18/09/2022
Sa totoo lang ang hirap maging Pinoy Dota2 player, kahit hindi na tungkol sayo yung post yung mga hater mo pilit na icoconnect at magcocomment ng pambabash sayo. dati rati idol pa tawag nyo pag panalo proud pinoy pero pag talo kick or retire na. ano ba gusto nyo maubos pinoy player? ikick na lang lahat? tapos pag nawala na hahanapin nyo?
pero ganon pa man kahit ano sabhin nyo kumikita ng malaki mga yan habang nagdodota at tinutupad ang pangarap, eh kayo? naghihintay lang magkamali sila para makapagcomment at mambash para medyo cool? isipin nyo ang sakit na nga ng pagkatalo mga negative pa makikita nila sa comments imbes na mga encouraging words sana from us na mga fans para ganahan sila galingan at magpursige pa.
GL sa mga kanya kanyang buhay at sana habang tinutupad nyo pangarap nyo eh walang gumagawa ng katulad ng ginagawa nyo ngayon na imbes na sumuporta eh nanghihila pa pababa. ^^
Mga seb, tuloy lang sa pagAbot ng pangarap, Kahit ano pa estado ng dota2 career nyo andito kameng mga tunay handang sumuporta. GL!
Gabbidota Carlo "Kuku" Palad YoweDota TNC Pro Team - Dota2 Neon Esports Execration Polaris Esports XERXIA
-Alo