Kusinera in Japan

Kusinera in Japan A trad wife/SAHM for 22 years. Sharing some ART of food presentation and gastronomic experiences.
(4)

A cow with a fancy name…Wagyu that is!
03/12/2024

A cow with a fancy name…Wagyu that is!

My home for 22 years—> Hamamatsu in Shizuoka❤️.Around 21 years ago,tumira kami sa Tokyo ng kuya ko,yun yung unang beses ...
03/12/2024

My home for 22 years—> Hamamatsu in Shizuoka❤️.

Around 21 years ago,tumira kami sa Tokyo ng kuya ko,yun yung unang beses na nag-away kami ni hubby at lumayas ako🫣 (pls don’t judge me at 18y/o lang ako that time kaya isip bata pa at pabugsu-bugso).

I remember na parang naiinis na ang kuya ko kasi ako yung lumayas pero ako yung umiiyak at everyday tumatawag at nangungulit sa asawa ko,lols.

Ang ganda din ng place namin sa Tokyo pero di ko talaga ma-feel yung “home”vibes. Parang 24 hours busy ang mga tao,maingay at maliwanag gawa ng city lights.

Syempre alam ko naman na ang totoong home ay kung nasaan yung mga mahal (na mahal) ko/natin sa buhay. Pero iba din talaga sa Hamamatsu eh,maski mga Japanese sabi nila “sumiyasui” daw dito. Meaning mas livable kesa sa ibang place sa Japan.

Hati kasi ang urban at rural,dagat at bundok at higit sa lahat hindi na-snow. Maganda lang naman kasi yan pag turista ka pero yung everyday may niyebe,gesh struggle na malupit yon.

Btw,first few photos were taken kani-kanina lang. Lately napapadalas ang labas ko, nagre-review kasi sa bahay si dawter for college entrance exam few months from now kaya ayaw ko din istorbohin.

Usually pag off lang sa work ni hubby ako nalabas or may event sa school or may dapat gawin. Kanina nag-inquire din ako sa isang branch ng cram school/jukku na target namin papasukin si bunso,pero bago yon nag-solo dining muna ang mudrakelz.

Pasensya na po at napahaba na naman,gusto ko lang naman talaga sabihin na I LOVE HAMAMATSU!

Tamad mode on.Maliban sa tofu,lahat ng ‘to sa microwave ko lang niluto😅. Carrots,pumpkin,spinach & radish—>isang salang ...
30/11/2024

Tamad mode on.

Maliban sa tofu,lahat ng ‘to sa microwave ko lang niluto😅.

Carrots,pumpkin,spinach & radish—>isang salang lang sa microwaveable steamer. Last 1min dun ko in-add yung spinach para di ma-overcook.

Yung tuna pasta mekus-mekus at tantyahan lang din.

A day in a life of a “chow” lover…Nag-lunch kami ng kaybigan ko sa isang casual French resto and ordered a 4 course meal...
30/11/2024

A day in a life of a “chow” lover…

Nag-lunch kami ng kaybigan ko sa isang casual French resto and ordered a 4 course meal na super murayta lang pero delish lahat.

We then went to a medyo zuzyal na fruits parlor/cafe recommended by her kasi high quality daw yung mga fruits at cozy ang ambiance. Na-enjoy ko yung shrimp katsu sandwich nila.

Around 5pm dumiretcho kami sa Starbucks para kitain yung bunso ko after nya makipaglaro sa mga friends nya. For me dito yung coolest Starbucks sa town namin kasi may gubat vibes kahit nasa gitna ng city. Parang mas sumasarap bawat higop ng kape.

By 6:30 sinundo na kami ni hubibi at nagba-bye na rin sa friend ko. Ni-try namin sa isang ramen house na minsan mahaba ang pila kaya na-curious kami sa lasa. Masarap naman yung broth/soup kaso kinulang sa init yung sabaw at konti ang servings.

Nag-ofuro after sa isang artificial public hotsprings bath na walking distance lang sa bahay,libre lang yung entrance fee namin for a year kahit everyday pa kami pumunta. Ang sarap ng food nila dito lalo yung matcha sofuto kurimu.

Nabitin kami sa ramen kaya gora ulit sa katsu house. Kagulat sa laki ng sizes ng mga shrimps pero naubos ko naman. Sabi ko balık ulit kami soon kasi ang sulit talaga at ang perfect ng pagkaka-deep fried ng mga katsu.

Pag-uwi ng bahay nag-kape ulit kami. Ang lamig na kasi talaga…

So yun,literal na isang buong araw ng foodtrip. Lord thankyou po~

I want to enjoy my life…and FOOD is a BIG part of it! —>Pagkain lang sapat na dahil kahit anong outlet o bisyo ay wala t...
25/11/2024

I want to enjoy my life…and FOOD is a BIG part of it!

—>Pagkain lang sapat na dahil kahit anong outlet o bisyo ay wala talaga ang aking boring(para sa iba) pero payapang buhay.


On point ☑️! Pati mga comments—>now it makes sense…By the way,isa to Relationship Matters Ph sa mga pages sa socmed worl...
24/11/2024

On point ☑️!
Pati mga comments—>now it makes sense…

By the way,isa to Relationship Matters Ph sa mga pages sa socmed world na favorite ko talaga kasi napakadami kong natutunan at naging kaliwanagan about some toxic Filipino cultures & traditions na nai-apply ko talaga sa buhay ko and can say contributed a lot why I feel better,freer and happier now…

❤️Q: PWEDE BA MAGING INTROVERT AS U GET OLDER?

