21/09/2024
LGBTQIA+ WRITER NA SI JUDE BACALSO, BINASAG ANG KATAHIMIKAN UKOL SA ISYU NG WAITER NA TINAWAG SIYANG 'SIR.'
Nagsalita na si Jude ilang linggo matapos siyang kasuhan ng waiter na si R-Jay Marcilla, na umano'y halos dalawang oras niyang pinalabas sa trabaho matapos itong tatlong beses magkamali at tawagin siyang 'sir.'
Source : https://fbpost.net/watch?v=permalink-19924991239959123955125122523423123211
Sa Cebu Press Freedom Forum noong Setyembre 19, ipinaliwanag ni Jude na ang kanyang reklamo ay may batayan, dahil inaasahang alam ng mga waiter ang tamang paggamit ng pronouns ng kanilang mga customer.
“I had a valid complaint. I was misgendered three times. My standard response is always humor, but inclusivity is crucial, especially in public-facing industries,” paliwanag ni Jude.
Giit niya, hindi sana lumaki ang isyu kung hindi ito kumalat sa social media.
Bagama’t hindi nagkomento si Jude sa isinampang kaso, nanatiling apektado si R-Jay na hirap makisalamuha sa tao dahil sa karanasan.