05/03/2023
True.
“KUNG NEGOSYANTE KA, MAKAKARELATE KA”
Naglabas ng saloobin ang isang negosyante kung saan madalas ang mga tao mas nakikita lamang ang business mo na malago na, ang di nila nakikita ay ang mga sakripisyo mo sa likod ng tagumpay na iyon. Payo ni Razeala na gaano man kahirap maabot ang pangarap mo ay laban lang, grind lang hanggang sa maabot mo ito.
"Madalas kasi nakikita lang ng karamihan YUNG SUCESS NG ISANG TAO. Na, “ay marami tong raket, marami tong pera”. My Business yan madaming pera yan.
"Hindi nila nakikita yung laki ng “PRESSURE” ,"PAGOD", "SAKRIPISYO", " BATTLE MO SA SARILI Mo". Yung times na umiiyak kana lang sa pagod at pressure. Yung hanggang madaling araw nag dedeliver ka. Hanggang Gabi nag gri-grind ka para sa pangarap mo. Yung bawat negosyante pagkakasyahin ang maliit na kapital na hawak niya, kung pano papaikutin. Hindi nila nakikita lahat ng burden na nangyayari sa sarili mo at sa negosyo mo.
"Ang nakikita lang nila yung na establish mo na business ok na. Na kapag hindi mo sila napag bigyan akala nila madamot ka na, na nagmamataas ka na. Pero hindi nila alam na pinapaikot mo lang puhunan mo kaya hindi mo sila mapagbigyan. Hindi nila nakikita mga expenses sa business at sa personal mo.
"Sa Lahat ng Negosyante, Laban lang tayo ng laban para sa mga Sarili natin pangarap. Grind lang Tayo ng Grind. Mabuhay ang Small Business 💪💪💪💪", Razeala post on FB.
Photo by Ma Razeala Bendoy (Facebook)