💙RM: Yes, we notice a lot of people as they get older LUMILIIT TALAGA YUNG CIRCLE OF FRIENDS,
kase nasala na ng mabuti thru all the years,
and LESS NEED NA TAYO TO IMPRESS OR PLEASE OTHER PEOPLE.✔️

POV of an introvert…When I was younger i was always busy, i said YES to all the invites. At ako mismo mahilig din mag-in...
21/11/2024

POV of an introvert…

When I was younger i was always busy, i said YES to all the invites. At ako mismo mahilig din mag-invite. I felt the obligation to be more social because i thought that’s what you are supposed to do.

As i got older,i realized i felt better and was happier when i didn’t. It took a while to really know myself and what was best for me.

Actually i didn’t figure it out until i was mid 30s. Now,almost 40, i will choose alone time whenever possible. It brings me joy that i didn’t have when i was constantly preoccupied because i felt like i had to be.

Needless to say,dahil nanay ako,i make time for my obligations,like attending school events of my kids and interacting with other Japanese moms BUT i also make tons of time for myself. Because if I don’t i just feel unhealthy and irritable.

Kaya wag mo/nyo sanang isipin na aloof ako/aloof na ako. I’m just introverting…

Clarity…Serenity…Solitude…Quiet Reflection…Adventure in Solo Dining.Indeed PEACE is POWER! And FREEDOM too…It’s “that fe...
20/11/2024

Clarity…
Serenity…
Solitude…
Quiet Reflection…
Adventure in Solo Dining.

Indeed PEACE is POWER!
And FREEDOM too…

It’s “that feeling” of being free from obligations,not needing to put on “a show” and hear my own thoughts.

These are my simple ways of self love—>me time,satisfying my cravings and some good massage/spa. Then I’m grateful again😂.

Iba na talaga ang generation ngayon. Bilang magulang,minsan wala kang choice kundi mag-adjust at baguhin ang paraan ng p...
20/11/2024

Iba na talaga ang generation ngayon. Bilang magulang,minsan wala kang choice kundi mag-adjust at baguhin ang paraan ng pag-iisip at pagpapalaki.

Si Yoshi & Shion nagka-iPhones lang nung tig-15 years old na sila. Kinaya naman kasi bukod sa regular school, my mga cram schools pa silang pinapasukan 2-3x a week at ibang extra curricular activities. Mahilig din sila mag-bake bukod pa mga ganap nila with friends. Sobrang busy nila.

Pero etong bunso ko minsan parang aykenat ng powers ko, though gamit nya yung old phone ko lang at nagulat nalang ako may tiktok account siya! May mga videos din siya na feeling vlogger kuno! May pa-intro pa na “welcome to yosh*to channel” daw😂. May mga terms and kanto words din siya lately na di ko alam saan nya natutunan yung iba.

Nung sinabihan ko siya ang galing mangatwiran juice colored🤦‍♀️! Wag ko daw ipilit yung old school/old ways ng pagpapalaki kasi iba na nga daw ang generation ngayon!

Kaya heto dalawang extra curricular activities nya ang pina-stopped namin lately kasi ayaw na nya bukod pa sa swimming lessons nya na wala pang 1 year inayawan nya na din. Though in-enrol namin siya sa jukku na may one on one tutorial sessions pero next month pa ang start.

At kahit ayaw talaga namin siyang bilhan ng gadgets parang nawalan kami ng choice kasi lahat ng friends nya meron. Alam nyo yon,bilang magulang nakakaawa din kasi—>kahit nakakainis.

…so lately mga ganitong mudra battles at senaryo ang mga kinakaharap kong pakikibaka,may nakaka-relate po ba?

Healthy baon ideas…
27/10/2024

Healthy baon ideas…

27/10/2024
Halloween baon ideas…
27/10/2024

Halloween baon ideas…

21/10/2024

Unagi bento—> easy yet nutritious baon for your not-so-lil kiddos!

21/10/2024

Chachatto bento! (Mabilisang baon for busy mommies.)

21/10/2024

Dahil marami ng working nanays nowadays kaya madalang na lang magpagawa ng baon sa school,pati mga events binawasan na rin nila (sa school ng bunso ko,not sure kung same din sa iba).

Nakaka-miss din pala gumawa ng obento. Hindi ko na matandaan kung kelan yung last na gumawa ako…ngayong katapusan nalang ulit kelangan daw nila magdala. Baka same din sa ibang school kaya naisip ko lang ‘to i-share.

That “tomodachi” na malakas mang-asar PERO laging maaasahan. Literal na one call or text away. At higit sa lahat safe ka...
19/10/2024

That “tomodachi” na malakas mang-asar PERO laging maaasahan. Literal na one call or text away. At higit sa lahat safe ka-marites-an😂!

Salamat sa mahigit isang dekada ng pagkakaibigan at sangkaterbang foodtrip adventures natin sa Japan hulyeta the great! Cheers to more!

14/10/2024

住所

Hamamatsu-shi, Shizuoka

ウェブサイト

アラート

Kusinera in Japanがニュースとプロモを投稿した時に最初に知って当社にメールを送信する最初の人になりましょう。あなたのメールアドレスはその他の目的には使用されず、いつでもサブスクリプションを解除することができます。

事業に問い合わせをする

Kusinera in Japanにメッセージを送信:

ビデオ

共有する