DZLB News

DZLB News BALITANG ATIN, IBABALITA NATIN! Ihahatid ng DZLB News ang mga balitang pangkaunlaran mula sa iba't ibang bahagi ng Laguna at CALABARZON.

Live tuwing Lunes at Biyernes, 12nn, sa Radyo DZLB.

09/12/2024

Magandang tanghali, Laguna at Calabarzon! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA:
► SEPARATION PAY NG 260 PILIPINONG NAGTRABAHO SA ISLAND COVE POGO HUB, NAIBIGAY NA
► FAMILY WELFARE PROGRAM INITIATIVE, INILUNSAD NG DOLE-CAVITE
► MULTI-PURPOSE SOLAR SPEED DRYING TRAYS O PORTASOL, IPINAMAHAGI SA CACAO FARMERS NG QUEZON
► BAHAGI NG CELL SITE SA ROOFTOP NG VEGA CENTRE SA LOS BAÑOS, LAGUNA, NASUNOG
► UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM, KAMPEON SA STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL 2024; UPLB, PAMPITO SA OVERALL RANKING
► APAT, ARESTADO SA MAGKAKAHIWALAY NA ANTI-ILLEGAL DRUGS OPERATIONS SA MGA LALAWIGAN NG CAVITE AT LAGUNA
► ISANG CAR DEALER SA CAVITE, PATAY MATAPOS BARILIN NG ISANG LALAKING NAGPANGGAP NA BUYER
► PASKONG UPLB 2024, PINASINAYAAN NITONG BIYERNES
► PAILAW SA TIAONG, QUEZON PARA SA KAPASKUHAN, PINASINAYAAN NA

FLASH REPORT: Sunog sa ikalimang palapag ng Vega Centre, Los Baños, Laguna ngayong hapon, 6 Disyembre 2024. Inaapula na ...
06/12/2024

FLASH REPORT: Sunog sa ikalimang palapag ng Vega Centre, Los Baños, Laguna ngayong hapon, 6 Disyembre 2024. Inaapula na ng mga bumbero mula BFP Los Baños ang naturang sunog.

UPDATE, 3:53pm: Ayon sa paunang impormasyon mula sa LB BFP, na-contain na nila ang electrical fire sa rectifier ng cellsite sa ikalimang palapag ng Vega Centre. Ang usok na kasalukuyang lumalabas mula sa fire scene ay residue mula sa ginamit na fire extinguishers.

Umabot hanggang sa first alarm — ang pinakamababang alarm level — ang naturang sunog.

[Ulat mula kay LB 1 Guien Garma]

DEVELOPING: Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaking suspek sa pananaksak sa Barangay Batong Malake, L...
04/12/2024

DEVELOPING: Kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaking suspek sa pananaksak sa Barangay Batong Malake, Los Baños, Laguna ngayong hapon, 04 Disyembre 2024.

Ayon kay UPLB Security and Safety Office Director Atty. Eric Peralta, ang suspek ay tinatayang 40 anyos ang edad, nakasuot ng itim na sumbrero, nakasuot ng jersey shirt na may number 10 at shorts, at may tattoo sa braso.

Samantala, ayon naman kay Clark Jopia, barangay hall staff mula sa Barangay Batong Malake, nangyari ang pananaksak bandang 2:30 ng hapon sa LB Square. Nadala naman sa ospital ang biktima, at nasa ligtas na siyang kondisyon.

[Ulat mula kay LB 1 Guien Garma]

STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL 2024 UPDATENagwagi ng ikalimang gantimpala ang University of the Philippines Los Baños...
30/11/2024

STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL 2024 UPDATE

Nagwagi ng ikalimang gantimpala ang University of the Philippines Los Baños sa Radio Drama competition nitong Huwebes.

