10/02/2023
# **🔴 PAANO MAKA-IWAS SA MGA SCAMMERS AT UNETHICAL NETWORKERS? 🤔**
Medyo mahaba ito pero kapag binasa mo, makakaiwas ka sa mga manloloko na ang pakay lang ay nakawin ang pera mo. ;)
Ano ba ang pinagkaiba ng mga scammers sa unethical networkers? Ang mga scammers ay mga manloloko talaga na kabilang sa mga illegal na kumpanya. At ang tanging paraan para kumita ka sa kumpanya nila ay mag recruit ka lang ng mag recruit.
Usually walang produkto ang mga scams na ito pero dahil mas matatalino na sila ngayon, naglalagay na sila ng mga produkto pero wala naman silang plano ibenta yun. Ang purpose lang nun ay para itago na scam sila.
Samantalang ang mga unethical networkers naman ay kabilang sa mga legal na kumpanya pero ang galawan nila ay parang mga scammers rin. Naka-focus lang rin sila sa pag-recruit ng mga tao at hindi sa pagbebenta.
Matatalino ang mga scammers at mga unethical networkers na ito pero may paraan para malaman mo kung ang isang tao na nagpapakita sayo ng business opportunity ay legit ba o scammer lang o unethical networker.
# ** #1: Paypay Pera/Cheke Strategy**
Kapag pinapakitaan ka nila palagi ng pera o cheke, yung tipong ginagawang abaniko yung pera o mahilig sila mag post ng maraming pera o malaking cheke, it's either unethical networker yan o scammer. Ginagamit kasi nila yun para iparamdam sa mga tao na parang ang dali-dali lang ng ginagawa nila at yayaman ka agad tulad nila. Kasinungalingan po yun.
Lahat ng legit na negosyo takes time and effort para magawa mong kumita ng malaki. Walang magic. Dahil maraming Pinoy na tamad at gusto lang yumaman agad na walang ginagawa, tine-take advantage yun ng mga unethical networkers and scammers. Kung hindi man nila sabihing "madali" at "mabilis" kang kikita, ipaparamdam lang nila sayo yun sa pamamagitan ng paypay pera strategy.
Wala nga naman silang sinabi na mabilis at madali diba? So hindi mo sila masisisi. Pero yun ang naramdaman mo nung hinihikayat ka nila. Madalas totoo naman talaga na kumita sila ng malaki pero ang hindi mo lang alam ay sa panloloko nila nanggaling yung pera na yun.
**SOLUSYON:** Napaka-simple lang ng kailangan mo gawin. Wag ka maniwala. Yung pagpapakita ng maraming pera, scammers at unethical networkers lang talaga ang gumagawa nun. ;)
# ** #2: Langit at Lupa Strategy**
Halos parehas sa paypay pera strategy, ito naman yung ipapangako nila sayo ang langit at lupa mahikayat ka lang. Sasabihin nila LAHAT ng maganda sayo para makumbinse ka nila. Wala kang negative o panget na maririnig.
Yun ang rason kung bakit dito sa Team GENUINE, sa tuwing nagpapakita kami ng kinikita namin sa ONLINE SELLING ay nagbibigay kami ng disclaimer na hindi ito madali at mabilis. Hindi rin magic.
Hindi rin ito yung mag-i-invest ka lang tapos wala kang gagawin pero kikita ka dahil legit na ONLINE SELLING BUSINESS ang ginagawa namin. Kailangan aralin at tiyagain bago kumita.
Sa mga unethical networkers at scammers, NEVER nila sasabihin yan sayo dahil syempre, gusto nga nila i-take advantage ang pagiging tamad ng isang tao.
**SOLUSYON: **May kasabihan nga na *"if it's too good to be true, it probably is"*. Kapag naramdaman mo na mabilis kang yayaman na parang walang kahirap-hirap, umiwas ka na agad sa kung sino man nag aalok sayo dahil scammer yan o unethical networker yan. Katulad ng nabanggit ko, lahat ng LEGIT na negosyo takes time. Kailangan ng matinding sipag at tiyaga para kumita ng malaki.
# ** #3: Mahiya Ka Strategy**
Ito yung pipilitin ka nila mag-commit na sumali kahit hindi ka pa nagbabayad. Kapag sa personal, iiwanan ka nila ng maraming produkto kahit ayaw mo para mapilitan ka magbayad.
