19/01/2024
Alam ko late reaction na to, pero sabi nga nila better late than never😉
My initial reaction to this trending story was: “Wooooww, gandaaa mo teehh!”
Bakit? Kasi buti ka pa may engagement ring, yung iba nga, wala - tulad ko. Hahaha
Yung iba, sila pa ang nagbayad 😂 (Girl power yarn! Kayang bilhin ang sariling luho 😂)
Actually, kung ako si Girl, mapapaisip din naman ako. Bakit nga naman 299? Hindi pa sinarado ng 300. haha. Initial reaction nila is ma-disappoint, magtaka, magtampo. Madi-disappoint ka talaga if you have high expectations, ang mga girls pa naman gusto yung mga bagay na pwedeng I-flex sa instagram. Magtataka kasi bakit tig-299? Hindi 499 o 999. Nagandahan siguro siya sa design? Nagtitipid ba siya? Gusto niya lang maging practical? O may iba pang dahilan na hindi natin alam. Magtatampo kasi 8 years na kayo, pero parang hindi naman nag effort mag-save. Kung hindi pa naman niya kaya, pwede pa naman maghintay pa ng ilang taon bago mag-propose para mas mapaghandaan at maging special yung proposal.
Pero kung iisipin mong mabuti, mare-realize mo, na kaya ka nagre-react negatively kasi may mga mas importanteng bagay na hindi mo nabibigyang pansin at naa-appreciate.
👉Hindi lahat ng lalaki, ‘man enough’ to propose. The fact na nagdecide siya na magpropose sayo, he sees you in his future. And it can happen anytime anywhere, bigla niya nalang marealize na ikaw na yung gusto niyang makasama habang buhay. Appreciate his bravery to take your relationship to another level.
👉Hindi kailangan na kapag nagpropose ang isang tao, yung most expensive ring ang dapat ibigay sayo, just to prove your worth. Hindi ka naman paninda na kailangan tapatan ng presyo. Remember, you are priceless and beyond quantifiable value.
👉Hindi engagement ring ang pakakasalan mo. It’s just a symbol of promise or a sign na ikaw ang pinili niya na makasama forever. Kaya be flattered. Haba ng hair mo kasi sa dami ng girls sa mundo, sayo siya nabudol.
👉Instead of focusing on the price of your engagement ring, look at what he can offer more than material things - love, trust, loyalty, honesty, respect. Tingan mo kung kaya ka ba nyang mahalin as IKAW. Kaya ka ba niyang piliin araw-araw. Kung kayo ba talaga hanggang finals.
Dapat hindi yung engagement ring ang bida sa story, kundi yung commitment sa isa’t-isa. Kasi yung “ring” props lang yan, ang importante kayong dalawa. Yung “biggest decision” nyo. Kaya kung worth of billions yung engagement ring mo, seize the moment or kung 299 pesos o pwet ng baso man yan, kung mahal mo at you said “yes” bigyan mo parin sya ng pogi points. Kasi he can give you a happiness that goes beyond what your engagement ring can bring.😉