Tampok sa radio drama entry na "Jeepney Love Story" ang pakikipaglaban ng isang ama para sa sa kanyang hanapbuhay. Higit sa kuwento ng isang pamilya, inilahad din ng radio drama entry ng UPLB ang mga kinakaharap na hamon ng sektor ng transportasyon sa gitna ng PUV modernization.

Kalahok sa UPLB Radio Drama Team ang mga mag-aaral ng UPLB College of Development Communication na sina Jhon Axcel Beltran, Ramon Carlos Garcia, Danielle Joan Cabalza, Kristine Ivy Guhapa, at Noel Elvin Villanueva. Nagsilbi naman nilang coaches sina Dr. Trina Leah Mendoza at Guien Eidrefson Garma.

Si Ramon ay Chief of Reporters, habang isa sa mga reporters si Danielle ng DZLB News. Department chair ng Department of Development Broadcasting and Telecommunication si Prof. Trina, habang g**o sa DDBT at anchor ng DZLB News si Guien.

[Larawan mula kay Beaula Frances Buena]


30/11/2024

Isinagawa nitong Huwebes, 28 Nobyembre 2024, ang groundbreaking ceremony para sa Bagong Los Baños Residences socialized housing project sa Naturesville, Carbern Village, Barangay Anos, Los Baños, Laguna.

29/11/2024

Humihingi pa ng kaunting pag-unawa ang Laguna Water District sa mga konsyumer para sa tuluyang pagsasa-ayos ng suplay ng malinis na tubig sa mga lugar na nasasakupan nito.

Ayon kay LWD General Manager Jesus Miguel Bunyi, nagkaroon sila ng mga problema sa contractor nito na Laguna Water District Aquatech Resources Corporation - LARC noong panahong iba pa ang majority shareholder ng naturang pribadong kumpanya.

29/11/2024

Magandang tanghali, Laguna at Calabarzon! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA:
► LAGUNA WATER DISTRICT, HUMIHINGI NG KAUNTI PANG PASENSYA SA MGA KONSYUMER PARA SA TULUYANG PAGSASA-AYOS NG WATER SUPPLYK
► REBATES PARA SA MGA KONSYUMER NG LARC, ASAHAN SA DISYEMBRE 2024
► RELOKASYON NG MGA RESIDENTE SA CALAMBA NA MAAAPEKTUHAN NG NORTH-SOUTH COMMUTER RAILWAY, MAAARI NANG MAGSIMULA BAGO MATAPOS ANG TAON
► HIGIT 2,000 PABAHAY, INAASAHANG MAIPAPATAYO SA BAGONG HOUSING PROJECT SA LOS BAÑOS
► MICROBUSES NA MAY BIYAHENG UPLB-UPRHS-JUBILEEVILLE AT UPLB LOOP, INILUNSAD NA
► KASALUKUYANG SITWASYON SA PULITIKA SA BANSA, PAGLABAN SA DISIMPORMASYON, AT AI SA PAGBABALITA, TINALAKAY SA DDJ SEMINAR SERIES-BANTAY HALALAN EVENT
► PHILIPPINE DIVE EXPERIENCE, INILUNSAD SA BATANGAS
► PASKONG MAKULAY: BACOOR STRIKE FESTIVAL, UMARANGKADA NA!

STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL UPDATE | Nakamit ni University of the Philippines Los Baños representative Eldridge Vi...
27/11/2024

STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL UPDATE | Nakamit ni University of the Philippines Los Baños representative Eldridge Vincent M. Hubilla ang ikalimang puwesto sa kategoryang Instrumental Solo-Piano Competition sa ginaganap na 8th STRASUC Culture and the Arts Festival 2024 sa Morong, Rizal.

Samantala, nakuha ni Andre Amare Bernardo ang ikalawang gantimpala para sa pencil drawing, habang nasa ikatlong puwesto para sa charcoal rendering si Romela Bayaban.

[Ulat mula kay LB 5 Ramon Garcia]


27/11/2024

STRASUC CULTURE & ARTS FESTIVAL UPDATE | Nakamit ni Matt Paulo Alarcon ng University of the Philippines Los Baños ang ikatlong gantimpala sa solo violin competition.