Tapos sasabihin sayo na may account ka na at kailangan mo yun bayaran na parang utang kahit wala ka naman sinasabi. Sasabihin rin nila sayo na may member na sa ilalim mo. Kumbaga desperado moves na talaga. Sapilitan. 🙅🏻♂️
Idadaan ka nalang sa hiya o utang na loob para mahiya ka at mapilitan magbayad. Ipo-post ka sa FB na parang member ka na at wine-welcome ka na para mahiya ka talaga. Tatakutin ka rin nila na kapag di ka nagbayad may consequence. Ganun nila tine-take advantage ang pagiging ignorante ng isang tao na nakakalungkot talaga.
**SOLUSYON: **Wag na wag ka pipirma sa kahit na anong papipirmahan nila. Yun lang ang importante. Kasi gagamitin nila yun sayo para mapilitan ka magbayad.
# ** #4: Artista Strategy**
*"May mga artista kami kaya legit kami". *Tandaan po natin na ang mga celebrities na ito ay binabayaran lang ng kumpanya para makapang hikayat ng tao. Kapag natapos na ang kontrata, wala na. Yan po ay isa sa mga negosyo ng mga celebrities kaya sila nagpapasikat.
Usually legal talaga yung mga ganitong kumpanya pero madalas ay mga unethical networkers ang kabilang sa ganito. Tandaan po natin na hindi porket may artista, legal, malaki, sikat at credible ang isang kumpanya ay kikita ka na. Maganda kapag ganun ang kumpanya na kinabibilangan mo pero **HINDI YUN SAPAT para kumita ka.**
Yun naman talaga ang pinakarason bakit tayo nagkaka-interest sa mga business opportunity diba? Dahil gusto natin kumita. Maraming kabilang sa mga malalaki at sikat na kumpanya pero napakarami sa kanila ang **HINDI NAMAN KUMIKITA**. Ang masaklap, **NABABAON PA SA UTANG.**
Ako mismo ang nakaranas ng ganito. Dati na ako nakasali sa mga ganung kumpanya pero nabaon lang ako sa utang at puro pagsisinungaling pa ang tinuturo samin para lang kumita. :(
Ayaw ko na maranasan nyo rin yung naranasan ko at ng milyun-milyong Pilipino na nabibiktima sa ganito kaya ko to sine-share sa inyo.
**SOLUSYON: **Kung ang nanghihikayat sayo ay kabilang sa ganitong kumpanya, tingnan mo kung ginagawa nia yung 1-3 na strategies na una kong nabanggit. Kapag ginagawa nya kahit isa sa mga yun, umiwas ka na.
# ** #5: Digital Products Strategy**
Ang mga digital products ay mga legal na produkto. Ito yung mga produkto na hindi nahahawakan tulad ng games, music, ebook, online courses, audiobooks at marami pang iba.
Ang problema sa ganito ay kapag hinaluan na ng recruiting. Dun na ito nagiging scam. Dahil base sa SEC, kapag walang kapalit na **TANGIBLE PRODUCT**,** o yung produkto na nahahawakan**,** **ang isang networking na kumpanya, scam ito.
Maaaring sa future ay maging legal ito pero sa kasalukuyan ay scam pa rin ito base sa SEC.
**SOLUSYON: **Kapag may involve na recruiting, umiwas ka nalang.
# ** #6: Legit Kasi Kumikita Strategy**
Ito yung isa sa mga pinaka-common na ginagamit na strategy ng mga scammers. *"Marami kumikita samin kaya legit kami." *Kahit lahat ng red flags ng isang scam na kumpanya ay meron sila tulad ng:
1. Walang produkto o tangible na produkto
1. Wala kang gagawin, invest ka lang, kikita ka per week or per month
1. Walang opisina o sa ibang bansa naka-base ang opisina
Ipipilit pa rin nila na legit sila kasi kumikita sila. Kung ganun lang ang logic, ang tanong ko, bakit yung droga marami naman kumikita sa pagbebenta nun at yumayaman pa, bakit illegal sila? Kumikita naman diba? Sana naintindihan mo na. :)
**SOLUSYON: **Hindi porket kumikita ang miyembro ng isang kumpanya ay legal na. Hindi dun binabase ang pagiging legit ng isang kumpanya kundi sa mga legal na dokumento at kapag naka-focus sila sa pagbebenta ng produkto.