18/11/2023
Sinasamantala ng ibang relihiyon ang ikapu na sinasabi ng Bibliya sa lumang tipan para makapangurakot .. yan ang totoo .. dalawang utos lang ibinigay ni Jesus sa bagong tipan.
Mateo 22:34-36
34 Nang marinig ng mga Pariseo na napatahimik niya ang mga Saduceo, sama-sama nila siyang pinuntahan. 35 At ang isa sa kanila, na eksperto sa Kautusan, ay nagtanong para subukin siya: 36 “Guro, ano ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”+ 37 Sinabi niya rito: “‘Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo.’+ 38 Ito ang pinakamahalaga at unang utos. 39 Ang ikalawa na gaya nito ay ‘Dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.’+ 40 Ang dalawang utos na ito ang saligan ng buong Kautusan at mga Propeta.”+
Intindihin nyong mabuti yung sinabi sa
Mateo 22:40
Ang dalawang utos na ito ang saligan ng buong Kautusan at mga Propeta
Kaya ang pagbibigay ng ikapu ay hindi na sapilitan. Sa halip kusang loob na lang dapat at ayon sa kakayahan. Gaya ng sinasabi sa
2 Corinto 8:12
12 Dahil kung may pananabik ang isang tao, nagiging kalugod-lugod ang ibinibigay niya; hindi inaasahan na ibibigay ng isa ang hindi niya kayang ibigay kundi kung ano lang ang kaya niya.+
Matuto kayong magresearch sa Bibliya kung ano ang tama at mali. Wag kayong basta paloko sa mga simbahan nyo. Walang problemang magbigay ng donasyon ng naayon sa kakayahan mo.
Maling mali yung idonate mo pinagipunan at pinagpaguran mo para lang masabing nagabuloy ka sa simbahan nyo na ang makikinabang eh yung mga pastor lang para sa luho nila sa buhay. Lalo na ngayong sobrang taas ng inflation at laganap ang recession dahil sa global financial crisis. Yung mga leader at pastor nyo may pera na pambili ng luho nila ikaw na nagdonate pambili man lang ng bigas wala kang mahingi sa simbahan mo kahit idinonate mo lahat ng pera mo sa kanila. See the difference?
Tandaan nyo wala sa simbahan ang Diyos. Sa langit sya nakatira wala sa mga simbahan oh templo na pinupuntahan nyo linggo linggo. Kahit saang lupalop ka ng mundo pwede mong sambahin ang Diyos kahit na hindi pumupunta sa mga simbahan. Dahil ang tunay na pagsamba ay libre at walang anumang bayad.
Ang simbahan ay nanjan para humingi ng tulong spiritual sa iyong mga kapatid sa pananampalataya at parehas kayong maging matibay sa spiritual. At magkasama kayong sasamba at magpapasalamat sa Diyos. Dahil ang tunay na pagsamba ay libre at walang anumang bayad at walang anumang sapilitang donasyon na ikapu oh 10th tithes.
https://wol.jw.org/tl/wol/l/r27/lp-tg?q=2+Corinto+8%3A12
https://wol.jw.org/tl/wol/l/r27/lp-tg?q=mateo+22%3A34-40
Ito ay awtorisadong website ng mga Saksi ni Jehova. Pantulong ito sa pagsasaliksik ng mga publikasyong inilathala ng mga Saksi ni Jehova sa iba't ibang wika.