[Video mula kay LB 5 Ramon Garcia]


STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL UPDATE | as of Wednesday afternoon, 27 November 2024Dikit ang laban sa pagitan ng Bata...
27/11/2024

STRASUC CULTURE AND ARTS FESTIVAL UPDATE | as of Wednesday afternoon, 27 November 2024

Dikit ang laban sa pagitan ng Batangas State University - The National Engineering University at University of Rizal System. Lamang ang URS, na may overall score na 37, habang 32 points naman ang BatStateU.

[Ulat mula kay LB 5 Ramon Garcia]


26/11/2024

STRASUC CULTURE & ARTS FESTIVAL UPDATE | Pinabongga ng Live Band Team ng University of the Philippines Los Baños ang unang gabi ng kompetisyon para sa 8th STRASUC Culture and the Arts Festival 2024 sa Morong, Rizal.

Pina-indayog nina Ysabela Calica, James Keanne Nuevas, Lanz Rafael De Mesa, Gideon Knight Miras, at Sylvaen Roid Paras ang mga nasa University of Rizal System sa kanilang rendisyon ng kantang "Bongga Ka Day" ng Hotdog.

[Video mula kay LB 5 Ramon Garcia]


Ulat mula sa LB Times ukol sa implementasyon ng rebates para sa mga konsyumidor ng LARC:
26/11/2024

Ulat mula sa LB Times ukol sa implementasyon ng rebates para sa mga konsyumidor ng LARC:

Inaasahang maipatupad ngayong taon ang rebates para sa mga konsyumer ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation o LARC na naapektuhan ng water service interruptions matapos ang bagyong Aghon noong Mayo 2024.

Ito ang pahayag ni Laguna Water District General Manager Jesus Miguel Bunyi sa PIA Kapihan sa Bagong Pilipinas press briefing ngayong umaga.

Matatandaang noong Mayo 2024, pinatawan ng LWD ang LARC ng ₱14.4 milyon na multa matapos magreklamo ang maraming konsyumer dahil sa matinding problema sa water supply sa mga bayan ng Los Baños at Bay.

26/11/2024

STRASUC CULTURE & ARTS FESTIVAL UPDATE | Opisyal nang nagpakilala ang mga kandidato para sa Festival Queen and King sa ginaganap na 8th STRASUC Culture and the Art Festival 2024 sa Morong, Rizal.

Itinaas nina Celyn Andrea Mendoza at Jan Paolo Ratilla ang bandera ng University of the Philippines Los Baños bilang kinatawan ng pamantasan sa Festival Queen and King.

[Video mula kay LB 5 Ramon Garcia]


JUST IN: Inaasahang maiimplementa bago matapos ang taon ang rebates para sa mga konsyumer ng Laguna Water District Aquat...
26/11/2024

JUST IN: Inaasahang maiimplementa bago matapos ang taon ang rebates para sa mga konsyumer ng Laguna Water District Aquatech Resources Corporation o LARC na naapektuhan ng water service interruptions na epekto ng bagyong Aghon.

Iyan ang inilahad ni Laguna Water District General Manager Jesus Miguel Bunyi sa PIA Kapihan sa Bagong Pilipinas press briefing ngayong umaga.

Matatandaang noong Mayo 2024, pinatawan ng LWD ang LARC ng ₱14.4 milyon na multa matapos ang maraming reklamo ng mga konsyumidor ng water concessionaire. Nagkaroon ng matinding problema sa water supply sa mga bayan ng Los Baños at Bay matapos manalasa ang bagyong Aghon.

[Ulat mula kay LB 1 Guien Garma]

22/11/2024

Magandang tanghali, Laguna at Calabarzon! Ito ang DZLB News. Balitang atin, ibabalita natin!

