10/12/2025
📢 JAPAN NEWS UPDATE: MALAKAS NA LINDOL SA AOMORI (7.5 MAGNITUDE)
🇯🇵 30 Katao Nasugatan — May Babala pa ng Mas Malalakas na Aftershocks
Isang malakas na magnitude 7.5 na lindol ang tumama sa Aomori Prefecture sa Northeastern Japan.
Naglabas ng tsunami warning kanina, pero inatras na ito matapos makita na hindi na delikado ang pag-angat ng tubig.
Ang opisyal na ulat:
🔸 30 katao ang nasugatan
🔸 May mga opisina at kabahayan na nagkalat ang gamit dulot ng malakas na pagyanig
🔸 Authorities warn: posibleng may mas malalakas pang aftershocks sa susunod na araw
Sa mga nasa Northern Japan, lalo na sa Aomori at Hokkaido side — mag-ingat at laging maging alerto sa mga aftershock updates.
Maghanda ng flashlight, powerbank, tubig, at basic emergency kit.
Mas mabuti nang handa kaysa magulat.
Stay safe everyone. 🙏🇯🇵