23/01/2025
March 2003, unang pinakilala ang Friendster, Naka-base ang kanilang data center sa Mountain View, California. Si Jonathan Abrams ang may-ari nito para talunin ang myspace na isang sikat na site sa Amerika noon pero mas sumikat ang Friendster sa Asia.
Noong panahon iyon, uso ang mga computer shop, doon nag-la-log-in ang mga user ng friendster, at sa PC (personal computer/home computer) sa mga may kaya sa buhay. Ito ang paraan para magkipag-comminucate sa mga dating kaibigan, kamag-anak at kaklase, naging daan ito sa maraming reunion, panahon na wala pang i-phone.
Walang chat noon sa Friendster, kundi personal messages lamang, lagakan ito ng mga larawan gamit ang mga digi-cam, tagpong bumabagsak na at dumadausdos ang kodak company o (film-negative), dahil kakaunti na ang nagpapa-develop, automatiko na kasing nailalagay ito online sa kanya-kanyang Friendster accouny. Panahon din ito ng pagbawas ng mga nag-cha-chat sa Yahoo chat rooms.
Sa Friendster, pwedi kang maglagay ng music sa Profile mo, na sa tuwing may pupunta sa account mo tutunog ang paborito mong kanta, pwedi mo ring palitan ang kulay ng background nito at pweding mamili ng type ng letter, 'di gaya ng Facebook na uniform o magkakatulad ang format.
Umusad ang panahon, dumating na ang Multiply-Social Media, Iphone, Wireless gadgets, dahilan para hindi na lang mag-focus ang mga tao sa pinakapinaguusapang Friendster noon, dagdag pa ang pagdating ng Youtube, Twitter at Facebook.
2015, tuluyan ng nag-file ng bankruptcy si Abrams at nawala na sa internet ang friendster, at ang masakit sa lahat users nito ay ma-delet din ang lahat ng memories na nilagak nila sa kani-kaniyang account.
Hindi na-sustain ng kumpanya ang laki ng mga files para ma-preserve online ang mga data na 'di mo makukumpara sa data houses ng facebook ngayon na tila mga dambuhalang mga pabrika ng ating mga larawan, vidoes at mga post. Nagkaroon din ang facebook ng mga branches sa buong mundo para ma-save ng maayos ang ating mga files.
Binigo ni Abrams at ng kanyang kumpanya ang mundo, dahil sa naglahong mga ala-ala at nag-focus na lamang ito sa kanyang iba pang kumpanya; AngelList, ClearTax, CoinList, Docker, Front, HelloSign, Instacart, Mixmax, Pachyderm, Republic, SafeGraph, Sense, Shortcut, Slideshare, Stream, at Zeplin.
Kaya mainam na may back-up tayo sa ating mga memories, para pagdating na panahon may mabalikan tayo. Nariyan ang flashdrive, computer files, memory card at mga Hard Drive. Naging bahagi na lamang ang friendster ng ating mga ala-ala at gunita, ngunit nawala man lahat nang ito, umukit naman s'ya sa ating mga puso.
Ikaw, anong kwentong-Friendster mo?