SA ULO NG MGA BALITA:
► BIÑAN CITY AT SANTA CRUZ SA LAGUNA, LUBOG PA RIN SA BAHA — PDRRMC
► MGA TAGAPAMAHALA NG MASUNGI GEORESERVE, ITINANGGING INIMBITAHAN SILA SA ISANG EVENT NG DENR NA NAGING UGAT NG IRINGAN NG DALAWANG SENADOR SA SENATE HEARING
► 46 INTERNET SCAMS AT CYBERSECURITY CASES, NAAKSYUNAN NG DICT 4-A MULA 2023 HANGGANG NGAYONG BUWAN
► HUNTAHAN NG DA CALABARZON, ISINAGAWA SA PITOGO, QUEZON
► CALAMBA CITY, NAGTATAG NG ISANG SAMAHAN PARA ISULONG ANG KAALAMAN NG PUBLIKO SA GENDER ISSUES
► ILANG MGA LUGAR SA UPLB CAMPUS, IILAWAN NG KAHEL BILANG PAKIKIISA SA 18-DAY CAMPAIGN TO END VIOLENCE AGAINST WOMEN
► BANTAY HALALAN LAGUNA AT UPLB DEPARTMENT OF DEVELOPMENT JOURNALISM, MAGSASAGAWA NG SEMINAR TUNGKOL SA PAG-UULAT SA PULITIKA
► UPLB DEVCOM ALUMNA, HINIRANG NA ISA SA MGA BAGONG MYX VJs
► ILANG MGA BAHAGI NG LIPA CITY, NAWALAN NG KURYENTE DAHIL SA NAKURYENTENG PALAKA
► UGNAYAN TOPIC: 18-DAY CAMPAIGN TO END VIOLENCE AGAINST WOMEN

DZLB NEWS PROGRAM ADVISORYMasusubaybayan ang DZLB News mamayang 1:30pm ngayong Lunes, 18 Nobyembre 2024.
18/11/2024

DZLB NEWS PROGRAM ADVISORY

Masusubaybayan ang DZLB News mamayang 1:30pm ngayong Lunes, 18 Nobyembre 2024.

Madadaanan na ang Lagnas Bridge sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon, light vehicles ...
17/11/2024

Madadaanan na ang Lagnas Bridge sa bayan ng Sariaya, Quezon. Ayon sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon, light vehicles pa lamang ang makadadaan sa naturang tulay. Inaabisuhan ang mga heavy vehicles kagaya ng mga trak at bus na dumaan sa mga alternatibong ruta.

📷: Provincial Government of Quezon

  | CLASS SUSPENSIONS FOR 18 NOVEMBER 2024Ia-update ng DZLB News ang listahang ito sa oras na may mga dumating na bagong...
17/11/2024

| CLASS SUSPENSIONS FOR 18 NOVEMBER 2024

Ia-update ng DZLB News ang listahang ito sa oras na may mga dumating na bagong mga anunsyo.

ALL LEVELS, public and private
Cavite
Laguna
Tagkawayan, Quezon
Mulanay, Quezon
Calauag, Quezon
Polillo, Quezon
Agoncillo, Batangas
1st District, 2nd District, and 4th District of Quezon
Macalelon, Quezon
Padre Burgos, Quezon
Pitogo, Quezon
Unisan, Quezon
Agdangan, Quezon

KINDER TO GRADE 12
Calaca City, Batangas

Endereço

UPLB College Of Development Communication, College Los Baños
Laguna
4031

Notificações

Seja o primeiro recebendo as novidades e nos deixe lhe enviar um e-mail quando DZLB News posta notícias e promoções. Seu endereço de e-mail não será usado com qualquer outro objetivo, e pode cancelar a inscrição em qualquer momento.

Entre Em Contato Com O Negócio

Envie uma mensagem para DZLB News:

Vídeos

Compartilhar


Outra Empresa de comunicação e notícias em Laguna

Mostrar Tudo