parang manganganak na yata ako..!" Aniya.
Narinig Ng Drayber Ang pakiusap sa akin ng Buntis Kaya ito na Ang kusa na kaagad itinigil Ang sasakyan. Maingat Kong inalalayan pababa sa Dyipni ang buntis.
"Baka nakakaabala ako saiyo..", aniya.
"Hindi Naman.Aalalayan Kita hanggang sa makapanganak ka" ,aniko
"Salamat kontakin ko mamaya si Mommy" aniya.
Sinalubong kami Ng Hospital Attendant na mayroong dalang Wheelchair.
SA lobby Ng Lying Inn Section ay Hindi ako mapakali. Talo ko pa Ang nag-aalala sa asawang manganganak.
"Congratulations po, Mister. Babae Ang Anak Ni Misis", wika Ng nakangiting Nars na lumapit sa akin. Saglit bago ako Nakapagpasalamat sa kanya.
Mayroong inabot sa akin na papel Ang Nars. Information Sheet, kailangan ang Pangalan Ng nanganak, Tirahan, edad, at pangalan Ng Asawa.
Pinayagan akong pumasok Ng Nars sa silid Ng nanganak. Babalikan daw Niya Ang papel na ibinigay sa akin. Tulog Ang bagong panganak. Asiwa akong gisingin siya para sa tamang Isasagot sa "Information Sheet" na Hawak ko.
Pinakialaman Kong buksan Ang Kanyang kulay itim na pitaka na nakalagay sa ibabaw Ng mesa.Nakuha ko Ang Kanyang ID. Kumpleto Ang Kanyang pagkakakilanlan.
ITUTULOY